Two.

171 8 1
                                    

BALISANG balisa si Kris sa kinauupuan n'ya ngayon.Bagay na ikinataka ni Claire.Napaka tahimik nito habang kumakain,ni walang ano mang salita ang lumalabas sa bibig nito.Ngayon lamang ito nangyari kaya hindi mapigilan ni Claire ang mag alala.




"Hon?May problema ka ba?"tanong ni Claire.Ngnit hindi siguro narinig ni Kris ang tanong nito  dahil hindi man lang ito natinag. Hinawakan ni Claire ang kamay nito at muling tinanong."Hon,may problema ka ba?"



"H-huh?" Biglang nabalik sa ulirat si Kris," W-wala ahh,tapos na akong kumain."Paalam nito at mabilis na tumayo at tumungo sa Banyo.


Naghilamos ito ng mukha dahil parang kailangan n'yang mahimas masan.Kanina pa tumatakbo sa isip nya ang muling pagtatagpo nila ni Nica.





Si Nica,ang first  love ni Kris nung collage days.Wala na s'yang maihihiling noon kundi ang matali sa kanya ang babaeng unang nakapagpatibok ng puso niya.Mamuhay ng masaya,magkaroon ng maayos na pamilya.Kaya nagsumikap s'ya sa pag aaral para matupad lahat ng pangarap nya sa kanilang dalawa ni Nica.



Pero ganoon na lang  ang pagkawasak ng mundo at puso nito ng malamang niloko s'ya ng babaeng minahal niya ng lubos at sumama sa ibang lalaki na mayaman at doon tumira sa State.



Hindi malaman ni Kris kung ano ang mangyayari sa kanya ng mga panahong lulong sya sa sakit at kalungkutan.Halos lahat ng pwedeng ikisira ng katawang lupa ng isang tao ay nagawa nya na.

Paninigarilyo,pag inom ng alak,at ang  pagdo-droga, lahat ng iyon ay ginawa niya para lamang makalimutan ang sakit na dulot ni Nica sa kanya.


At ang pinaka malala  na ginawa nito ay ang tangka nitong pagkitil  sa sariling buhay. Ganoon katindi ang sakit,at sama ng loob na naramdaman ni Kris dahilan para balakin n'yang wakasan na lang ang lahat.






Pero ito ngayon.Bumabalik s'ya,bumabalik ang nakaraang pag ibig nya.At ang nakapagpagulo sa isip nya noong  muli silang nagkita,at sabihin nitong gusto nyang bumalik ang lahat sa dati.Gusto ni Nica na bumalik sila sa isa't isa!

Hindi maintindihan ni Kris kung bakit na lamang nag iba ang nararamdaman niya, bakit biglang bumalik lahat lahat ng masasayang alaala nila ni Nica noong sila pa? Bakit bigla siyang nanabik na makausap uli niya ito? At nang sabihin nitong gusto niyang magkabalikan sila ay lalo siyang nalito.

'Mahal ko pa ba si Nica? Pero paano si Claire?May asawa  ako!Posible bang mangyaring magkabalikan kami ni Nica?


Napasabunot na lang si Kris sa kabaliwang naiisip nya.

"Bakit ko naiisip ang mga bagay na iyon? Fuck! "



'Hindi,si Claire na ang kasama ko ngayon,bakit pa ako babalik kay Nica, kung alam kong masaya na ako sa piling ng asawa ko?'


'Pero,totoo bang masaya ako?'

Napatanong na lang ito sa sarili.





Napapitlag na lang si Kris ng marinig ang sunod sunod na katok mula sa  pinto .

"Hon,are you ok?Bat ang tagal mo sa d'yan? " Nag- aalalang tanong ni Claire.



"A-ah,Y-yeah,I'm fine. "sagot ni Kris sabay iling.


Inayos n'ya ang sarili at lumabas sa Banyo .Wala pa rin ito sa sarili kaya dinaanan lamang n'ya si Claire  at mabilis na pumunta sa kwarto.







Napabuntong hininga na si Claire  at sinundan ang asawa sa kwarto.Umupo s'ya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang nakatalikod na asawa.Lumapit s'ya sa tabi nito at niyakap.


"Hon,wala na akong period"Biro nito.


"Sorry,Im tired."Tangi nitong sabi.


Napakagat sa labi si Claire.Kumalas s'ya sa pagkakayakap n'ya at nahiga ng pormal sa kama. Inisip na lamang nito na baka nga pagod si Kris kaya wala itong gana. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at saglit pa ay nakatulog na.








****




"Babe..."Ani ni Nica habang ipinalupot ang mga braso nito sa leeg ni Kris.

Nagkasundo ang dalawang magkita sa isang bar upang makapag usap ng maayos, pero laking gulat ni Kris nang malamang nagpa- reserve pa ito ng VIP room para sa kanilang dalawa!

" Babe~ , what do you think? I reserved this room for  both of us, we can have our private time here and talk about things, you know? " may halong pang aakit ang tono ni Nica habang hinihimas ang mga braso ni Kris.



Dahil sa inis ay marahas n'yang tinapik ang mga kamay nito at masama itong tiningnan."Stop calling me 'Babe' !Wala kang karapatan! I'm a married person so stop flirting me!"



"Kris,babe,you----Stop hiding your feelings!I know,until now you're still inlove with me---"

Bago pa matapos ni Nica ang mga sasabihin nito ay napasigaw na si Kris sa galit.



"Shut the fuck up!Nagpakasal ako!How'd you know that I'd still love you after what you've done ?!" Halos lumabas ang mga ugat sa noo ni Kris habang isinisigaw niya ang mga salitang iyon.

"You! You left me! I loved you! Ginawa ko ang lahat para maging masaya ka, pero anong ginawa mo? Sumama ka sa iba Nica! Sumama ka sa iba! YOU LEFT ME! FUCK! "

Hindi niya alam kung bakit nag uumapaw siya sa galit, pero he need this, he wants to be angry and shout it out, because all of this year, he kept  all his hatred and pain by himself!

"Bakit ka ba bumalik Nica? Ha?! Why?! To hurt me again? Huh?! "

Napangiti na lamang si Nica.Lumapit ito kay Kris at inaayos  ang neck tie nito at malagkit na tinignan ang naluluhang mga mata ni Kris.

"Why ? Because of this.."  mabilis na siniil ni Nica ng mapusok na halik si Kris .


Noong una ay hindi na-proseso sa isip ni Kris ang nangyaari, ngunit sa di malamang dahilan,tumugon si Kris sa mga halik ng babaeng dapat ay kinakasuklaman niya...

Tumugon s'ya sa halik ng taong minsan na siyang  sinaktan ..

Remember Me This Way •short Story•[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon