My Heaven
Chapter 12: Someday
Steven's POV
"I'm getting married."
Walang emosyon kong pagkakasabi.
"What?!" -Gian and Aries
"Ano?" -Toffer
Bullsh*t! Muntik na akong mabingi sa lakas ng boses nila. Pssshhh, parang mga babae. Sinamaan ko lang silang tatlo ng tingin dahil sa para silang nakakita ng multo sa reaksyon nila.
"Are you serious Steven?" tiningnan pa ako sa mata ni Aries ng una syang makabawi sa pagkakabigla.
Samantalang yung dalawa ay nakatulala pa rin sa akin.
"Do I look like I'm joking?" at tiningnan ko rin sya pabalik.
"You're dead man.." He said while shaking his head slowly.
"I know." habang isinasandal ang aking likod sa upuan at saka napahinga ng malalim.
"Why?" Gian said pero parang ang lalim ng iniisip nya habang nakatulala pa rin sa akin.
"Hindi ko alam. It's my Dad's decision." I don't know pero bigla akong nanlumo nang sagutin ko ang kanyang tanong.
"What about her?"
What about her?
What about her?
May kung anong sakit ang bigla kong naramdaman sa tanong na yun ni Aries. Napatulala ako sandali at saka napapikit.
"You're not marrying Maggie, right?" Paninigurado ni Gian nang hindi pa rin ako nagsasalita.
I opened my eyes and looked at him. That way alam ko ng naiintindihan na nila ako.
Tumayo si Aries at saka pumunta sa likod ko at umakbay sa akin.
"Just do what is right bro." at nakuha pa talagang ngumiti sa akin ni Gian.
Napakunot naman ang akong noo sa kanyang pagngiti.
"Look, we all know from the beginning na pwedeng mangyari sa atin ang ganito. We're like business investments." walang gatol nyang pagpapatuloy sa kanyang sasabihin.
"Business investment? Eh di sana humanap na si Dad ng isang mayamang babae para pakasalan ko." I said sarcastically.
"So you mean.." naguguluhang tanong ni Aries.
"She's a commoner." I answered.
Napatango na lang sila ng bahagya nang malaman nila ang totoo.
"I don't know how to react." Napapailing pang komento ni Gian.
"Maybe your Dad is up for something." At saka naman napangiti ng mapait si Aries.
"Oh em gee!"
Napatingin kaming bigla kay Toffer ng wakas ay magsalita na rin sya na sinabayan pa ng paghampas sa kanyang upuan habang namimilog ang kanyang mga mata. At napatawa akong bigla sa naging reaction nya.
Tumayo ako at saka pumunta kay Toffer sabay tapik sa balikat nya, "Thanks to your timing."
Yung mga ganitong banat ni Toffer ang mas kailangan sa ganitong sitwasyon. Ako na sanang pahabain ang usapan namin dahil kahit lalaki ako, alam kong pwede akong maiyak. Tama na siguro yung alam nila ang sitwasyon ko ngayon.
"Hmmm?" Tumingin sa akin si Toffer habang nakakunot ang noo.
Pssshh, ang slow talaga ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
My Heaven
RomanceNang magbiro ang universe pero hindi nakakatawa. Ang sakit. Makasarili? Oportunista? Lahat tinanggap ko. Maybe I am your hell, but you are my heaven.