ILANG LINGGO nang malamig si Kris kay Claire.Ilang linggo na ring iniisip ni Claire na wala lang iyon, na walang ibig sabihin iyon..
'Siguro,stressed lang at pagod sa trabaho kaya ganoon ang asawa ko ngayon. '
Iyon lamang ang itinatatak niya sa isip niya sa estado ng relasyon nila ng asawa niya ngayon, na busy lamang si Kris kaya nagbabago ito.
Ngunit,habang tumatagal ayaw man niyang isipin, naghihinala na s'ya.
Gabi na ito umuuwi ng bahay,laging may kausap sa phone,hindi na halos namamansin at kung magkasama sila ay parang wala lang din, tila ba napaka layo na ni Kris sa kanya.
Nagbago na nga s'ya.
Tulad ngayon,dis-oras na nang gabi,wala pa ring Kris na umuuwi.Hindi s'ya makatulog dahil nag aalala s'ya dito.Tinawagan n'ya ito ng makailang beses pero ni isa,wala s'yang sinasasagot,ni text wala.
Ang bigat ng puso ni Claire.Ang daming tumatakbo sa isip n'ya habang hinihintay si Kris.Ang daming pwedeng maging dahilan para gabihin ng uwi ang asawa n'ya.
'Siguro,traffic o kaya nag overtime right?'
Iyon ang laging tinatatak n'ya sa isip n'ya.Pero,sa mga nangyayari ngayon sa relasyon nila ,posibleng...
May iba na si Kris.
Ayaw n'ya sanang paniwalaan pero may posibilidad.Nangilid ang luha n'ya nang matanaw ang malaking picture frame na nakadikit sa dingding ng bahay.Litrato iyon ng isa sa mga masasayang araw sa buhay ni Claire,ang kasal nila.
Kita dito ang saya sa mukha ng mag asawa,na parang wala ng hihilingin pa ang mga ito kung 'di ang makasama nila ang isa't isa habang buhay.
Pero ngayon,masakit mang sabihin pero,parang wala nang habang buhay sa pagitan nila.
Masakit ang katotohanan na,may iba nang nagpapasaya sa taong mahal niya.Masakit na,hindi na s'ya pwedeng manatili sa tabi nya. Masakit,na hindi na niya ito makakasama sa habang panahon dahil ,may limitasyon ang lahat.
Gustong gusto n'yang sabihin ang lahat nang nangyayari ngayon sa kan'ya ,gusto niyang sabibihin sa asawa n'ya.Pero paano? May panahon pa ba s'yang makinig?Kung ang atensyon ngayon ni Kris ay nasa iba na?
Oo,wala pa syang proweba na may iba ang asawa n'ya.Pero base sa ipanapakita at pinaparamdam ni Kris ay sapat nang itatak ni Claire sa sariling isip na,she's not the only one.Atleast,mas madali n'yang maiintindihan ang lahat.
Sa sobrang pag iisip,nakaramdam si Claire ng sakit sa ulo.Namilipit ito sa sakit na para bang binibiyak na ang ulo nito!Halos mapunit na ang anit nito sa higpit ng pagkakasabunot ni Claire sa Buhok maibsan lang ang sakit.
"UGHHHHHHH! " Sigaw nito dala ng sakit, kasabay noon ang ang paghagulhol nito.
Sa halip na magmadaling pumunta sa kwarto at kumuha ng gamot para maibsan ang pisikal na sakit na nararamadaman,mas pinili n'yang tiisin ang ito.Dahil sa tingin n'ya,mas kaya nya pa ang sakit na ito kumpara sa sakit na nararamdaman niya mula sa kaniyang asawa..
****
"Babe?"Tawag ni Nica kay Kris na ngayon ay nagbibihis na at naghahanda upang umuwi matapos nilang pagsaluhan ang mainit na gabi.
"Why babe?" Wika ni Kris.
"You love me ,right?"
"Huh...ahmm,y-yes of course" pag aalinlangan nitong sagot.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way •short Story•[Completed]
Short StoryPahalagahan ang buhay,hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng pam-matagalan nito.So its better to love it,spend to the people you want to stay by your side . Live with beliefs, that there will be forever. Also check my other story...