CHAPTER 15

694 15 0
                                        

Chapter 15

Madam Crystal

"O, bakit ka nandito? Kaalis lang ng anak mo, nasa kaniya na ang pera mo," nakangising wika ni Edward sa akin. Mukha siyang tanga sa hitsura niya.

"Alam ko, kakatawag lang niya. Ano pa bang balak mo d'yan sa babae? Di ba sabi ko sa inyo patayin n'yo na! Bakit pinapatagal n'yo pa ang seremonyas?" gigil na sita ko.

"Huwag kang masiyadong hot. Relax, kalma ka lang, baby. Makakarating din tayo d'yan. Ano pa bang ginagawa mo rito? Baka may nakasunod sa 'yo, mahirap na. Tsk." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Kumusta naman siya?" tanong ko sa kaniya.

"Wow, baby, ang plastik mo para kumustahin pa siya, ano?" pang-aasar pa niya. Lumakad kaming dalawa papunta sa kuwartong pinagdalhan namin kay Celes.

"Walang ibig sabihin 'yon. Dapat nga pinapahirapan mo! Sabagal siya sa mga plano ko!" tumaas ang boses ko na matalim ang matang tumitig sa kaniya.

"Easy ka lang, baby. Ang sama mo sa manugang mo. Wala ka talagang patawad," sabi niya na nanunudyo. Wala talagang alam gawin ang lalaking ito kundi pikunin ako.

"A, basta gawin mo ang trabaho mo!" sigaw ko.

"Ano bang ginagawa mo?" nataranta si Edward nang malapit na kami sa kuwarto kung nasaan si Celes. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero pinigilan niya ako. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit ganito ang inaakto niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba? Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to!" singhal ko sa kaniya.

"Huwag kang padalos-dalos!" singhal din niya sa akin.

"Wala kang pakialam! Ang tagal mo kasing kumilos! Napakatanga mo!"

Sa sobrang inis ni Edward sa akin ay tinanggal na niya ang suot niyang bonnet at nilamukos niya ang kaniyang mukha.

"Bahala ka na nga! Sige pumasok ka na!" pabalang na sabi niya, saka niya ako iniwang mag-isa.

Nang makapasok na ako sa kuwarto ay tulog naman si Celes. Nakatali ang mga kamay niya sa likod ng silya. Tinapik-tapik ko ang mukha niya.

Celes

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumatapik sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng babae. Minsan pa akong pumikit, baka kasi namamalik-mata lang ako sa taong nasa harapan ko. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari? Bakit nandito siya? Panaginip lang siguro ito, kaya naman tuluyan na akong nagmulat ng mga mata. Ngiting  nakakaloko ang bumungad sa akin. Napatuwid ako ng upo.

"M-Mama?" nag-aalinlangang tawag ko. Gulong-gulo talaga ako.

"Na-miss mo ako?" tanong niyang nakangisi sa akin.

"Ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong ko naman.

"Una sa lahat huwag mo akong tatawaging Mama! Pangalawa, napakatanga mo naman! Natural, ako lahat ang may pakana nito!" pasigaw niyang sabi, nagpanting ang tainga ko.

"Bakit n'yo ito ginagawa?" garalgal ang tinig kong tanong sa kaniya. Hindi ko akalaing ganito pala siya kasama.

"Dahil sa pera, kaya nga ayaw kita para sa anak ko! Hindi kita gusto noon at hanggang ngayon! Naintindihan mo?!"

"Kaya po ba pati sarili n'yo ay ginamit n'yo para lang magkapera?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tiningnan niya akong masama. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Tumagilid ang mukha ko pakaliwa. Ang bigat ng kamay ni Mama, masakit ang pagsampal niya.

"Kahit ano, kaya kong gawin para sa pera! At kahit ang patayin ka'y kaya ko! Mawala ka lang sa buhay ng anak ko!"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng biyenan ko. Papatayin talaga niya ako? Ganito ba talaga siya kasama? Kahit kaligayahan ng sarili nitong anak kaya niyang wakasan. Napailing-iling ako't mapait na ngumiti.

All For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon