Destiny, sometimes referred to as fate, is a predetermined course of events. It may be conceived as a predetermined future, whether in general or of an individual. (wikipedia)
***DESTINY'S POV
"Ano DJ? Kaya pa?" tanong sa'kin ni Kuya Jose, inabot na kami ng alas diyes. Overtime.
"Yes na yes, kuya! Dito ho nakasalalay ang pag unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kaya kakayanin ko ho 'to!" sagot kong full of confidence sabay ngiti, bago bumalik sa ginagawa ko.
Maghapon ko ng ginagawa ito pero plangak! Nganga pa rin ako. Masyadong nagpapabebe! Tsss!
"Umuwi ka na at bukas mo na yan tapusin. Maaga ka namang napasok." sabi pa rin niyang hindi talaga ako nilubayan kahit na alam niyang ayokong nagta trabaho ng may nanonood.
"Babalikan daw ho ito bukas ng maaga, kuya. Alam ninyo naman ho kapag araw ng palengke natulong muna ako kina nanay bago pumasok, e mahirap na ho baka sumabit 'to." sagot ko sabay tapik sa hood ng kotseng inaayos ko.
"Kow! Mag aantay yun. Kay Mr. Sales yan, hindi ba? Kung hindi ka darating ng maaga, e ipapahawak ko na yan kay Mckoy, hindi ka ipapahiya nun." kumbinsi pa sa'kin ng matanda, halatang gusto na talagang umuwi.
"Sigurado ho kayo dyan?" tanong ko.
"Oo. Ako ng bahala dyan bukas. Sige na't mag likom ka na ng makapag sara na tayo. Baka akalain ng nanay mo kung saan ka na napadpad." napapakamot na si kuya sa ulo.
"Sige ho." yun lang at ibinaba ko na ang hood ng kotse at inimis ang mga gamit.
Pag labas ng talyer, mag aabang naman ako ng jeep na sasakyan ko pauwi sa bahay namin. Ganyan ang araw-araw ko, papasok ng maaga at uuwi ng gabi; kapag may oras pa sa gabi maglalaba pa.
Pag araw naman ng palengke, mas maaga pa ang gising kasi mag hahakot kami ng mga panindang gulay nina nanay tapos tutulong muna ako mag benta bago pumasok. Kada sabado naman ay nag aaral ako sa Public College, Saturday Classes, Mechanical Engineering ang course. Pag linggo madalas nakiki sessionista, minsan sa mga events. Basta kung saan may raket andun ako!
Kung may literal lang na babaeng walang pahinga, ako na siguro yun. Ako nga pala si Destiny Jean Montilla, 20. DJ na lang. Mekaniko, tindera, estudyante, bokalista, raketista at solong anak. Solo ring pinalaki ng dyosa kong nanay kasi nag abroad daw at hindi na umuwi ang napakagaling kong ogre na tatay. Choz! Sa malamang naman gwapo si tatay kasi maganda ang anak niya.
Apat kami sa inuupahan naming bahay. Ako, si Nanay Eillene, ang kapatid niyang si Tita Lorna at ang pinsan kong si Kuya Kristoff. Katulad ko, wala ring tatay si kuya, kano ang tatay niya na nakilala ni tita nung nag OFW siya. Ang kaibahan lang, magkakilala sila ng tatay niya at sinusuportahan sila. Samatalang kami ni nanay, ni ha, ni ho, walang naririnig galing sa magaling kong tatay!
"Ginabi tayo, a!" bati sa'kin ng mga tambay ng basketball court. Sila ang nasa labasan sa eskinita sa highway.
"Oo nga, e!" sagot ko sa kanila.
"Shot muna, Dejey!" sigaw naman ng nadaanan kong nag iinom sa ikalawang eskinita papasok na sa bahay.
"Salamat ho, Mang Ador. Pass! Palengke ho bukas!" ganting sigaw ko at nilagpasan na rin sila. Araw-araw din ang eksenang yan.
At kung iniisip nyong tomboy ako dahil mekaniko ako at mga tambay at mag iinom ang kabatian ko, nagkakamali kayo dyan. No no no!
Kikay at fashionista ako, at kapag may pa contest ng Ms. Baranggay pinapatulan ko rin! Sayang kasi ang premyo, may pag-asa namang manalo o kahit maka runner-up man lang ang mukhang 'to! At walang echoz yan.
BINABASA MO ANG
Finding The Missing Genes Of Destiny Jean
Ficción GeneralPaano mo nga ba sisimulan hanapin ang tatay mo kung walang naiwan na kahit na ano sayo kung hindi ang sarili mo? Yung tipong kahit sa birth certificate mo, Missing in Action siya... pero sinasabi naman sayo ng nanay mo na may tatay ka. - Kukulitin m...