One.

321 7 0
                                    


"HONEY Ang-aga mo yatang umuwi?"masayang bungad ni Claire sa Asawa nyang Si Kris.Niyakap nya ito ng mahigpit at hinalikan sa labi.


"Syempre,gusto kong makita ang napakaganda kong misis !" Tugon ni Kris habang walang sawang hinahalikan ang kanyang asawa.


Sobrang saya nito dahil maaga s'yang nakauwi galing ng kanyang trabaho,at sinadya nya talaga iyon para makita n'ya agad ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso, ang kaisa-isang babaeng iniharap niya sa altar---- si Claire.

"Tsk.Ikaw talaga,bolero kahit kailan!"masayang sabi ni Claire sabay mahinang hampas nito sa dibdib ni Kris. " Tara na, kain ka na Hon! "


"Nagluto ka para sa akin? " nakangiting tanong ni Kris.

Tumango lamang ang babae. Kumalas ito sa pagkakayakap ng kanyang asawa at hinila n'ya ito papuntang dining table at pinaupo.Isa isa n'yang inilapag ang mga inihanda n'yang pagkain para kay Kris,bagay na ikinatuwa ng lalaki.




"Wow,hon!Ang sarap naman ng mga 'to!Hay...Wala na talaga akong maihihiling pa,napaka swerte ko sayo! " Nakangiting turan ni Kris.


Hinawakan n'ya sa dalawang kamay ang namumula n'yang asawa at pinaupo nya ito sa  kanyang mga Hita.Hinawi nito ang buhok na nakaharang sa magandang mukha ni Claire.Pinagmasdan ang magaganda at  mapang-akit nitong mga mata. "I love you."tanging  sabi ni Kris sa gitna ng kanyang mga ngiti


Ngumiti si Claire at sinuklay ang mga daliri n'ya sa buhok ng kanyang asawa "I love you too."


"I love you ,three."biro ni Kris.

Natawa ng bahagya si Claire at inipit ang ilong ng mahal nya."Honey,I love you four,forever..."Nakangiting sabi nito, sabay tawid ng  pagitan sa kanilang dalawa at siniil ng halik ang bawat isa . Parehas nilang hinayaan ang sariling malunod sa halik na kanilang pinagsasaluhan.





Simple at masaya, ganiyan ang buhay na kinatatayuan ni Kris at Claire sa pamilyang itinayo nila. Mag tatatlong taon na silang kasal,ngunit hanggang ngayon ay wala paring kupas ang pag-ibig  nilang dalawa para sa isa't isa.

May magandang trabaho si Kris sa isang kompanya dahil makailang beses na rin itong na-promote.Si Claire naman ginagampanan ang tungkulin ng isang mabuting may bahay, pero minsan, para makatulong ay naghahanap din ito ng pwede niyang pagkakitaan.



Ngunit, kahit na sabihing masaya ang kung anong meron sila ngayon ay may isang kulang pa.

Wala pa rin silang anak.Sa 'di malamang dahilan,hindi pa rin sila nakakabuo kahit ilang beses na nilang sinusubukan.Nawawalan na nang pag asa si Claire,pero hindi si Kris.Lagi n'yang sinasabi sa asawa na,lahat ng bagay may dahilan.Kung hindi naman ngayon ibigay ng tadhana ang kulang sa buhay nila,pupunan na lang nila iyon ng nag uumapaw  nilang pagmamahal sa isa't isa.

Kahit na pinanghihinaan ng loob si Claire ay laging naroon ang kanyang asawa para pagaanin ang loob niya, bagay na sobrang ipinasasalamat niya sa may kapal.



Maraming naiingit kay Kris,dahil mayroon s'yang maganda,mapag alaga,mapagmahal at higit sa lahat,mabuting asawa. Kaya napaka swerte ng lalaki ,dahil sa kanyang tabi bumagsak ang isang anghel na katulad ni Claire.


Kaya kasabay ng pagtanggap sa responsibiladad,na makasama habang buhay si Clare, isinuko na rin niya ang lahat ng masasakit na nakaraan na dumating sa buhay n'ya,dahil nandito na ang kasulukuyan n'ya ,at sigurado s'ya na ito rin,ang kinabukasan at hinaharap nya.









Remember Me This Way •short Story•[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon