♣ 07 ♣️

32 4 0
                                    

DESTINY'S POV

Normal na mga araw. Normal na mga gawain, nadagdag lang na pagka labas ko sa talyer, kina Neil na ako bababa at hindi na sa kanto namin. Nasabi ko na rin sa mga kuya ko sa trabaho na sumali na kami ng battle of the bands at suportado naman nila kami.

Si Boss Juno, pinayagan niya ako umuwi nang mas maaga o kahit halfday lang para raw makapag practice raw ako, pero alas singko pa rin ako umaalis. Hindi porket mabait silang lahat sa'kin e, dapat ko nang abusuhin. No no no!

Apat ang original na member ng Illegitimate Child, at pang lima ako na extra lang para sa debut nila. Si James ang lead guitarist at bokalista, si Kuya Toffy sa drums, si Neil Estrada sa keyboard at si Bryan Avesta sa bass. Dahil gusto ko rin tumugtog, inaral ko ang harmony ng mga pyesa na gagamitin nila at ako rin ang magse-second voice o mag vocals depende sa sitwasyon namin sa araw na yun.

Dalawang kanta ang dapat ihanda, contest at winning. Pero kami, tatlo hanggang apat ang ihahanda in case na may katulad o hindi naman kaya isa sa'min ni James ang mamalat. Mabuti nang handa kaysa isugal namin ang debut nila. Kung hindi man kami manalo, sigurado akong mag mamarka sila sa mga tao kasi magagaling na sila, ang gugwapo pa! Literal na walang patapon.

"Kung papalitan ba natin ang pangalan ng banda ninyo, ok lang?" suggestion dapat yun pero syempre, dapat tanungin ko muna silang lahat.

Tapos na kami sa practice para sa araw na 'to. Kampante akong nakaupo sa sofa habang nakahalumbaba at pinapanood silang maglikom ng mga gamit.

"Panget ba ang Illegitimate Child, DJ? Wala bang dating?" tanong ni Bryan, ang machong moreno. Napatigil siya sa pagbubuhat at hinarap muna ako.

Matangkad na moreno siya at may pagka kulot ang itim na itim na buhok na hanggang balikat na ang haba. Mukhang galing sa middle east ang lahi nila, persian yata ang tatay niya at dahil doon, ang ganda ng facial features niya. Makapal na kilay, malalim na itim na itim na mapupungay na mga mata, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at perfect chiseled jawline. Pansinin din ang malalim na dimples niya sa magkabilang pisngi kapag nagsasalita o ngumingiti siya. Mukhang seryoso pero makulet rin.

"Maganda. Pero sa sobrang lakas nang dating sapol na sapol kami ni kuya! Hindi man lang talaga ako nabigyan ng oras mag duck, cover, and hold! Hahahaha!" natatawang sagot ko kaya nag smirk lang siya at itinuloy na ang pagbubuhat niya, alam niya kasing nang aasar lang ako.

"May ibang idea ka pa ba, DJ? Pwede pa naman tayo magpalit kasi bukas pa lang kami magpapalista..." si Neil, ang chinito prince. Busy siya sa pagwawalis.

Hindi siya kaputian kagaya ng mga chinese pero literal na halos guhit nalang talaga ang mata niya lalo kapag tumatawa, tapos naka dark rim eye glasses pa siya, mula high school malabo na talaga ang mata niya. Clean cut ang itim na buhok at matangos din ang ilong. Matangkad siya at medyo chubby kumpara sa iba na puro toned, pero sobrang friendly kaya charming siya para mga nakakakilala sa kanya. Para siyang si Ethan Juan.

"Feeling ko kasi mas bagay sa inyo ang ANZ. Shorten yun ng Anak Ni Zeus o Demi-Gods. Sikat sa mga millenials yung term para idescribe ang mga taong katulad ninyo --- Literal na mga 'gwa-po'." pagdidiin ko pa sa huling salita, "Mukha kayong mga anak ng Greek Gods sa mga mortal. Kapag nakikita ko kayo ANZ agad ang naiisip ko." sagot kong nakangisi. "Laloooo naaaa --- siya!" kunwari nag-iisip ako sabay turo kay Bryan kaya muntik na niya mabitawan ang mga stools na buhat niya dahil sa gulat.

"Baliw ka talaga! Hahaha!" tawa nalang niya at iling sa kalokohan ko.

"Ok ako dun sa idea. Kasi di ba, kapag sumisikat ang banda itinatanong saan nakuha yung pangalan at bakit yun ang napili? Yung kay DJ, may kwento na at bagay naman sa'tin. Maganda rin naman ang Illegitimate Child, pero anong kwento? Yung pagiging bastardo ko? T*ng!n*! Hahahaha!" sang-ayon ni Kuya Toffy.

Finding The Missing Genes Of Destiny JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon