[5]

982 29 11
                                    

CHAPTER FIVE

Tiningnan ko 'yung lalaking mataba. Nakataas 'yung buhok niya, nakared na pants tapos blue na long sleeves na nakatucked-in. Bilog na salamin nalang ang kulang, kamukha niya na si PSY.

"OH ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN?! TABI NGA DIYAN. DIYAN AKO SA PAGITAN NIYONG DALAWA. ANLALANDI NIYO!" Sabi niya habang pinagsiksikan niya ang sarili niya sa gitna naming dalawa ni Sam.

'Aba, sobra na to ah! Ano bang gusto nitong taong to? Sino ba siya?!'

Iritang irita na ako at alam kong kita sa mukha ko na naiinis na ako, pero nagtataka ako kung bakit tawa lang ng tawa si Sam.

"Anong nakakatawa, Sam? Sino ba to?!" Irita kong tanong kay Sam.

"T-teka, teka. HAHAHAHAHA. *Hingang malalim* Hayyy. Ansakit ng tiyan ko. Addy! Dapat makita mo 'yung mukha mo ngayon. Sabi ni Sam habang naghahabol ng hininga.

"Siya si Andrew. HAHAHA. Kaklase din natin siya." Sabi ni Sam at kumaway naman si Andrew sa invisible crowd na parang Ms. Universe.

"Kaklase? E bakit hindi ko naman siya nakikita sa classroom?" Tanong ko kay Sam.

Tiningnan ako ni Andrew at pinagtaasan ng kilay.

"Excuse me? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang CEO ng school na pinapasukan mo. Kaya pwede akong pumasok anytime I want. At isa pa, kilala ko nanaman 'yung mga kaklase ko before pa pumasok kaya, hindi ko na kailangang pumasok sa first week." Sabi ni Andrew habang nagiisnap ng fingers in Z-motion.

'WHAT?! CEO TO?! 'YUNG GANTONG UGALI?! WTF.'

Napakunot nalang ako ng noo at tumingin kay Andrew na halatang nalilito.

"CEO? Ikaw?" Tanong ko kay Andrew.

"Oo, bakit? Kaya lumayo layo ka sakin! Baka madumihan mo tong Velvet Red pants ko! Mas mahal pa 'to sa buong pagkatao mo! HA-HA-HA-HA!" Pagmamayabang at pangaasar ni Andrew.

'Aba, nagiinit na dugo ko dito ah. Addy, chill lang. Nagbago ka na, wag mo nang ibalik 'yung dati. Isa pa, andyan si Sam, baka maturn off sayo.'

I just made fist sa likod ko sa sobrang inis. Ngayon lang ako nainis ng ganto ulit. Namumula nanaman ba ako? Ito ayoko pag masyado akong nadadala ng emosyon e, kitang kita sa mukha. 

Tumayo at si Sam at hinawi si Andrew para umusog at tumabi ulit sakin. 

"Hahaha! Tabi nga diyan, Barney!" Sabi ni Sam kay Andrew.

Kahit na payat 'tong si Sam, aba malakas din pala. Akalain mo, pag hawi niya kay Andrew, napahawak si Andrew sa lapag at akala mo inaapi ng 7 years kung makareact.

"Ouch! OMG! Kakapamanicure ko lang kanina! You ruined it!" Sigaw ni Andrew habang pinapakita niya 'yung index finger na. 

Hinampas ni Sam 'yung kamay ni Andrew at sabi,

"Tumigil ka diyan, Barney. Baka gusto mong may ilabas ako dito." Pagbabanta ni Sam.

Hinawi lang ni Andrew 'yung bangs niya sa inis at nagbuntong hininga, tumingin sa left at nagcross arms. Akala mo may photoshoot. Tsk tsk tsk. Naweiweirduhan na ako dito sa taong to. 'CEO ba talaga to?'

Narealize ko na malakas nga itong si Sam. May charmspeak ata to e! Napapasunod niya 'yung mga tao sa gusto niya. Delikado to.

Tumingin sakin si Sam at tumawa nanaman.

"Bakit ka nanaman tumatawa?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Eh kasi naman, kanina ka pa naiinis diyan, hindi mo na napansin na sobrang dungis mo! Tingnan mo, panay kanin 'yang mukha at damit mo. Para kang bata!" Sabi ni Sam habang tinuturo 'yung mukha at damit ko.

Skrepentuten [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon