DESTINY'S POV
Tsss! Medyo nahirapan ako sa practice namin nung gabing yun. Sobrang hiya ko kina kuya kasi madami akong sablay sa lyrics. Pero nakabuo naman kami ng isang set na matino bago kami umalis. Tahimik lang ako nung byahe pauwi.
Pagkatapos ng hapunan sa bahay, kinausap ko si nanay tungkol sa gagawin kong pag babago ng schedule, ipinaliwanag ko nang super na, bongga pa kaya pumayag naman siya.
Kinabukasan, maaga akong bumangon at inihanda na ang sarili ko sa gagawin ko. Ayos na rin naman ang mga gamit na dadalhin kaya lumabas na rin ako ng kwarto.
Inabutan ko si nanay sa kusina na mas maaga pang gumising kaysa sa'kin at nalutuan na rin niya ako ng almusal. May nakagayak na ring baon kong tinapay at tubig.
"Awwwww. Salamat ho rito, nanay! salamat din ho sa pag payag at pag suporta." naluluha akong yumakap kay nanay. The best nanay in the world talaga siya!
"Syempre naman, anak. Alam mo bang sobrang proud si nanay sa'yo dahil sa desisyon mo kagabi? Natutuwa ako nang sobra, 'nak na napalaki ka namin nang maayos. Kayo ni Kuya Toffy mo, pareho kayong lumaking mabubuting bata." at ginantihan ako ni nanay nang mas mahigpit pang yakap.
"Mana lang naman ho kami ni kuya sa inyo ni tita, ito ho ang ebidensya, o!" hawak ko sa mga pisngi ko nung makabitaw na kami sa isa't isa.
"Ay! Totoo yan, 'nak. Walang duda dyan. O, sya! Kumain ka na para hindi ka rin tanghaliin sa talyer." sabi pa ni nanay bago ako hinila paupo sa lamesa at tinimplahan pa ako ng kape.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa totoong destinasyon ko sa madaling-araw na yun --- sa community oval.
Napansin ko kasi sa sarili ko na kinakapos ako ng hangin sa pyesa ni James kahit nakatayo pa lang ako habang kinakanta yun. Dahil sa pagka kapos kaya hindi ko tinatamaan ang nota at madalas mali pa sa lyrics. Sobra ang naging hiya ko sa ANZ! Gusto ko na nga sanang umiyak kagabi kaya lang naisip kong papanget ako sa umaga kaya huwag na lang pala, I changed my mind.
Alam kong nagpasensya lang sila sa'kin kagabi at ayoko nang maulit yun. No no no! Ayokong maging pabigat lang sa kanila. Nagtiwala sila sa'kin kaya gagawin ko lahat para sa kanila.
Isinuot ko na ang earphone at naka set na sa repeat ang matinong record namin kagabi. 1 kanta sa stretching, 2 sa jog in place, tapos kung ilang kanta man ang abutin ng 3 rounds ko sa oval.
Sa tantya ko, aabutin ng 12-15 o mas higit pang beses kong kakantahin nang paulit-ulit ang pyesa sa buong umagang ito at sa mga susunod pang mga umaga. May mahigit 1 linggo pa ako para ma-improved ang breathing ko; kaunting sakripisyo lang ito para sa pangarap nina kuya. G!
---
Halos maligo na ako sa sarili kong pawis noong matapos ko ang inihanda kong routine para sa sarili ko. Araw-araw na ako tatakbo simula ngayon pero alternate na araw ang pag kanta habang natakbo para hindi naman bumigay ang vocal chords ko. Puhunan ko rin kasi ito sa ibang mga raket ko kaya dapat alagaan.
Pasalampak akong umupo sa isang tabi kung saan ko iniwan ang mga gamit ko kanina. Naghahanap ako ng towel nang may kamay nang nag-aabot sa akin ng isang navy blue thick cotton na towellet. Si Boss Juno.
"Boss!" bati ko sabay ngiti bago tinanggap ang towel na pinapagamit niya. Naka pang jogging din si boss pero hindi ko siya nakitang tumatakbo kanina. "Salamat ho sa towel. Lalabhan ko na lang ho bago ko isoli."
"Ngayon lang kita nakita rito, DJ. Sasabayan nga sana kita tumakbo kanina kaya lang narinig kong nagpa practice ka, kaya hindi na ako nang-abala." umupo na rin si boss sa tabi ko at tubig naman ang ibinibigay niya na tinanggap ko pa rin. Tampuhin kasi si boss, hindi niya kami kinakausap kapag tinatanggihan namin siya.
BINABASA MO ANG
Finding The Missing Genes Of Destiny Jean
Ficción GeneralPaano mo nga ba sisimulan hanapin ang tatay mo kung walang naiwan na kahit na ano sayo kung hindi ang sarili mo? Yung tipong kahit sa birth certificate mo, Missing in Action siya... pero sinasabi naman sayo ng nanay mo na may tatay ka. - Kukulitin m...