♣ 09 ️♣️

27 4 0
                                    

DESTINY'S POV

Dumaan sina kuya at ang banda para sana balitaan ako sa pagpaparehistro nila pero dahil sa dinatnan nilang eksena, ako muna ang nagisa, naungkat pa pati iyong aksident. Swerte na lang isinuot ko nang tama ang uniform ko ngayon, kung hindi, siguradong pipilitin pa ni kuyang mai check ang likod ko.

---

"Anong magandang pyesa sa tingin mo, DJ?" siko sa'kin ni Bryan. Nasa bahay na kami nina Neil. Miryenda bago ang practice.

"Kung judges ang nandoon sa screening, dapat iyong pasabog na. Pag contest na talaga, saka na lang kayo pa cute lang, bebenta mukha ninyo sa audience impact sure 'yon." suggestion ko sa kanila habang nasubo ng spaghetti at taas paang nakaupo sa sofa sa grahe nina Neil.

"Maganda sana iyong kakaiba, kahit hindi natin genre, pakitang gilas lang ba ng skills. 'Yung tipong kahit saan pwede tayo." - Neil

"Maganda nga iyong hindi masyadong kilala o gasgas sa contest para makuha natin ang atensyon ng mga judges at papasukin tayo sa live." - James

"One shot lang kasi 'to, kapag hindi natin nagawa, wala na. May idea kayo ano maganda?" tanong ni kuya.

Napapaisip na rin ako, anong genre o anong kanta ba iyong tinutukoy nila sa mga descriptions nila? One shot lang kaya dapat pasabog talaga. Hmmm...

"Ano kaya kung ilabas natin ang pagiging mga Shinobi natin?" tanong ko sa kanila, dati na kasi kaming nag cover ng anime OST dahil napagkatuwaan lang.

"Magandang idea nga iyon, DJ! Wala masyadong Jrock dito sa'tin, e! Bago 'yun sa pandinig at catchy yung kanta lalo sa generation natin." sang-ayon ni James at nag tanguan lang ang iba.

"Nakakakanta ka pa ba ng nihongo, DJ? Hindi ba nag memorized ka lang dati?" nag-aalalang tanong ni kuya.

"Pwede namang mag memorized ulit. Kaso hindi muna ako tutugtog, kakanta na lang ako. Pag ibang language kasi kailangan ko talaga mag focus." sagot ko. Mahirap na kasi magkamali doon nakasalalay ang live namin.

"Wednesday na yan, DJ... kaya ba? Saka may pasok ka noon, paano iyon?" - Neil

"Kaya! Anime addict ako dati kaya sure na kaya yan! Magpapaalam ako kay boss, basta matapos ko lang kahit isa sa 3 kotse ko doon baka payagan ako." sagot ko habang napapaisip na ako kung paano ako magpapa alam kay Boss Juno. "Kapag hindi pumayag, mag-aabsent na lang ako." dagdag ko pa.

Napatingin silang lahat sa'kin at napatigil din sila kumain. Hala? Anyare? Sinabi ko lang na mag-aabsent e...

"O? Anong mga reaksyon yan? Hindi ninyo alam ano yung absent? Kunwari pa kayong mga mababait na estudyante dati... Wag ako! Ang lakas pa nga mag cutting ni Bryan dati kasama si kuya para lang makapaglaro ng arcade, e!" pagbibiro ko nalang sa kanila sabay kain pa rin.

"Kasi maaabala ka na namin nang sobra kapag ganoon. Kagaya na lang ng dati, dalawa kayo ni James na mag memorized para kung hindi pwede ang isa, sub na lang." suggestion ni Neil tapos nag tanguan na yung iba. So ibig sabihin final na 'yun.

"May kopya pa ako nung huli e, iyong sa Naruto Shippuden. Ano ngang title noon?" tanong pa ni Neil para sa lahat bago tumayo para pumunta sa steel cabinet.

"Silhouette." sagot ni James tapos lumapit sa akin. "Kaya mo pa ba? Sorry nahaharass namin masyado ang boses mo sa mga pinapakanta namin sa'yo." hinging paumanhin niya sabay hawak sa ulo ko.

Napansin ko nga na medyo namalat ako ng very very slight pero ako naman ang may kasalanan dahil sa routine ko sa umaga tapos nakakapag softdrinks pa ako sa talyer.

Finding The Missing Genes Of Destiny JeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon