Chapter 14
Celes
"Ano ba! Hindi mo na kailangan manulak! Sasama naman ako ng maayos!" angil ko sa kanila. Pumasok na kami sa van at pinaandar na ito. Naka-gitna ako sa dalawang goons. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero kinukutuban talaga ako na may mali sa mga pangyayaring ito.
Kaya, kusa kong ipinahin ang sarili ko dala ng matinding kuryosidad. Haharapin ko ito ng walang takot!
"Hoy, piringan mo nga mata niyan!" sigaw ng isa sa kidnapper, sabay bato ng itim na tela sa kasama niya.
"Beautiful, takpan muna natin 'yang magaganda mong mga mata, ah." Ngumisi pa siya sa akin na kala mo ay ikinaguwapo nito.
Hindi naman ako kumibo. Nakakatakot mga hitsura nila.
"Tarantado! Huwag ka ng magpa-cute d'yan! Walang gagalaw d'yan kundi lagot kayo kay boss!"
Nakapiring na ang mga mata ko. Pero malayo ang itinatakbo ng isip ko. Pilit kong inaalala kung saan ko nakita iyong pares ng mga mata ng leader ng mga ito. Parang namumukhaan ko talaga iyong lalaking 'yon. Malalaman ko rin iyon. Sa ngayon umuusal ako ng panalangin na sana makauwi ako ng ligtas.
Thunder
"Hijo, I'm sorry for what happened, hindi ko alam pati siya'y madadamay!" naghihisterikal na sabi ni Mama.
"It's not your fault, Ma. I really don't know how did it happen but I know there's a reason behind this shits!" I'm really pissed off.
"Delfin, gumawa tayo ng paraan para mailigtas natin si Celes. I'm really sorry," naiiyak na sabi ni Mama at niyakap siya ni Papa na nanatiling tahimik.
"Please, calm down Cyrstal, everything will going to be alright. I'm going to sue them!" galit na turan ni Papa.
"Ma, you need to rest. Magpagaling po kayo at huwag na munang mag-isip. Magbabayad talaga ang may kagagawan nito."
Iniwan na muna namin si Mama at tinawag si Tiyang Melba para mabantayan ito. Tumungo kami sa library ni Papa at mukhang seryoso ito. Nanatili lang kaming nakatayo. May kinuha siyang envelope at ibinigay sa akin at binuksan ko ito.
Kunot ang noo kong tiningnan ang mga nakasaad dito. Sumasakit ang ulo ko, why it has to be now? Another problem? I can't believe we lost another 20 million in our company? Is there someone who's stealing money from us? Paano nangyari iyon? I know maliit lang iyan pero pinaghirapan ko rin iyang mabuo o kitain. Who's the person behind? I sighed deeply in frustration. Ganoon na lang ba kung nakawan ang sarili kong kompanya? Damn! Bakit hindi ko man lang iyon napansin?
"Son, I'll do the checking. Ako na muna ang bahala sa company. Stay focus with your wife. And I'll ask some help to my best friend, the one and only Madrigal."
"Madrigal? Ngayon mo lang siya nabanggit, Pa. Is he related to Nathaniel Madrigal?" Confusion lingers on my mind.
"Yes, anak niya si Nathaniel Madrigal. Anyway, it's a long story. He is a former agent. Ipaubaya na natin sa kaniya ang lahat."
"Thanks, Pa!" I hugged my father.
"Don't worry, matatapos din ang lahat, anak." Tinapik niya ako sa balikat.
---
It's been three days since Celes gone. Masisiraan na yata ako ng bait sa kakaisip sa asawa ko. Wala man lang akong magawa para iligtas siya! Damn! I'm not tired! Ayaw kong mawalan ng pag-asa! We're back in Manila at patuloy pa rin naman sa paghahanap ang mga hired agent namin. They told us na dito nila sa Manila dinala si Celes. How? May trackin device na nakalagay sa damit ni Celes. Idinikit kasi iyon ng isa sa mga police, sana'y maalala ni Celes na pindutin iyon, para lumakas ang signal niyon at ma-monitor na kung saan lupalop man siya dinala ng mga hayop na iyon!

BINABASA MO ANG
All For You (Completed)
Fiction généraleCeles and Thunder story. (Former Title: I'll Do Everything Just For Love) Celes Milanyas fell in love with Thunder Montefalcon ang lalaking akala niya sa una e minahal talaga siya. Ngunit isa lang pala itong panloloko. Lahat ng kabaitan na ipinakita...