Chapter One

1K 16 2
                                    

Ako si Sasha Delavin. Isang nursing student. Hindi naman talaga ito ang gusto kong kurso kaya lang ito ang gusto ng parents ko para sa akin wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Matatakutin akong tao. Takot ako mag-isa. Takot ako sa dilim. Takot ako sa sobrang tahimik na lugar. Takot ako sa multo at elemento. Takot ako sa mga demonic creatures. Takot ako sa patay. At higit sa lahat takot ako sa BAMPIRA. Bakit? kasi nakakita na ako ng bampira anim taon na ang nakakaraan. Isang nakakatakot na nilalang na kumagat sa aking leeg. Isang nilalang na nagbigay sakin ng trauma.

Hindi ako baliw. Hindi ko rin iyon guni-guni. Totoo nangyari iyon. Malinaw pa sa aking balintataw kung paano niya ako kinagat sa leeg. Hindi ko makakalimutan ang nakakatakot niyang anyo. Ang maputla at malamig niyang balat. Ang mapupula at nanlilisik niyang mga mata. Ang mahaba at matutulis niyang mga pangil. Ang matalim at matutulis niyang mga kuku. Mahaba ang itim nitong buhok na umabot hanggang balikat. Simula ng araw na iyon takot na akong lumabas kapag lumubog na ang araw. Hindi ko rin hinahayaan na mawalan ng ilaw ang paligid ko. Ayoko rin maiwang mag-isa. Gusto palaging may ingay ang paligid ko.

Akala ng lahat baliw ako. Walang may naniniwala sa akin. Pinagtatawanan pa ako ng ilan kasi daw wala namang bampira sa totoong buhay. Likhang isip lang daw iyon ng mga taong may malawak na imahinasyon. Sino ba naman kasi ang maniniwala sayo kung bigla na lang nawawala ang markang iniwan ng nilalang na iyon sa leeg mo. Minsan naman ay lumilataw na lang bigla kapag ikaw na lang mag-isa. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika ang ginamit ng halimaw na iyon bakit nawawala at lumitaw ang markang iyon.

Pilit kung ginigiit sa lahat na totoo iyon. Pero bigo akong kumbinsihin sila. Hanggat sa dinala ako ng parents ko sa isang psychiatric clinic. Ang sabi ng doctor may psychosis daw ako kaya nagdesisyon ang parents ko na i-confine ako sa isang mental hospital. Pagkalipas ng dalawang taon. Nakalabas ako. Gumawa ako ng paraan para makalabas ako. Ginamit ko ang utak ko. Unti-unti akong bumalik sa dati, yan ang akala nila dahil iyon ang ipinapakita ko. Hindi nila alam nababalot pa rin ako ng takot. Tuwing sasapit ang kaarawan ko, hindi ko maiwasang hindi maisip ang gabing iyon. Ang nakakakilabot na gabi kasama ang nakakatakot na nilalang na iyon dahil patuloy pa rin niya akong ginagambala. Pero nanatiling tikum ang aking bibig takot akong magtapat sa mga magulang ko. Takot akong makulong na naman ulit sa mental hospital kasama ang mga baliw.

Pagkaraan pa ng dalawa pang taon, heto at balik eskwela ako. Twenty two years old na ako ngayon at second year college na. May isang subject akong pang gabihan ang Human Anatomy and Physiology. Full na kasi ang timeslot ng naturang subject sa umaga kaya heto no choice ako kundi ang pumasok sa pang-gabihan. May takot man ako sa dilim pero pipilitin ko itong labanan.

MWF, 8:00-9:00 PM ang time ng subject kong iyon. 7:30 PM pa lang ay nandito na ako sa classroom namin kasama ang iba pa naming mga kaklase. Kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Nancy ang mahalay kong kaklase noon na nagkataong tumigil din ng apat na taon. Kasama ko rin ito sa tinutuluyang kong apartment. Gaya ng dati share ulit kami sa unit.

"Sha, basahin mo to! Maganda ang kwento nito." sabay abot nito sa kanya ng isang libro.

Tinanggap niya ang iniabot nitong libro at binasaha ang titulo. Sinasabi na nga ba niya kwentong kahalayan na naman ito.

"Ikaw talaga! bad influence ka."

Humagikgik lang ito sa kanya. Binuklat niya ang libro at binasa ang kwento. Naaliw siya sa pagbabasa at nawala ang consciousness niya sa paligid. Nakarating siya sa parte na dinidescribe ng third person ang anyo ng bidang lalaki nang may biglang nagsalita sa gitnang harapan ng classroom.

"Good evening class! I'm Dr. Harvey Stevens. I will be your Professor in Human Anatomy and Physiology for the whole semester."

Unti-unti niyang inangat ang ulo at namangha siya sa nakita. Ang lalaking nakatayo sa harapan nila ganun na ganun ang pagkaka-imagine niya sa diskripsyon nang anyo ng lalaki sa novela. Matangkad, matipuno ang pangangatawan at nagtataglay ng napakagwapong mukha. Katulad sa fictional character sa novelang binabasa niya, nagtataglay din ito nang  matangos na ilong, nakakahipnotismong asul na  mga mata, mapupulang labi, makinis at maputing balat at kulay light brown na buhok. What a coincidence na sumakto talaga.

Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon