Habang nagleleture si Dr. Stevens wala sa isip na napasuri ako sa buong anyo niya. Hindi naman nakakasuklam ang anyong tao niya. Magandang lalaki siya kung tutuusin. Marami nga kababaehan ang humahanga sa kanya mapaestudyante man, office staff o guro. Pero ako, hindi ko magawang humanga sa kanya. Hindi ako na-aattract sa kanya. Sa halip nasusuklam ako sa kanya. Gusto ko siyang patayin at tadtarin ng pinong-pino.
"Ok class.. close down your notes. We will have a short quiz."
Wala akong maisagot kahit ni isa sa mga tanong sa quiz namin. Walang laman ang utak ko. Sinubukan kung humingi ng sagot kay Nancy na katabi ko.
"No cheating."
Hindi ko na naituloy ang pangungupya kay Nancy dahil sa babala ni Dr. Stevens. Kung ano na lang ang pumasok sa isip ko iyon na lang ang isinasagot ko. Nagchecking na kami sa quiz namin. Alam ko zero ang nakuha kung score. Alam ko na wala akong sinagot na tama. Ipinasa na namin ang mga papel na aming tsenicheck.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang isang oras na klase namin. Nagsitayuan na kami para lumabas. Pinauna kung lumabas ang mga kaklase ko. May plano kasi akong naiisip laban kay Dr. Stevens. Nakatuon ang paningin ko sa doktor habang siya ay abala sa pagtitingin sa mga papel namin. Kumunot ang kanyang noo.
"Miss Delavin.. Please stay for awhile. Gusto kitang kausapin."
Nahulaan ko na kung bakit niya ako gustong kausapin. Tungkol na naman ito sa nakuha kung score sa quiz. Wala namang bago. Palagi niya naman akong kinakausap tugkol doon. Wala akong pakialam sa sasabihin niya. Ang focus ko ay sa gagawin kong plano. Nang makalabas na lahat ng mga kaklase ko lumapit ako sa kanya.
"Miss Delavin, gusto mo bang makapasa sa subject nato?"
Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa asul niyang mga mata.
"Kung gusto mong makapasa sa klase ko, kailangan mong mag-aral ng mabuti at makinig tuwing naglelecture ako. Sinasabi ko sayo I'm a ruthless professor. Pagbagsak ka, bagsak ka talaga. Hindi ako nagbibigay ng make up test o projects para mabigyan ka ng pasang awa na grades. Alam mo bang zero ang nakuha mong score sa quiz?"
"Ruthless professor???" napatawa ako ng mahina. "Baka monster professor!"
"Stop accusing that I'm a monster. Namumukha ka talagang baliw."
'Baliw' parang echo na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may tumatawag sakin na baliw ay umaakyat sa ulo ko ang dugo ko at biglang nagbabago ang emosyon ko. Bigla na lang akong nagagalit ng sobra. Ngayon galit ako. Galit na hindi ko makontrol na hindi ilabas.
"Matino ako! Hindi ako baliw!!! Hindi! Hindi! Hindi!"
Sa galit ko, ibinato ko sa dingding ang hawak kong cellphone. Sa lakas ng pwersa ay nagkawatak-watak ang parte nito nang bumagsak ito sa sahig.
"Calm down.. Ok. Tell me ano ba talaga ang gumugulo sa isipan mo? I have a knowledge to perform psychoanalysis. Gusto kitang tulungan para maliwanagan ka."
"Alam mo kung ano ang gumugulo sa isip ko! Bakit kailangan mo pang itanong? Bakit hindi mo na lang basahin ang utak ko! Diba may kakayanan ka namang magbasa ng isip!"
"Low down your voice. Huwag kang sumigaw. Remember, I'm your professor. You must respect me."
"Your a monster professor. Halimaw ka! Isa kang bampira!"
Kinuha ko ang blade sa loob ng bag ko. Ito ang plano ko. Susugatan ko ang sarili ko gamit ang blade nato. Kahinaan nila ang dugo ng tao kaya hindi niya mapipigilan ang sarili niya na matakam sa dugo ko. Hindi niya matatanggihan ang halimuyak ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPG
Ficção GeralRated SPG. This story contains some languages and scenes not suitable for minors. She's trap between fanstasy and reality.