[8]

873 23 6
                                    

CHAPTER EIGHT

"Oh Addy tama na! Quotang quota ka na ah! Tumahan ka na, bakit ka ba umiiyak? Para kang bata na nawawala sa mall tapos iiyak na lang sa isang tabi kapag hindi makita si mommy." Pang-aasar niya sa akin na may halong lambing.

"Alam mo Addy sayang ka. Ang pogi pogi mo pero ang iyakin mo." Sabay punas ng natitirang luha sa mga mata ko.

"E kung hindi kaya ako makauwi dahil niligaw mo ko dito sa Aurora?" Sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya.

Sumagot naman agad si Sam "Grabe naman, Hindi naman kita hahayaan na maligaw lang dito. "

Tapos niyakap niya ako galing sa likod at sabi niya,

"Addy salamat ah? Dahil pinagkatiwalaan mo ko." at humigpit pa lalo 'yung yakap niya.

"Ah, wala yun. Ako nga dapat magpasalamat kasi hindi mo ko pinabayaan." Kinurot ko 'yung pisngi niyang mataba at pinangigilan ko.

Nagpout lang si Sam at bumitaw sa pagkakayakap sakin. Hinila niya ako patayo at dinala ako sa may see-saw. 

"Sorry nga pala dun sa inasal ni Andrew kanina sa restaurant a. Ganun lang talaga yung taong yun sa lahat. Wag ka mag-alala hindi ka inaaway nun, dahil ganun naman siya sa kahit sino." Sabi niya habang nakataas 'yung side ko ng see-saw.

"Ganun ba? Sorry nainis lang kasi talaga ako kasi out of nowhere bigla siyang eekse-" Naputol ang sinabi ko.

*SHINGALING NGALING ALING! Incoming Call "Ate Deanna"*

"Naku! Tumatawag na si Ate Deanna. Kailangan ko ng umuwi. Lagot nanaman ako dito." Napa-facepalm ako, "Wait lang, Sam." at lumayo tsaka sinagot 'yung phone.

(H-hello?)

(HOY ANAK KA NG NANAY MO! NASAAN KA NANG HINAYUPAK KA?! MAG GAGABI NA TAPOS WALA KA PA DITO! UMUWI KA NA! WALANG KASAMA SI NANAY DITO SA BAHAY HINAYUPAK KA! PAPASOK NA AKO, BILISAN MO UMUWI!)

(Opo ate, pauwi na. Chill ka lang baka maunahan mo pa si nanay sa kabilang buhay.)

(BWISET!) 

*Call Ended*

"Nako! Galit na galit na si Ate. Paano ba yan Sam? Kailangan ko na umuwi. Ano hatid na kita?" tanong ko sakanya

"Wow ah? Ako pa talaga ihahatid mo! E ikaw nga 'tong umiyak kasi hindi ka makalabas dito sa Aurora! HAHAHA!" Pang aasar niya sakin at bigla naman siyang lumapit at kumapit braso ko.

"Ako nalang maghahatid sayo! Pleeeeease!" Tumingin sakin si Sam at nagpuppy dog eyes with pout.

"Haaay. Ako dapat naghahatid dahil ako ang lala-" Naputol nanaman sasabihin ko dahil bigla niya nanaman akong sinikmuraan.

"Okay na? Pwede na ba akong lalaki? Wag ka nang sumagot. Tara na. Dun tayo dumaan sa may Atis St. Para pag labas, onting lakad nalang e Sunstrip na." At bigla niya akong hinila. Wala akong nagawa kundi sumunod.

Ngayon ko lang napansin na bumaba na pala ang araw. Time does fly when you're having fun.

Naglakad kami papalabas ng Aurora and the whole time, nakakapit siya sakin. Hindi na talaga nawala sa mukha ko 'yung ngiti. Kahit sobrang corny niya mag-joke e talagang napapatawa niya ako. Tapos minsan, napapatitig nalang ako sakanya, hindi ko na naiintindihan mga sinasabi niya sa sobrang busy ko pagiisip kung gaano siya kaganda. 

--

Nakarating na kami sa may gate ng Sunstrip at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Sam, dito mo nalang ako ihatid. Ako na bahala papasok. Salamat ah?" Habang nakahawak parin ako sa mga kamay niya.

Skrepentuten [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon