Chapter 6.1: Sorry

150 7 8
                                    

My Heaven

Chapter 6: Sorry

James Fuentebella's POV

"I really don't know hon.. Tama ba talaga itong gagawin mo? Sigurado ka na ba?" Nangangambang tanong ng aking asawa habang wala syang tigil sa paghinga ng malalim. Nasa office kami ngayon at hinihintay ang pagdating ng aming anak at ng katatawag pa lamang na si Aiah. Nakatayo ako ngayon sa harap ng glass wall ng aking opisina habang nakaupo naman sa may sofa ang kadarating kong asawa.

"James, please.. Think of something pero hindi yang sinasabi mo. Sigurado akong magagalit ang anak natin sa plano mong ito.. Ayokong mangyari yon.. Please hon.." Naramdaman kong tumayo na sya mula sa kanyang pagkakaupo kaya tuluyan na akong humarap sa kanya.

"I'm his father Nadine. Kaya kong tanggapin kung buong buhay syang magagalit sa akin, pero ang hindi ko matatanggap ay ang saktan ang anak ko ng isang walang kwentang tao.. He doesn't deserve that nang dahil lamang sa nagmahal sya.Ama nya ako,I'm willing to take all the risks kahit kamuhian pa nya ako mailayo ko lang sya sa sakit na dulot ng taong 'yon.. I want him to be happy, alam mo 'yon.." At humakbang akong palapit sa kanya saka sya yinakap ng mahigpit.. Ramdam ko ang pagtango ng aking asawa kasabay ng mga munti nyang hikbi.

Sa plano kong ito, alam kong hindi magiging madali lahat. Kamumuhian nya ako o baka isumpa pa nga. Sa gagawin kong ito, ako ang sisisihin nya kung bakit masisira lahat ng mga plano at pangarap nya sa buhay na binuo nya kasama ang babaeng 'yon. Pero ama lang ako na walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng kanyang anak. Ito lang ang alam kong paraan para mabawasan kahit papano ang sakit na pwede nyang maramdam.

"Naiintindihan ko.. Mahirap man pero para 'to sa anak natin at sa mag-ama.. Nawa'y gabayan tayo ng Diyos sa gagawin nating ito James.." Sumang-ayon man pero may kaba pa rin sa tinig ng aking asawa.  

"Hindi Nya tayo pababayaan.. Alam kong sa paningin ng dalawang bata ay magiging makasarili tayo pero para sa kanila ito at sa isang kaibigang nangangailangan ng tulong higit kanino man." Hinawakan ko sya sa magkabila nyang balikat at tinitigan sa mata.. "Darating ang araw at mauunawaan din nila kung bakit kailangan nating gawin ang lahat ng ito.." At nagyakap kaming muli..

My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon