PROLOGUE

871 10 0
                                    

Hawak-hawak ni Necolia ang manuscript na ginawa niya. Sa wakas ay natapos niya rin ang kwento. Pinangako niya kasi kay Shane na ipa-publish niya ang kwento nitong hindi niya alam kung gawa-gawa lang ito ng babae o talagang nangyari ito sa totoong buhay. Ang parents niya ang owner ng Bookster Publishing Corporation. Si Shane ang babaeng nainterview niya na isang mental patient sa HS Mental Hospital.

Hindi naman bayolenteng pasyente si Shane. Kung kakausapin mo siya para lang naman siyang normal na tao na aakalain mong walang sakit sa pag-iisip. Iyon nga lang may bahid ng pantasya ang mga lumalabas sa bibig niya.

Ngunit napapaisip din ako pantasya nga lang ba talaga niya iyon na bunga ng sakit niya sa pag-iisip? O baka naman may kababalaghan talagang nangyari sa kanya kaya baliw ang tingin ng mga taong hindi naniniwala sa kanya?

Umupo ako sa couch sa loob nga aking silid. Binuklat ko ang folder. Binasa ko ang titulo ng kwento.

"SASHA'S NIGHTMARE BY: SHANE."

Sinimulan kong basahin ang kwento.

Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon