DESTINY'S POV
"Oy mga suki! Gulay! Anong hanap ninyo? Mam/sir mura lang dito! Fresh! Parang ang tindera lang, pili lang kayo pili!"
kaya lalong umiingay ang palengke dahil sa mga ganyan. Kita naman ng mga taong gulay ang tinda mo bakit kailangan pa ipag sigawan? Pag malakas ba ang boses ng tindera ibig sabihin agad, fresh na ang tinda? Parang gipit na gipit lang kung makasigaw si ateng! Isip isip ko.
Hindi ko na naman naiwasan tingnan ang pagtatawag ng customer ng katapat pwesto naming si Ivory. Anak siya ni Aleng Choleng. Palagi niya akong iniilapan kapag nakikita niya akong tinitingnan siya. Plano ko na rin yan patulan minsan.
Alam ko namang marketing strategy talaga ang pag tatawag ng customer pero ayaw ni nanay na gawin namin yun. Eskandalosa raw, may nabili naman kahit hindi tinatawag at may mga suki na rin naman kami. Sa araw-araw, kahit sa bahay lang nakakabenta rin naman kami.
"DJ, ito listahan balikan ko na lang mamaya." abot sa'kin ni Mang Andres. May ari ng carinderia sa kanto namin.
"Sige ho, Mang Andres. Ibibilin ko na lang ho kay nanay o kay Kuya Toffy. Papasok na rin ho ako, maya-maya e." tango lang ang isinagot niya at umalis na. Ako naman, inayos ko na agad ang listahan para pag balik ni Mang Andres, babayaran at bubuhatin na lang.
"Kay Andres ba yan, Destiny?"
"Oho, nay. Halos araw-araw naman sa'tin niya kinukuha ang mga gulay niya. Saka ito pa ho pala nay, kay Ate Mila at Kay Maey." abot ko sa kanya ng iba pang listahan.
"Sino yung Maey, anak?"
"Yung bagong katulong ho dun sa bahay ng mga amerikano sa kabilang kanto, yung malaking bahay ho bago lumabas ng bayan."
"A, kina Ms. Osmond. Siya lang naman ang amerikana sa kanila, anak. Hiwalay na siya sa asawang pilipino at mga anak lang ang kasama sa bahay maliban sa mga katulong. Kahit pinoy ang tatay, tisoy pa rin ang mga anak ni miss, at ang tatangkad." kwento ni nanay habang nag paplastik din ng mga gulay.
"Nay, uso ho ba talaga yun ngayon?" curious kong tanong.
"Alin, anak? Ang kumuha ng bagong katulong? Depende siguro."
"Hindi ho nay, yung pag hihiwalay ng mag asawa, yung kapag naanakan ang Gf nilalayasan na. Uso na ho ba kaming mga batang half-half?"
"Ano ba yang batang half-half na yan na sinasabi mo, ha? Ayusin mo yang sarili mo, Destiny Jean! Hindi na kita papasamahin dyan kay Magnus kung magiging tomboy ka lang!"
"Nay, naman e! Ang sinasabi ko ho, kaming mga half-half lang ang magulang. Pwedeng nanay lang o kaya tatay lang. Ganon ho! Para na nga rin ho kaming rainbow gender nay e, ang bilis naming dumami. Uso nga ho talaga siguro."
"Hindi naman namin ginusto ang ganito anak, hindi namin ginusto na maiwan at mas lalong hindi namin ginusto na lumaki kayo na kulang ang magulang, walang may gusto ng ganito. Sadyang di lang tinadhana sa'tin ang buong pamilya. Pero masaya naman tayo, anak, di ba?"
Seryoso ba si nanay? Talagang si Kambal pa ang sinisisi niya sa ginawa samin ng tatay ko? Tsss! Di yan! No no no! May dahilan yang si tatay sigurado ako.
"Nanay, bakit hindi mo pinalagay sa Birth Certificate ko ang pangalan ng tatay ko? Saka kung hindi ninyo naman pala gusto na lumaki akong half-half, bakit hindi ninyo ho hinanap si tatay?"
"Alam naman ng tatay mo saan niya tayo iniwan, anak. Kung gusto niya bumalik sana dati pa. Siya ang umalis kaya matuto siyang bumalik. Kung mahalaga tayo sa kanya, hindi ka eedad ng ganyan na hindi mo siya nakikilala. Saka, bagay naman sa'yo ang apelyido ko, a? Tingnan mo na lang kami ng Tita Lorna mo, pareho kaming Montilla at pareho kaming dyosa. Kaya bagay na bagay talaga sa'yo apelyido natin."
BINABASA MO ANG
Finding The Missing Genes Of Destiny Jean
Fiksi UmumPaano mo nga ba sisimulan hanapin ang tatay mo kung walang naiwan na kahit na ano sayo kung hindi ang sarili mo? Yung tipong kahit sa birth certificate mo, Missing in Action siya... pero sinasabi naman sayo ng nanay mo na may tatay ka. - Kukulitin m...