Chapter Six

415 9 0
                                    

Hindi ako makatulog. Pumapasok pa rin sa isip ko ang eksena kanina sa mall. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng dalawang batang yumakap sakin. Sigurado ako mga anak ko sila. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailanga kong kausapin si Dr. Stevens. Kailangan kong bawiin ang mga anak ko.

Kinabukasan, pumunta ako sa clinic ni Dr. Stevens. Nagbabakasakali ako na baka doon pa rin siya nag-ooperate na clinic niya.

Seneswerte nga ako dahil dito pa rin siya nag-ooperate ng clinic niya. Ito pa rin ang secretary niya. Mukha naman hindi niya ako naalala. Konti pa lang ang pasyente na nakapila. Ayoko ng eskandalo gaya ng ginawa ko noon kaya nagpanggap akong pasyente na magpapacheck-up.

Lumabas na ang pasyente sa loob ng clinic. Ako na ang susunod. Inihanda ko ang sarili ko sa muli naming pagkikita. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumungo sa pinto. Pinihit ko ang doorknob. Pumasok ako. Nakayuko si Dr. Stevens kaya hindi niya pa ako nakita.

"Kamusta Dr. Stevens?"

Nag-angat siya ng mukha at natulalang nakatitig sakin. Ilang segundo ang lumipas at nahimasmasan siya.

"Miss Delavin.. Ano ba ang ipapacheck-up mo?"

"Hindi ako nagpunta dito para magpacheck up. Nandito ako para bawiin ang mga anak ko. Bakit mo tinago sakin ang mga anak ko. Kung hindi ko pa sila nakita kahapon, hindi ko pa malalaman na totoong may mga anak ako. Four years Harvey.. Four years akong nagmukha tanga na naniwala na may psychological disorder ako. Na hindi totoong may mga anak ako."

"Hindi mo sila mga anak. Hindi ikaw ang mommy nila. Anak ko sila sa asawa kong si Lala. Wala kang mga anak Miss Delavin."

"Sinungaling ka! Anak ko sila. Ito ba ang parusa ko? Ang ilayo mo sila sakin? Dahil sa tumakas ako kasama sila mula sa palasyo mo? May kasalanan ka din sakin. Nangako ka na hindi mo ako gagawing bampira pero kasinungalingan lang pala ang lahat."

"Ano ba ang mga pinagsasabi mo Miss Delavin.. Are you sure naiinum mo ang maintenance mo?"

She laughed hard. "Here we go again. Gusto mo na naman palabasin na nababaliw na naman ako."

"Miss Delavin, listen to me. I know may nangyari satin six years ago bago ka nabangga ng kotse at na coma. Pero hindi kita nabuntis. Wala tayong anak. Alam ko mali ang nangyari satin noon. May asawa ako pero hindi ko naiwasan na mahalin ka. Nagkahiwalay kami noon ng asawa ko dahil inamin ko sa kanya tungkol sayo. Pero nang nalaman ko na buntis siya, sinundan ko siya sa London."

"No! Hindi totoo iyan! Ako ang asawa mo! Ako ang ina ng mga anak mo! Asawa kita.. Anak ko sila.. Ikaw ang hari at ako ang reyna mo diba.. Si Dean at Dianne, sila ang prinsipe at prinsesa natin. Please naman Harvey huwag mo na akong pahirapan. Gusto ko lang makasama ang mga anak ko. Pag-usapan natin 'to."

"Sasha, minsan ka nang nakalabas sa mundong nilikha ng isip mo. Huwag mo nang tangkain pang pumasok ulit. Makinig ka, wala kang mga anak. Hindi ako hari at hindi ka reyna."

Natahimik si Sasha. Pumatak na lang ng kusa ang mga luha niya. Umiiyak siya pero walang emosyon ang mukha niya at wala ring inggay na lumabas sa bibig niya.

"Dean at Dianne din ang pangalan nila? Kambal din sila? Babae at lalaki din." tumawa siya. "Ano iyon coincidence lang? Ha?" napahagulgol siya. "Tinawag nila akong mommy.. Niyakap nila ako.. Hinalikan nila ako sa pisngi.. Naramdaman ko na ina ako."

Hindi sumagot si Dr. Stevens sakin basta lang siya nakatitig sakin. Narealize ko walang mangyayari kong pagpipilitan ko ang pinaniniwalaan ko.

Kumalma ako at pinahid ang mga luha ko. "Hindi ko na pagpipilitan na anak ko si Dean at Dianne. Aalis na ako. Pasensya sa abala." agad akong tumayo sa inuupuan ko at tinungo ang pinto.

Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon