[10]

679 21 5
                                    

CHAPTER TEN

Nagpalakpakan yung mga lalaki sa paligid, yung iba naghihiyawan pa. Samantalang si Leandro, hindi pa din masyadong makagalaw sa sakit na natamo niya mula sa mga suntok ko.Tuwang tuwa sila ng makita nila ang malahalimaw kong katauhan. Abnormal ba 'tong mga taong to? Hindi ba sila natatakot sakin?

"Whoo! Addy iba ka pala sa suntukan pare! Pang resbak ka tol!" bati sakin ni Renz habang tinatapik yung likod ko.

Biglang kinuha ni Irwin yung kamay ko at ginamit niya ito para suntukin ang kanyang sarili sabay sinabi niya ng pabiro. "Pare, Grabe hindi na ko papalag. Natatakot na ako sayo!"

"Hindi pare, hindi okay yung ginawa ko. Ayos lang ba si Leandro?" Hinawi ko sila at lumapit kay Leandro.

"Ayos lang pre, nadumihan lang yung damit niya at nasira yung uniform. Bukod dun wala namang iba pang ebidensya sa mga naganap. Isa pa friendly fight lang naman 'to." Paliwanag ni Karl habang inaalalayan ko si Leandro.

"Pero pinabilib mo ko sa ginawa mo kanina ah! Astig, ang tigas kaya ng pader para indahin mo." namamanghang dinagdag ni Karl.

Hindi ko pinansin si Karl at tinulungan ko muna si Leandro. Buti nalang, may dala si Leandro na extrang uniform. (E kasi nga, bini-baby parin siya ng nanay niya. Dapat daw may extrang brief, uniform etc.)

Pagkatapos magpalit ni Leandro, naghugas ako ng kamay para malinis 'yung sugat at matanggal 'yung mantsa ng dugo sa kamay ko.

"Hindi, hindi talaga okay yung ginawa ko. Guys, first and last na 'to. Babalik na ako sa classroom." Sabi ko sa kanila at dire-diretso akong lumabas at pinagbubulungan nila ako.

Habang naglalakad ako palabas, nakakita ako ng dalawang estudyante sa may hagdanan. Isang maliit na lalaki, at maputing matangkad na babae. Parang nagbubulungan, pero magkaharap. Hindi ko alam kung anung ginagawa nila dun at alam kong hindi dapat nila ginagawa 'yun doon pero hindi ko nalang pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanila kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Malakas parin akong kabog ng dibdib ko at hindi ko parin tuluyang matanggap na walang awa kong nabugbog si Leandro. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, naalala ko 'yung mga suntok na binigay ko. Paano nalang kung natuluyan ko si Leandro? Paano kung pagsuntok ka sa kanya may vital organs na maapektuhan? Grabe. Hindi talaga dapat ako pumayag. Ayoko nang ibalik ang dati.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa dulo ng third floor, kaya dun nalang din ako dumaan papunta sa classroom. Pag dating ko sa classroom, dumiretso ako sa upuan ko at tumungo na para bang matutulog.

Walang ibang laman yung utak ko kundi yung nangyari sa CR kanina at hindi ko maexplain kung ano ba talaga nararamdaman ko ngayon. Matutuwa ba ako dahil nanalo ako o magagalit sa sarili ko dahil pinanalo ko ang laban? Magagalit ba ako sa kanila dahil itinulak nila ako para makipaglaban o magagalit ako sa sarili ko dahil pumayag ako? Gulong gulo na ako.

Masyado na akong occupied sa dami ng aking iniisip tapos biglang may boses akong narinig na papalapit sa akin.

"Hoy Addy! Libre mo ko ng mallows!" Sigaw nung babaeng maingay. (Kilala na kaagad 'to.)

Hindi ko muna ito pinansin at nagkunwaring tulog para hindi maubos yung pera ko. Ngunit inulit niya ito, pero sa pagkakataong ito katabi ko na siya at binulong niya ito sa aking tenga.

"Hoy Andoy. Alam kong gising ka wag ka na magtulug-tulugan jan." Habang hinataw ako sa likod. Ininda ko 'yung sakit para kunwari tulog parin ako.

"Libre mo na ko ng mallows, please?" Bulong niya sakin at para bang nang-aakit. Nakikiliti ang tenga ko sa pagkakabulong niya.

Skrepentuten [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon