Ayi's POV:Hello! Ako si Aienna De Castro. Ayi for short. Mahilig ako magskate. Lagi ako pumupunta sa skating rink malapit samin para magskate. Hindi sa nagmamayabang, pero matalino ako. Sumasalang ako sa mga quiz bee achuchuchu. Magaling ako kumanta at magitara. Well, maputi din ako at matangkad, at kung pinaguusapan ang tangkad, pangatlo ako sa pinakamatatangkad na babae sa batch namin. Hinding hindi ako sumasayaw haha mukha kasi akong kiti kiti pag sumayaw haha! Well, mahilig din ako magprank😏 ng friends ko hehe... Moving on! Anak ako ni James De Castro na CEO ng isang kumpanya. Ahm... lets say na hindi ako sikat sa school namin. Pero wait! Hindi ako katulad ng mga typical nerds! At higit sa lahat, hindi ako spoiled na bratinela! Dun sa mga feeling magaganda at paganda ng paganda, eh wala namang ikagaganda yung kalooban!
Anyways, sa school namin, puro mga mayayaman at kung ano pang angat sa lipunan! Bihira samin yung maganda, gwapo, matalino't mabait. Karamihan nga kasi mga engot na babae at lalaki...na akala mo eh reyna't hari ng school.
Yung school namin, ay halos yung dream school ng karamihan. Malaking building, yung canteen 3 floors! Tapos dala-dalawa pa yung aircon sa mga rooms. Sa computer lab, mac yung provider nya! May club activities din, pag pipilian mo yung Glee Club, Dance Club, Math Club, Book Club, Sports Club, Literature Club, at Drama Club. Saka may pacontest pa silang nalalaman.
Tapos wala pang uniform, kaya malaya ka pagpipili ka ng susuotin. Yung teachers, naku! Ubod ng bait! Yung tipong di ka sasawayin pag maingay. Saka ano...hehe...yung CR...for once...MALINIS YUNG CR NG SCHOOL NAMIN! Hay!!! Saya ng buhay pag malinis yung CR hahaha!!! Gaya ng sinabi ko, dream school talaga ito.Iexpect mo sa school namin na maraming mukhang uminom ng isang galong gluta, mukhang tingting sa payat, at mukhang cake sa dami ng make up. Parang di nga sila lumalabas ng bahay eh. Amputi eh. Saka iexpect mo rin na marami manlalait sayo kung typical "nerd" ka.
Sa dami ng tao sa school, tatlo lang yung nahanap kong tunay na mga kaibigan. Lahat kasi sila plastik. Either kakaibiganin ka para sa fame, in short, famewhore. Meron ding kakaibiganin ka para yumaman, in short, buraot sa pera.
Anyways, yung mga kaibigan ko ay sina Raizah, Drea at Charlee.
Si Raizah or Rai for short ay sobrang talented at stylish. Kung may "wardrobe malfunction" ka, tawagin mo lang siya, at magmumukha kang mag-mamall sa porma mo. Sobra rin siyang talented. Magaling na sumayaw, kumakanta pa. Parati syang nasasali sa mga contests. Pero matalino din yan...
pero wag ka! Ubod ng ganda yan! At katamtaman ang height. Nagkakasundo kami lagi sa style at sa talents kaya kami naging close. Si Drea naman (short for Andrea) ay small but terrible. Kung may gusto kang iprank, sya lang ang tawagin mo. Magmumukhang TV show sa na mga nakakatawang pranks na ginawa nya. Katamtaman ang talino nyan, singkatamtam ng kulay nya😉. Diba mahilig din ako magprank? Oh ayan! Kaya kami nagkasundo. Si Charlee or Char for short naman yung bestest friend ko sa kanilang tatlo. Kasi magaling sya magpayo. Marami na ako natutunan sa kanya noh! Ubod yan ng talino kaya Valedictorian yan. Salutatorian lang ako😅. Sya yung lagi kong nasasabihan ng mga problema ko. Saka sya lang nakakaalam ng buong istorya ko. Pero di yan yung nerd type na buhaghag buhok saka may makapal ng salamin. Maganda yan noh! Ayaw lang maniwala😒. Magaling din kumanta yan! Minsan nagtitrio kami nyan ni Rai kumanta habang si Drea ang audience namin.Yan ang mga kaibigan ko! Proud ako sa kanila kasi hindi sila nagpadala sa fame at pera.
Ang sinasabi ko nga ay "Ang tunay na kaibigan ay naghahabol sa ugali ng tao, hindi sa fame o pera".
Sa lovelife ko? Well, believe it or not, wala akong boyfriend. NBSB ako eh...kaya wala akong alam dyan sa love love na yan. Haha!
Last information about me ay nasa 4th year highschool na ako. May mga bratinela na nambubully sakin kesyo ako daw yung famewhore. Eh kung makalait sila parang hindi nila pinost yung picture na na swimsuit na halos di mo makita sa nipis. Kulang nalang maghubad sa harap ng camera eh. Tapos ako daw yung nagparetoke para lang gumanda. Excuse me, kung ako nagparetoke (pero hindi naman) sila nagpa-plastic surgery.
Actually, may crush ako...nakikita ko sya lagi pag magsskate ako. Siya si James Villanueva. Well alam kong cassanova sya, pero crush lang naman, paghahanga sa itsura lang. At sigurado ako hanggang crush lang yun.
Sana masurvie ko yung last year ko sa highschool. Well, nasurvie ko naman yung last three years, pero pakiramdam
ko may darating ulit sa buhay ko eh. Saka feel ko na may mamemeet akong lalake. Di oo alam kung bakit eh. Weird
YOU ARE READING
The Skater
Teen FictionAlam mo ba yung mga lalaki na tipong...BAD BOY? Yung mga womanizer, playboy, at basagulero? Pwes, hindi ganyan ang bad boy na'to. Siya yung tipong...snob, masungit at parang walang kaemo-emosyon yung mukha. At higit sa lahat, mahilig magskateboard...