Chapter Five

412 10 0
                                    


Pinakilala ako ni Dr. Stevens sa konseho ng mga bampira. Ang konseho ng mga pampira ay binubuo ng mga pinakamatatandang bampira mula sa angkan ni Dr. Stevens. Ramdam ko ang pagdisgusto nila sakin. Hindi naman nila sinasabi ng harapan ngunit pinararamdam naman nila sakin.

Natatakot akong lumabas sa silid namin. Lumalabas lang ako kapag kasama ko si Dr. Stevens. Nararamdaman ko naman na pinoprotektahan niya ako. Na hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sakin.

Lumipas ang mga araw at buwan. Dumating na ang gabi ng pagsisilang. Hindi lang isang sanggol ang akin iniluwa kundi dalawa. Kambal ang aking isinilang. Isang babae at isang lalaki. Sina Dean at Dianne. Iyon ang pangalang ibinigay ko sa kanila. Oo, ako ang nagpangalan sa kanila. Sabi ko noon kapag nagkaanak ako, Dean ang ipapangalan ko sa anak kong lalaki at Dianne naman sa babae.

Akala ko lalabas ang mga anak ko na halimaw ang itsura pero hindi naman pala. Taong baby naman pala ang itsura nila. Hindi maikakaila na anak sila ni Dr. Stevens kasi kahawig nila ang ama nila. Wala atang minana sakin.

Lumipas ang isang taon at sampong buwan. Dalawang buwan na lang ang natitira at makakabalik na ako sa mundo ko. Sa mundo ng mga tao. Pero may mga agam-agam sa aking isipan. Hindi ko kayang mapalayo sa mga anak ko. Mahal ko sila.

Kung tatanungin mo ako kung ano ang estado ng relasyon namin ni Dr. Stevens, masasabi ko na nagkakaroon na rin siya ng puwang sa puso ko. Hindi man buo pero nakuha niya na ang kalahating porsyento nito.

Unang araw ng mayo na ngayon. Araw ng kaarawan ko. Ito na ang ikalawang kaarawa ko dito sa mundo ng mga bampira. Noong una kung kaarawan noon doon ko lang nalaman kung bakit ako laging dinadalaw ni Dr. Stevens tuwing gabi ng kaarawan ko at sinisipsip niya ang dugo ko. Doon ko lang nalaman na ang dugo ko pala ang dumadagdag sa lakas niya. Iba kasi ang epekto ng dugo ng mate niya sa ordinaryong dugo ng tao na iniinum niya araw-araw.

Nalaman ko rin na dalawa pala ang kaharian ng mga bampira. Nahati sa dalawang kaharian ang noon ay isa. Kumalas kasi ang ama ni Dr. Stevens sa pamumuno ng kapatid nito at nagtayo ng sarili nitong kaharian. Mas pinili nito na maging mabuting bampira na hindi pumapatay ng tao para lang makainum ng dugo. Marami ang sumama sa ama niya kaya ganun na lang ang galit ng Tiyo niya nasa ngayon ay tinuturi na silang kalaban. Namatay sa digmaan ang ama niya kaya siya na ngayon ang pumalit sa pwesto nito.

Nasa silid ako ngayon at nilalantakan ang birthday cake na binigay niya sa akin. May kasama pa itong bouquet of red roses. Ang sweet talaga nito. Iyon ang dahilan kung bakit unti-unti na siya nakakapasok sa puso ko.

"Talaga mahal.. Unti-unti mo na akong nagugustuhan."

"Naiinis na ako sayo ha! Bakit mo ba parating binabasa ang isip ko."

"E sa naririnig ko ang nasa isip mo e."

"Hind ba pwedeng e off mo ang switch ng isip mo para hindi mo marinig ang iniisip ko."

Tumawa ito ng malakas. " Walang ganun ang isip ko."

Tumingin ito na matiim sakin. " What?" tanong ko.

"Pero may paraan para hindi ko na marinig ang iniisip mo."

"Paano?" excited kung sagot.

"Kapag naging ka uri ka namin. Kapag naging bampira kana din. Kapag naging bampira kana, pwede mong makuha ang isa sa mga kakayahan ko. Ang harangan na mabasa ng kung sino man ang nasa isip mo."

"Ayoko pa rin maging bampira!"

Kung kanina ay may bakas ng pag-asa ang mukha ni Dr. Stevens ngayon naman ay mukhang sinakluban ito ng langit. Lumaglag ang balikat nito.

"Kung iyan ang gusto mo." walang buhay na sabi nito.

Sumapit ang gabi. Nakahiga na ako sa kama at hinahanda ang sarili ko para sa kagat ng hari ng mga bampira. Maya-maya pa ay pumasok na sa silid namin si Dr. Stevens. Lumapit siya sakin. Umakyat siya sa kama at kumubawbaw sakin. Dinagan niya ang katawan niya sakin. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon