Chapter 10: Half Alive

115 7 14
                                    

My Heaven

Chapter 10: Half Alive

Aiah's POV

Napalunok akong bigla sa ngiti nyang 'yon.

Anong gagawin ko??

Aiah please, nasaan na ba ang utak mo? Nasa space?

Oh dear Lord help me! Save me!

Inalis nya ang kanyang salamin at saka ako tiningnan sa mata.

Ay biscuit! Bakit ganyan sya makatingin?

Para tuloy tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo sa mga oras na iyon. Ang mga mata nya, wala paring pinagbago simula nung una ko yung nakita.

Bakit ba sa tuwi ko yung makikita ay nagiguilty ako? Sa bawat tingin nya ay para akong nanghihina, at unti-unti ay hinihigop ang aking lakas.

Hindi ko mapigilan ang panlalamig ng aking mga kamay. Tingin pa lang yan Aiah, pano pa kaya kung magsalita na sya?

"Pwede na ba tayong magsimula?"

GOSH....

Napalunok akong muli ng sabihin nya yan. Para na tuloy akong timang dahil hindi ko malaman kung ano ang pwede kong gawin at sabihin.

Agad akong napatingin kay Asha. Tingin ng paghingi ng saklolo. Asha please, do something!

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Asha kay Steven, kay Ma'am Angie at sa akin. Agad ko namang ginamit ang aking nagpapa-awang tingin sa kanya. Alam kong gets na ni Asha ang ibig kong sabihin sa reaction nyang iyon. Yung tingin nya parang nagsasabi na 'I'll try my best'..

Huminga ako ng malalim at saka tumango kay Asha. With that nagsalita na si Asha.

"Ahhmmmm.. Ma'am, pwede po bang sama--han ko si---- Aiah??"

Napabaling naman ang atensyon ni Ma'am kay Asha.

Aish, ano ba naman itong si Asha, pautal-utal pa. Pero sana effective.

"Asha, kaya na yan ni President. At saka madami tayong gagawin."

Patay kang bata ka!

Pinanlakihan ko ng mata si Asha pero napakagat-labi at iling lang sya. Nangungusap na yung tingin ko sa kanya na wag nya akong iiwan dito kay Steven. Nagkibit balikat sya at saka napuno ng pag-aalala ang kanyang tingin sa akin. Napapikit na lang ako.

"Asha, let's get inside para makapagsimula na tayo at ng makapagtour na din sila."

Agad akong napamulat at napatingin kay Ma'am Angie sa sinabi nyang iyon. Nanlumo ako dahil maiiwan na kaming dalawa ni Steven.

"Ahh sige po Ma'am.." Mahinang pagsang-ayon ni Asha.

Ngumiti naman agad si Ma'am sa amin. "So Mr. Steven Fuentebella maiwan na namin kayo. Aiah can help you regarding your adjustment here in the University especially sa Film Department. Just ask her kapag may kailangan ka."

Juice colored naman..

Tumingin muna si Steven sa akin saka ngumiti kay Ma'am. Iniinis nya ba ako?

My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon