This chapter is dedicated to Mamanduhh . AYLABYU SO MUCH PO! THANKYOU FOR ALWAYS BEING THERE FOR ME💖Ayi's POV:
Nakabalik na kami sa mall nang may tumawag kay Rai. Syempre hindi siya rude para hindi sagutin 'yong tawag.
"Oh, Kuya, why'd you call? ...Ah, oo, pauwi na kami. Naglakad lang kasi kami. ...Oh bakit? Trip namin eh. Masama ba maglakad sa gabi? ... Yieee! Aminin mo na kasi na concerned ka sa maganda mong kambal. ... Oo na, oo na. Pauwi na talaga. ... Sige- OO NGA! SASAKAY NGA KAMI NG KOTSE PAUWI, ETO NA NGA PO! ... Opo, nasa tabi ko na nga po 'yong kotse eh. Kulit nito. ... Oo, oo. Bye Kuya! I love-," napatigil siya sa pagsasalita then she looked at her phone with a confused and pouty-lipped face.
"Ay, 'di ako pinatapos. Binabaan niya lang ako. Hahaha! Parang hindi ako sanay eh, 'no?"
Totoo namang sanay na siya eh. Ikaw ba naman 'yong titira kasama 'yong snob niyang kambal tapos kung kakausapin ka, akala mo hari kung makapag-utos. Source ko si Rai kaya alam ko kung ano nangyayari kay Luke.
"Oh, ba't nakabusangot 'yang mukha mo. Tumawag lang si Luke, sumimangot ka na agad." Ani Char.
"Eh kasi, si Kuya, napakaprotective. Pero alam niya naman na nag-take ako ng taekwondo lessons kasama kayo," Rai replied.
"Tsk, 'lika na nga. Uwi na tayo. Mapapagalitan pa 'ata si Rai ni Luke 'pag late siya nakauwi, hahaha!" Sambit ni Drea.
"Ang bad niyo talaga! Hmp!" Rai said while crossing her arms and putting them in front of her chest. As if she was a 7-year old kid.
Trust me, she literally looks like a 7-year old girl throwing tantrums just because her mom doesn't want to buy her a doll or candy.
"Ay teka lang, bes. CR lang ako. Pwede na kayo umalis. 'Wag niyo na 'ko intayin. Pwede naman ako magpasundo eh," napalingon kaming lahat kay Drea dahil sa sinabi niya.
Nag-okay naman kami sa kanya. Malaki-in terms of age-na 'yon. Kaya na niya mambugbog ng tatlong lalaki ng walang tulong sa 'min.
"Girls, una na rin ako. Paniguradong sesermunan ulit ako ni Kuya pagdating sa bahay eh," ani Rai sabay kamot sa ulo. Haha!
"Bebs, sabay na tayo umuwi. 'Di ko dala car ko eh. Saka gusto ko lang maglakad," sabi ko kay Char since siya na lang 'yong.
"Syempre 'oo' sagot ko 'di ba? Kasi naman, wala rin akong kasama pauwi," sagot niya.
~~~~~
Naglalakad lang kami sa madilim na parte ng daan. Hindi kami boplaks ah! Sadyang gusto namin ng adventure.
Anyways, habang naglalakad, I heard a rustling sound by the bushes.
"Bebs, may dala ka bang flashlight? May narinig 'ata ako sa may halaman," I already asked her because I started to feel fear.
May memories lang ako about rustling in the bushes...
"Wait, meron sa phone ko. Eto, kunin ko lang," naghahalungkat lang siya sa bag niya nang may marinig ulit akong paggalaw ng mga halaman.
YOU ARE READING
The Skater
Fiksi RemajaAlam mo ba yung mga lalaki na tipong...BAD BOY? Yung mga womanizer, playboy, at basagulero? Pwes, hindi ganyan ang bad boy na'to. Siya yung tipong...snob, masungit at parang walang kaemo-emosyon yung mukha. At higit sa lahat, mahilig magskateboard...