Chapter Four

473 7 0
                                    

Tanghali na ako na gising. Hindi na ako nagulat ng pagmulat ng mga mata ko ay nakabalik na ako sa mundo ko. Nasa sarili kong kama na ako ulit. Wala na akong katabing halimaw. Napahaplos ako sa naghihilab kong tiyan. Nagugutom ako. Pumunta ako ng kitchen para maghanap ng makakain. Napadaing ako ng kumirot ang tiyan ko na parang kinakat.

"Anak naman. Huwag mo naman kagatin si mama. Heto na nga at naghahanap na ako ng makakain natin."

Nang makakita ako ng saging biglang naglaway ako. Kaya iyon ang kinuha ko at kinain. Kakaubos ko lang ng isang pirasong saging ng makaramdam ako na parang masusuka. Dali-dali akong tumungo sa lababo at doon inilabas.

"Sha? Buntis ka?"

Napapiksi ako sa gulat ng biglang sumulpot si Nancy. Nagmumog ako at humarap ako kay Nancy.

"H-huh? Hindi ako buntis. M-may nakain lang akong masama ang lasa."

Syempre kailangan niya naman magsinungaling para paniwalaan siya. Magmumukha na naman siyang baliw kapag sinabi niya ang totoo na buntis nga siya at ang ama ay si Dr. Stevens na professor nila. Na ang dinadala niya ngayon ay isang anak ng bampira.

"Okey. Akala ko ang isasagot mo, 'Oo buntis ako'." tumawa siya ng tipid. "Kasi hindi ako maniniwala. Wala ka naman boyfriend paano ka mabubuntis. Unless mayroon at hindi mo lang kinikwento sakin."

Gustong-gusto kong magkwento sayo Nancy kaya lang hindi pwede. Gusto kong ekwento sana sa kanya ang mga nakakakilabot kong karanasan pero natatakot ako. Natatakot akong baka gaya ng iba pagtawanan niya lang ako at husgahan. Sarili ko lang talaga ang pwede kong pagsabihan ng lahat.

"Wala akong boyfriend."

"Edi maghanap tayo. Sama ka sakin mamaya sa Twilight Club. Maghahanap tayo ng boys."

Club? Wala naman sigurong masama kung sasama siya kay Nancy magclubbing. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta doon.

"Okey. Tayo lang ba dalawa?"

"Nope. Kasama rin natin si Shine at Vivian."

So kasama pala ang dalawang makulet nilang kaklase. Masaya nga ang lakad nila mamaya. For sure mag-eenjoy siya.

Sumapit ang gabi. Nasa loob na sila ng Twilight Club. Tulad ng inaasahan niya masaya nga ang naging night out nila. Panay ang tawa niya sa mga kapilyahan at kakulitan ng mga kasama niya. Umiinom sila. No harm naman sa anak niya ang alcoholic drinks ayon sa lumang aklat na iyon. Malakas daw ang tolerance ng isang vampire fetus. Nabasa niya iyon bago mawala ang libro.

Oo nga at noong una ayaw niyang dalhin sa sinapupunan niya ang anak ng halimaw na iyon. Pero ngayon nanaig ang puso niya bilang isang ina. Hindi niya kayang saktan ang sariling anak. Kaya nakapagpasya na siya, dadalhin niya at ilalabas sa mundo ang bata.

"Now it's the time gals.. Maghanap na tayo ng magiging FUBU natin." pilyang sabi ni Shine.

"Hep, hep, hep.. Anong FUBU?" tanong ko.

"Fuck Buddy." sagot ni Shine.

"You mean.. Makikipagsex kayo?" tanong ko sa kanila.

"Yeah! Baby.. Masarap iyon." sagot ni Vivian.

"Mga bad influence kayo! Alam niyo naman na wala pang karanasan si Sasha sa makamundong pagnanasa." sabi ni Nancy.

Kung alam niyo lang na hindi na ako inosente sa ganyang bagay. Kung alam niyo lang na ilang beses na akong nakipagsex. Iyon nga lang hindi sa tao kundi sa bampira.

"Really? Virgin ka pa?" gulat na tanong ni Vivian.

Tumango ako. Kailangan ko na namang magsinungaling. Alangan naman sabihin ko sa kanila na nakuha na nang isang bampira ang pagkabirhen ko. Pagtatawanan lang nila ako at tatawaging baliw.

Sasha's Nightmare (COMPLETED) - SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon