Miss ElleWrite's note:
#476_rank na sa action ang story ko.
Thank you po sa inyo.
Pavote and comment.
Here's the update..
[Haley Sia's POV]
5 days had passed simula ng makidnap at nailigtas kami ng knight in shining armor kuno namin. Nakakulong na ngayon si Mr. Barromeo kasama ang mga alagad niya at na-disqualified din siya as candadates sa eleksyon. Nalaman din namin na sina Belle at Dylan, akalain mo nga naman dating nagbabangayan ay in a relationship na. Hindi namin alam kong paano nag propose si Dylan sa kanya dahil hindi naman nagkukwento si Belle. Tama nga ang kasabihang the more you hate, the more you love dahil sa kanila.
At sa loob ng 5 days na yon ay ako ang nag-alaga kay Symon dahil hindi naman bumisita ang parents niya dahil busy daw sila sa business nila sa ibang bansa at nangamusta lang sila kay Symon. Naaawa nga ako sa kanya dahil mas priority pa ng parents niya ang company nila kesa sa kanya.
Nandito pala kaming anim sa bahay namin, nag mo-movie marathon kami. Ang aming pinanonood ay korean drama na Strong woman, Do bong sun. Ang ganda kasi at nakakatawa. Kaming mga babae ay nasa sofa ng sala at ang mga lalaki naman ay nakaupo sa lapag, malinis naman eh. Nasa chapter 8 pa lang kami ng pinause ni Belle ang laptop ko, yes sa laptop kami nanonood; nagsisiksikan nga lang kami eh.
"Bakit mo pi-nauase, exciting na yon eh?" Nagtatakang tanong ni Dylan sa kasintahan. Kahit magkasintahan na sila ay hindi pa rin nawawala ang awayan nilang dalawa.
" Punta tayong amusement park mag-triple date tayo..nangangalay na kasi ang leeg ko eh" sagot naman ni Belle.
"Sige ba" masayang sang-ayon ni Cyril. Yeah, tama kayo ng basa. First time ko siyang nakitang excited na excited.
"Okay" maiksing tugon naman ni Angelique.
"Fine, if yan ang gusto mo" agree naman ni Dylan.
"It depends on Sia" ani ni Symon.
"Ha? Bakit it depends on me? Bakit anak ba kita?" Nagtataka kong tanong kay Sy.
"Basta" sagot niya lang.
"Sige na Haley, pumayag kana?" Pagpapacute ni Cyril. Wahh, bat ang cute ni Cy.
"Best please.." Dagdag pa ni Belle na may paawa effect pa.
"Fine, baka sabihin niyong kj ako.. At pasalamat kayo cute magpaawa no Cyril" nakangiti kong sabi.
"Wohhh yehey" sigaw ni Belle at Cyril na may pa talon talon pa. Mga isip bata.
"Mga isip bata" woh isinatinig ni Angelique ang nasaisip ko.
"Ahemmm" kunwaring ubo ni Dylan.
"Hayaan mo na si Cy, ganyan talaga yan kapag amusement park ang pinag-uusapan." Paliwanag ni Symon.
Nagtaka naman ako dahil bakit alam niya yon at parang kilala niya na talaga ang dalawa gayong hindi bago lang naman silang magkakilala.Ngayon ko lang naisip na kahit ilang weeks na kaming close ay parang hindi ko paron sila kilalang tatlo. Hayss praning na ako, baka epekto lang ito ng pinanood naming Strong woman.
"Selos ka lang eh" natatawang sabi ni Angelique. Kaya nawala ang naiisip ko.
"Hindi noh" tanggi pa ni Dylan.
Natawa na lang kami dahil namumula siya.
"Mukha ka ng kamatis" dagdag ni Sy.
Kaya muli kaming natawa. Sana ganito na lang kami lagi.
-----------
[Cyril's POV]
Yey! May POV ako. Actually Hindi naman talaga ako tahimik. Ang totoo kasi nahihiya ako kay Haley, secret lang natin to ah pero may crush ako sa kanya kaso may Symon na siya at isa pa nasa rules ton na bawal naming magkagusto sa client. Ang galing pala in Boss/Agent head na gumawa ng disguise name lahat may y, Sy,Cy,Dy. (Ahemm ako kaya gumawa ng name niyo-Author) Haha EDI ikaw na.
Pagkarinig ko pa lang kanina na pupunta naming amusement park ay tuwang tuwa na ako. Dati kasi lagi kaming pumapasyal sa park kasama ang parents ko kaso noong namatay sila at hindi ko na nagagawa yon at isa pa busy ako sa mga mission namin eh. At ang saya ko din kasi sinabihan akong cute no Haley.
Nandito na pala kami ngayon sa amusement park. Bumili muna kami ng ticket pero si Dylan ang nagbayad, utos ng girlfriend niya eh. Ang pinili pala naming ticket ay yong free rides.
--------
[Angelique's POV ]Tulad ng nakasanayan namin ay naghiwalay hiwalay kaming anim. Kasama ko so Cyril, kasama ni Belle si Dylan at kasama ni Haley si Symon.
Una kaming pumunta sa may bumper cars. Mabuti na lang at dito kami takot ako sa heights eh. Binangga ni Cy ang sinasakyan ko kaya ginantihan ko din siya. Enjoy na enjoy kaming dalawa. Kaso may bumangga sa aking babae.
"Sorry" aniya.
Okay lang sana kung once lang eh pero thrice na eh, sinasadya ata ito ng babae. At binangga bangga niya din si Cy, ang landi naman niya. Pumunta na lang ako sa gilid.
"Tayo na lang ang maglaro, pagod na ata ang P.A. mo." Nakangiti pang sabi ng babae at napagkamalan pa akong P.A ni Cy. Nagkunwari nalang akong di ko narinig, bahala sya kung anong tingin niya.
"Excuse me miss, pero I don't want to play na eh.. Tama ka baka pagod na ang GIRLFRIEND ko" tanggi ni Cy, buti nga. Pero ano daw girlfriend? Pero baka sinabi niya lang yon para ipagtanggol ako, baka yon nga.
"Girlfriend mo siya?" Tanong pa ng babae.
"Yup, so excuse us ha" sagot naman ni Cy. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming umalis don.
"Sorry Angel, ha ? Kung sinabihan ka niyang P.A ko" pagbukas niya ng usapan habang papunta kami sa may carousel. Gusto niya daw don eh.
"Okay lang yon, di naman niya alam na magkaibigan tayo eh" nakangiti kong sabi.
At sumakay na kaming dalawa sa carousel, kahit kaming dalawa lang ang hindi bata.
-------
BINABASA MO ANG
Secret Agent: A Nerd in Disguise
Acción±Action & Romance Ang isang magaling na team sa buong agency ay may binigyan ng isang mission na bantayan ang anak ng governor at ang lider ng team nila na si Agent Z ay ipapa-disguise bilang nerd dahil ayaw ni Sia, anak ng governor ng body guard. S...