Kris' POV
Mag iisang linggo na simula ng makita ko uli ang asawa ko,at aaminin ko sa inyong walang araw na hindi ako nasasaktan sa kalagayan nya.
May araw na napaka daming karayom ang tinutusok sa kanya...At pag nangyayari yon,sumisigaw sya sa sakit...Sapilitan nya akong pinalabas para daw hindi ko sya makita pero hindi ko kaya.Gusto ko kapag nasasaktan sya,kasama nya ako para pagkuhanan ng lakas.
Ngayon ay nasa lugar kami kung saan payapa.Ang favorite place namin kung tawagin...
Ang flower garden.
Ni-request kasi ng Honey ko na pumunta dito at maglakad lakad.Syempre,ayaw naming maistorbo kaya nirentahan ko ang buong garden para sa kanya.
Kahit hirap ng iangat ang braso ay pinilit nya ito para mahapyusan lang mga naggagandahang mga bulaklak.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sya.Hindi ko kasi mapigilang hindi humanga sa kanya dahil kahit nanghihina na ito ay ngumingiti pa rin ito.Lalo tuloy syang naging maganda.
Pagtapos noon ay sinurpresa ko sya sa pamamagitan ng pag decorate ng pinaka magandang parte dito sa hardin.
Natuwa ako dahil mukhang nagustuhan nya ito."A-ang ganda d-dito h-hon...."tanging sabi nito.
"Oo,kasing ganda mo..."
Ngumiti ito at saka inilibot uli ang mga mata sa paligid.Puno kasi ito ng mga bulaklak ,at karamihan mga rosas,ang favorite nya.
Habang busy sya paglilibang ,ako naman ay naglatag sa ng munting banig sa damuhan.
Binuhat ko sya mula sa wheel chair hanggang sa banig.Bahagya ko syang iniupo at sumunod na rin ako sa kanya para maisandal sya sa katawan ko.
Hinawakan ko ang kanang kamay nya at nilaro laro ito."Bakit ganon,ang ganda pa rin ng kamay mo oh...."
Naramadaman kong napangiti sya.."u-uso y-yan n-noh..
Bumuntong hininga ako.Ipinatong ko ang baba ko sa balikat nito dinaplisan ng halik ang tenga nya."Hon,pwede bang ,wag kang sumuko... Para sa akin?"
"K-kung p-pwede lang Kris....Kung pu-pwede l-lang..."malungkot na wika nito.
Pinilit kong ikubli ang luha ko para hindi ko sya masaktan...Maraming beses kasi nya akong pinagalitan dahil daw napaka iyakin ko.
Pero alam ko naman ang totoonh point nya doon.Ayaw nya akong umiiyak dahil nasasaktan din sya.Tunay ngang napaka swerte ko sa kanya diba?
Pero masasabi kong swerte talaga ako kung hahayaan ng itaas na mamalagi na lang sa tabi ko ang napaka gandang babae ito.
"H-hon...."aniya.
"Hmmm?"
"Th-thanks,for everything...Thanks f-for y-your l-love---"
"Shhhhh...wag ka nang magsalita...nahihirapan ka lang eh."pigil ko sa kanya.
Gumalaw ito ng bahagya at isiniksik ang ulo sa leeg ko."L-listen t-to m-me first."
Alam ko na ang mga sasabihin nya..Paulit ulit nya na yang sinasabi,pero hindi pa rin sya nagsasawa.
Minsan,ako naiinis na.Hindi dahil nagsasawa na ako...Kundi dahil ako dapat ang gumagawa ng mga iyon.
Ang mag pasalamat,ang humingi ng tawad...Ang magsabing mahal na mahal nya ito.
"T-thank y-ou...for gave me permission to enter your life...Napaka saya,ang maging bahagi ng buhay mo.."halos pabulong na lang ang lumalabas sa bigbig nito dahil hirap na itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way •short Story•[Completed]
Krótkie OpowiadaniaPahalagahan ang buhay,hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng pam-matagalan nito.So its better to love it,spend to the people you want to stay by your side . Live with beliefs, that there will be forever. Also check my other story...