CHAPTER 1

3.2K 24 1
                                    

Chapter 1

Celes

Isa lang akong simpleng babae na maraming pangarap. Hindi kami mayaman, ang mga magulang ko ay nagsasaka lang ng maliit na lupain dito sa probinsiya. Solong anak at nakapagtapos ako sa kolehiyo dahil scholar ako.

Nagbago ang buhay ko mula nang makilala ko ang lalaking pinapangarap ko. Walang iba kundi si Thunder Montefalcon.

"Hoy, Celes! Anong nginingiti-ngiti mo riyan?
Nag-daydreaming ka na naman, ano?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Ising.

Bumaling ako sa kaniya sabay ngisi. "Ikaw talaga, moment ko ito 'wag  ka ngang paepal diyan!" Pagkasabi ko no'n ay sabay pa kaming nagkatawanan. "Ising, natatandaan mo pa ba 'yung batang lalaki na lagi natin pinagtitripan kasama si Buddy?" tanong ko kay Ising.

"Oo naman, bakit mo naman naitanong babaita ka?"

"Balita ko kasi darating iyon," sabi ko.

"Talaga? 'Yung lampayatot na 'yon? Crush mo pa ba 'yon?" naiintrigang tanong niya sa akin.

"Oo naman, ang cute kaya niya. Ano na kayang hitsura ngayon no'n?"

"Baka mukhang pugo, friend!" sabi niya saka malakas na tumawa.

Walang hiyang Ising na 'to, kahit kailan hindi matinong kausap.

"Seryoso ka friend? Ngek! Huwag ka nang
mag-aksaya ng panahon mo kay tanding, Celes." Pang-aasar pa niya sa akin.

"Ising, Thunder ang pangalan niya!" pagmamaktol ko.

"Tse!" sabi ni Ising sabay ismid pa. "Friend, puppy love lang iyan. Kahit kailan hindi titingin sa atin ang mga mayayaman sa tulad nating mga mahihirap," dagdag pa niya. Bigla kaming natahimik ng ilang sandali.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ba talaga puwedeng magkagusto sa isang katulad ni Thunder?

"Tara na nga!" pag-aaya ko kay Ising.
Magka-akbay pa kami habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay namin.

Nandito na ako ngayon sa bahay kubo namin.
Kasalukuyan akong nagsasaing gamit ang kalan gawa sa pilak, hindi naman uso dito sa probinsiya ang kalan de gaas.

Napakasimple ng buhay dito. Kailan kaya namin mararanasan ang marangyang buhay? Makapagluto na nga lang ng pritong tilapia at nilagang maliliit na talong. Tapos mag-gigisa pa ako ng buro ni Aling Bebang na ibinebenta niya sa palengke.

Ang sarap kaya. Sigurado, pagdating nila Inay at Itay mabibilib na naman sa hinanda kong pagkain. Pagod sila sa pagtatanim ng palay. Kaya dapat masarap lagi ang ulam namin.

O, hayan na pala sila. Ang init talaga ng dila ko.

"Inay, Itay, mano po." Pagbibigay galang ko sa kanila.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak," sabi ni Inay at Itay.

"Nakaluto ka na ba anak? Nagugutom na kami." Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang pagod. Nakaramdam ako ng awa.

"Opo Inay! Ihahain ko na po!" Pinasigla ko ang boses ko. Pagkatapos ay inilapag ko na sa lamesa ang kanin at ulam. Kasama ang pinggan at baso. Kutsara't tinidor, no more! Hindi uso sa amin 'yan. Nagkakamay lang kami.

"Anak," tawag sa akin ni Itay. Nagawi ang tingin ko sa kaniya. "Gusto mo bang tumulong sa Mansiyon nina Don Montefalcon?" tanong niya sa akin. Naantala ang pagsubo ko ng kanin.

"Bakit po, Itay? Ano pong meron?" nagtatakang tanong ko.

"Darating ang apo ng Don, galing ng america. Magpapa-welcome party daw sila. Sabi ni Tiyang Melba mo, kulang pa raw ang mga tao do'n," sagot ni Itay sa akin.

All For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon