NANAY EILLENE'S POV
"Ehem... Kamusta ang lagay ni DJ?" pamalay at tanong sa akin ng taong dumating.
Bahagya ko lang siyang nilingon at nakita ko siyang nakatayo, patalikod na nakasandal sa isang poste ng pwesyo namin. Hindi ko na pinagkaabalahang isipin kung paano siya nakalapit nang hindi ko namamalayan.
Byernes ng hapon at tumuloy ako sa palengke para ayusin ang mga paninda naming gulay pagkatapos kong ilabas ng hopsital si Destiny.
"Ayun, pauwi na kasama ni Kristoff. Maayos naman yung lagay ng bata, nagka anxiety attack sabi ng doktor. Ginawan din ng ECG para masiguradong ok ang puso niya at walang ibang sakit. Maayos ang resulta kaya baka stress lang daw siya kaya pagpahingahin daw muna." simple kong sagot habang ipinagpatuloy ang pag iinventory ng mga gulay namin para maka order na ako ng mga wala na o kakaunti na.
"Anong kinatakutan niya?" tanong pa niya.
"Nagising na wala si Rocco tapos biniro nung pinsan na pinalayas na yung aso, ayun nag iiyak nalang bigla. Hindi na mapatahan at hindi na nakakahinga sa pag iyak kaya isinugod na nila sa hospital." pagkukwento ko.
"Alam ba niya kung kanino galing ang aso?" tanong niya.
"Hindi ko sinabi." sagot ko.
" *sigh*, hanggang kailan mo ba planong itago ang katotohan, Eillene? Malaki na si DJ, maiintindihan na niya." dismayadong tanong niya, kahit hindi ko siya tingnan, alam kong naiinis na siya sa tinatakbo ng usapan namin.
"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin o kung dapat ko pa ba talagang sabihin... maayos na naman kami sa ganito lang. Ayoko nang maging komplekado pa ang lahat para sa anak ko."
"Anong maayos doon sa paglaki nang walang ama? Yung lumalaki siyang nakikita na iba ang pamilya niya sa pamilya ng mga kalaro niya? Matalinong bata si DJ, Eillene. Imposibleng hindi siya nagtatanong man lang."
"Hindi ko naman binawalan ang bata na magtanong at isiping may tatay siya, hindi ko rin siya pinalaking may galit sa puso niya. Sinabi kong nag ibang bansa ang tatay niya noong buntis ako sa kanya, na totoo naman. Pero kung bakit hindi na bumalik sa'min o kung bakit hindi namin siya kasama ngayon, iyon lang naman ang bagay na hindi ko masagot."
"Kasi ayaw mo. Iyon ang simpleng dahilan. Lalaki sanang may tatay si DJ kung pumayag ka lang, Eillene Athena."
"Pwede bang huwag mo nang isumbat sa'kin yan?" iritang tanong ko sabay sulyap sa kanya. Katulad nang inaasahan ko, pinapanood na nga niya ako. "Hindi ko pinag sisisihang pinalaki ko ang anak ko mag isa. Binusog namin siya ng pagmamahal at pag aaruga at kita mo naman, hindi ba? Maayos ang anak ko!" sagot kong humarap na sa kanya.
"Anak natin, Eillene. Anak natin." pagtatama niya. "Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang nakapirmang tatay niya sa rehistrado at totoong kopya ng NSO niya; Kaya ako ang ama niya! Hindi na nga kita kinontra nung ginusto mo ng isa pang rehistro ng NSO na walang nakasulat na ama niya para iyon ang ipagamit sa school niya, hindi ba? Ako pa ang naglakad ng bagong rehistro pati ang nagpagawa ng PSA niya para kung sakaling kailanganin, hindi na siya pupunta ng ahensya kasi may kopya ka na. Ang sa'kin lang naman, sana hinayaan mo akong maging ama sa kanya at asawa sa'yo." giit pa rin niya.
Dalawang dekada na ang nakakalipas at ganito pa rin ang takbo ng pag uusap namin. Hindi ba talaga siya nag sasawa?!
"Ipakilala mo na ako kay DJ." sabi niya noong bigla akong manahimik.
BINABASA MO ANG
Finding The Missing Genes Of Destiny Jean
General FictionPaano mo nga ba sisimulan hanapin ang tatay mo kung walang naiwan na kahit na ano sayo kung hindi ang sarili mo? Yung tipong kahit sa birth certificate mo, Missing in Action siya... pero sinasabi naman sayo ng nanay mo na may tatay ka. - Kukulitin m...