Chapter 7.2: My Everything

105 6 5
                                    

My Heaven

Chapter 7.2: My Everything

Steven's POV

(Ibinigay ko na po sa inyo si Steven hahaha)

Ilang linggo na ba  kaming naririto sa bansa? Wait, ano namang pakialam ko dun? Isang bagay lang naman ang importante sa akin ngayon, iyon ay ang matupad ang lahat ng mga pangarap kong binuo kasama sya.

Kaya ang kailangan ko lang ngayon ay mapapayag sina Daddy na sa Paris ako magpatuloy ng pag-aaral. Wala naman akong pakialam kahit saan kami tumira basta pumayag at suportahan lang nila ako. At ang pagpayag nila ang magiging simula ng lahat.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit kami bumalik dito. Iyon ay ang hanapin ang mga kaibigan  nina Dad.  Simula kasi nung lumipat kami sa Amerika nung bata pa ako ay nawalan na rin sila  ng komunikasyon. Sila daw ang dahilan kung bakit naging maayos ang buhay ng pamilya namin ngayon.

Sa ngayon alam kong nakita na nila ang bestfriend ni Dad. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit hindi sila masaya na makita itong muli.. Ang gulo nila, pssshhhh..

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ang lagi naming pinaguusapan nina Daddy at Mommy nitong nakaraang mga araw.

"Malaki ang maitutulong mo sa kanila hijo. At higit sa lahat, this is for you son."

Paulitulit ang linyang yan ni Dad sa akin hanggang ngayon. Ngunit wala pa rin akong maintidihan.

" Aaaaarrrrggghhhh..." Napasabunot na lang ako sa aking buhok sa isiping iyon.

May malaki daw problema ng bestfriend ni Dad pero bakit kailangan pa nilang ipaalam sa akin iyon?  At hindi daw kaya ng aking mga magulang na nakikitang naghihirap ang kanilang kaibigan na si Tito Rico at ang anak nito.

Well, problema nilang mag-ama 'yon. Ano namang kinalaman ko don?

May sarili akong buhay at mga pangarap na mas kailangan kong bigyan ng atensyon.

Napatuwid ako ng upo sa aking kama ng biglang magring ang aking cellphone sa aking tabi. Agad kong sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitinggnan kung sino ang tumatawag.

"Hello.." bungad ko sa kung sino man ang gumambala sa aking pag-iisip.

"I need to tell you something."

"Hello to you too Dad.." pasarkastikong kong sagot sa kanya.

"Steven meet me in the office now."

I ended the call.

He's serious.

Alam kong tungkol na naman ito sa problema ng kaibigan nya. Bakit ba kailangan nilang idamay ako don?

Simula ng makita ni Dad si Tito Rico ay naging malayo ang loob ko sa kanya. Naiinis ako dahil ngayon nya lang ginawa ang ganito. Ang ipilit sa akin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Sige nga sabihin nyo sa akin, paano akong makakatulong sa kanila? At paanong nangyaring para sa akin din iyon?

Tahimik akong tao kaya hindi ko na pinag-aksayan pang itanong ang buong detalye sa aking mga magulang.

Paano kung tulungan ko na nga lang sina Tito Rico gaya ng sabi ni Dad?

No way!

Sa tingin ko ay madedehado ako kapag ganon. Bakit ba hindi na lang si Dad ang mismong tumulong?

My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon