Chapter 3: A good cry.

150 10 8
                                    

"Sometimes a good cry is just what you need to release all the hurt you have built up inside."

"Flowers are nature's way of smiling."

Aiah's POV

"Tita Connie!!" Iyan ang bungad ko sa Mama ni Asha pagkapasok  ko sa flower shop.

Hay, akala ko mahuhuli na ako ngayon. Pero ok lang din pala, nakakita naman ako ng gwapong nilalang.

Wait, kinikilig ba ako?

Natampal ko ang aking pisngi na pakiramdam ko ay nagkakaroon na ng blush on.

Aiah naman, tigilan mo na. Pero ang gwapo nya plus yung ngiti nya. Hindi ko na yata malilimutan ang ngiting yun.

Agad kong ibinababa ang aking bag at libro sa may counter, at saka kinuha ang mga ribbons at gunting na gagamitin ko na nasa katabing cabinet nito.

"Hija, you're back!! Salamat naman.. Si Mrs. Ortega kasi may order na bouquet of pink roses at  tulips, alam mo namang ikaw ang paborito noong flower arranger. Ang sabi sa akin hindi daw sya oorder hanggat hindi ikaw ang gagawa para sa kanya." Nakangiting sabi sa akin ni Tita Connie nang lumabas sya galing sa back door habang dala-dala ang napakaraming mga rosas. At ibinaba sa may table sa gitna ng shop.

"Tita ako na po dyan. Para magawa ko na po ang order ni Mrs. Ortega, alam nyo na baka maging bato pa eh.." Lumapit ako kay Tita na dala ko na ang mga gagamitin sa paggawa ng bouquet. Huminga nang malalim si Tita na parang nabawasan ang stress na meron sya.

"Salamat na lang at mahilig ka rin sa mga bulaklak, si Asha kasi walang alam. Naturingang may pagkamanang eh walang alam sa mga gawaing pambabae. Sa palagay mo, tomboy ba ang anak ko?" Ano bang sinasabi ni Tita? Sa napakahabang litanya ni Tita buti na lang wala si Asha dito.

"Tita, nababaliw na ba kayo? Sa aming apat, si Asha ang pinakagirly. Kaya wag kayong mag-isip ng ganyan. Kapag napakinggan kayo non, for sure magkakaron ng World War dito sa inyo." Tinapik-tapik ko pa ang balikat ni Tita para kunyari ay pakalmahin siya.

Simulan ko nang putulin ang mga dulo ng tangkay ng mga roses habang nakikinig kay Tita.

"Hay, salamat naman kung ganon! Dahil kung hindi,  mababaliw ako Aiah! huhuhu" Bakit ngayon pa lang parang baliw na si Tita? Pano naman kasi daig pa ang telenovela actress kung magdrama, halata mo namang nagbibiro lamang.

"Alam nyo po ba Tita, ayaw ko sanang sabihin pero mag-ayos na lang po kayo ng mga bulaklak kasi mukha na po kayong trying hard actress eh.Hindi po bagay." Napapailing kong sabi sa kanya sabay peace sign, baka masisante ako ng hindi oras.

"Pssshh, itong batang ito ang sama ng ugali. Hindi pa ako pagbigyan, ngayon lang naman eh at wala ang aking matandang dalagang anak." Sabay tawa ng malakas.

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Sige na nga po at pangarap nyo yatang maging actress, take your time habang wala ang Asha.." At sabay na kaming napatawa ni Tita.

Ang  swerte ni Asha dahil ang Mama na yata nya ang pinakakalog na ina sa mundo. Kaya nakakapagtaka na lagi syang nakapoker face at pout pa pagminsan.

Umalis na sa tabi ko si Tita para ayusin ang bagong deliver na bulaklak mula sa flower farm nila sa Tagaytay habang ako naman ay itinuon ang sarili sa mga orders ni Mrs. Ortega.

Isa si Mrs. Ortega sa mga suki namin at sabi nga ni Tita ako daw ang paborito noong arranger. 

Naalala ko yung sabi ni Papa kaninang umaga na nakakapagpagaan daw ng kalooban ang pagngiti, at hindi lang pala pagngiti kundi pati mga bulaklak. 

My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon