[6]

934 25 3
                                    

CHAPTER SIX

*Andrew's POV*

Aba! Ito pang si Addy MAGLANDI ang may ganang mag-walkout! Pagkatapos niya akong ambaan?! TINIDOR DIN 'YUN! Kung sumaksak sa supple kong balat 'yun,OMG. DI KO MAIMAGINE NA MADADAMAGE ANG SKIN KO! Nakakastress ah! Kumukulot ang bangs ko sa taong 'yun!

"Barney naman e! Tsk! Diba sabi ko, medyo mild lang?! Ba't mo naman tinodo?! Arggh!" Sigaw ni Sam sakin at biglang kuha ng bag at tumalikod.

"Oy Samantha Cabal! Saan ka pupunta?! Wag mo kong iwan dito!" Sabay tumayo ako at nagsapatos. 

"Hahabulin si Addy! Wala to sa plano!" Naglabas si Sam ng pera, binigay kay Waiter at tumakbo palabas.

Nagtitinginan na 'yung mga tao, shet. All eyes on me! Hindi ako dapat magpanic. Inayos ko 'yung buhok ko at pinagpag ang damit ko at ang aking Velvet Red pants.

'Andrew, grace under pressure.' 

Nilagay ko sa shoulder ko 'yung strap ng bag at naglakad palabas ng nakataas noo. Syempre, CEO e. 

Paglabas ko ng Le Cou De Tou, pahapyaw akong tumingin sa likod para tingnan kung tinitingnan pa nila ako, at nung nakalayo layo na ako, tumingin ako ng diretso at biglang TAKBOOOOOOOOOOOOOO!

Sinubukan kong habulin si Sam, pero punyemas! Ang bilis niyang manakbo daig pa si Usain Bolt! Hindi ba napapagod 'tong babae to?! Hay nako! Hindi dapat ako pagpawisan! Bwiset na Sam to! 

After running for around 3 seconds, tumigil na ako. Hinihingal na ako e. 'I think I should  lose some weight.' Naupo muna ako sa may tindahan at nagpahinga. 

"Nako! Ang lalandi talaga ng mga bata ngayon! Tsk tsk tsk!" Sinigaw ko papunta sa direksyon ni Sam at dahil sa layo niya, hindi niya na ako narinig. 

Kung hindi lang talaga nalaman ni Sam 'yun, wala ako dito. Sayang oras ko, hindi lang ako makatanggi. Ugh! Nakakauhaw tong pinag gagagawa ko ah.

Lumapit na ako sa tapat ng sari-sari store, hindi ako madalas bumibili sa ganto kasi pang poor 'to. Dapat mga S&R ang pinagbibilhan ng mga rich people like me! Pero, no choice ako e.

"Oy, meron ba kayong Evian Luxury Mineral Water dito? 'Yun lang kasi tinatanggap ng digestive system ko e." Sabay punas ng pawis sa noo gamit ang likod ng right hand ko.

"Umm? Ano po 'yun?" Napatingin sa lapag 'yung tindera at nagtaas ng kilay.

'Ano ba 'yan! Ang poor! 'Yun na nga lang, hindi pa alam! Ewwness."

"HAY NAKO! 'YUNG TOTOO ATE?! ANONG MERON KAYO DITO?!" Sabay hampas ng kamay sa parang counter nila at nagulat naman si Ate.

"U-ummm. M-meron po kaming ano--" Pautal utal na sagot niya at pinutol ko.

"ANO?!" Sinigawan ko at pinandilatan ng mata.

Tumakbo siya sa loob at umiyak yata.

'Ano ba 'yan! So immature! Makaalis na nga dito.' 

Umirap ako sa tindahan ni Ateng Iyakin at naglakad na papalayo. Lakad lang ako ng lakad at daaaaaaaaaamn! Ang init ah? Naglabas ako ng payong at biglang may tumawag sakin.

"Hoy Andrew! Bakit ka nandito? Himala at lumabas ka sa bahay niyo." Sabi nung lalaking naririnig ko na papalit.

Hindi ko siya nilingon at naglakad parin. Ayokong madagdagan badtrip ko ngayon.

*Slap*

"ARAY KO NAMAN?! ANO BANG PROBLEMA MO?!" At tumingin ako sa direksyon ng nambatok sakin at nakita ko ang isang lalaking nakabike na pag sumimangot, kamukha ang isang Pithecanthropus Erectus.

Skrepentuten [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon