My Heaven
Chapter 12.2: Someday
Aries' POV
(Ituloy po natin ang POV ni Destiny 'DAW' ni Thamzkie! hahaha)
"Aries!!!"
Damn!
"Destiny saan ka pupunta?"
Napatigil tuloy ako sa paghakbang. Pahamak talaga ang kung sinuman ang tumawag sa akin! Bwiset panira ng timing!
Napalingon ako sa babaeng alien na tumatawag sa akin ng destiny at sa kaibigan nyang alien din. Kinunutan ko sila ng noo para ipakita sa kanila na naiinis ako ng sobra.
"Sa pupuntahan." I answered her sarcastically habang inilalagay ko ang aking mga kamay sa mga bulsa ng aking pantalon.
"Ayusin mo nga yang sagot blonde ka!" At akmang susugudin na naman ako ng resbak ni alien!
"Scarlet, tama na sis! Ok na!" Pag-aawat na naman sa kanyan ni alien.
Buti na lang at nagpaawat din ang kaibigan ni alien.
Tsss.. I crossed my arms at napatawa sa kanila. Para silang mga sira!
"Ngayon ko nalaman na bingi ka na pala ngayon. Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo naman ako naririnig hmp!" Nabigla na lang ako nang sumulpot sa aking kaliwa si Toffer.
Inirapan ko lang sya at, "Kung si Steven nagustuhan ang timing mo pwes ako hindi!"
"Aba at nagyaya ka pa talaga ng resbak huh!"
Napatingin kami ng sabay ni Toffer sa resbak ni alien. Napakawarfreak na babae!
"Hey Ms. Assuming! What's up? hahahahaha!"
Nagpalipat-lipat ang aming tingin ni alien kay Toffer at sa kanyang kaibigan. Parehas kaming naguguluhan sa sinabing Miss Assuming ni Toffer..
Toffer' POV
( Oh di ba may POV din naman si Toffer hahaha.. Kawawa naman kung hindi ko pagbibigyan..lol)
Saan na ba nagpunta si Aries? Nagkakaron ba talaga ng PMS ang mga lalaki? Ang alam ko kasi ay sa mga babae lang uso ng ganon. Hmmmmm, hindi kaya....
HUH???!!!
Bakla si Aries!
Dapat yata medyo lumayo ako sa kanya, dikit sya ng dikit sa akin eh!
"Brrrrrrrrrrr...." Bigla akong nangilabot sa aking naisip. Para kasing bakla si Aries kung makareact!
OA kasi hahahahahahaha!
Hey mga peeps, quiet lang kayo ha.. Baka gulpihin ako nun kapag nalaman nyang pinaghihinalaan ko syang bakla!
Patuloy ako sa paghahanap nang may matanaw ako sa may hallway. Aba, si Aries yun ah!
"Aries!!!!!" Nangibabaw ang maganda kong tinig sa buong hallway ng tawagin ko sya.
Aba at hindi ako pinansin! Pasalamat nga sya at tinawag ko ang kanyang pangalan gamit ang aking precious voice!
Mas pinansin pa nya ang dalawang babaeng hindi naman kagandahan! Bestfriend ako! Bestfriend!
"Ngayon ko nalaman na bingi ka na pala ngayon. Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo naman ako naririnig hmp!" Bungad ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya.
"Kung si Steven nagustuhan ang timing mo pwes ako hindi!" Sabay irap sa akin! Bakla nga yata itong Aries hahaha.
"Aba at nagyaya ka pa talaga ng resbak huh!"
BINABASA MO ANG
My Heaven
Lãng mạnNang magbiro ang universe pero hindi nakakatawa. Ang sakit. Makasarili? Oportunista? Lahat tinanggap ko. Maybe I am your hell, but you are my heaven.