Chapter 10
Thunder
Patungo na kami sa bahay nina Celes. Kahit nagda-drive ay hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan. Alam ko naman talaga daan papunta sa kanila. Hayaan ko na muna siyang maniwala
na wala pa akong alam. Nagulat ako kaninang pumunta siya sa office. Pinigilan ko lang talaga na huwag muna siyang lapitan para makita ko ang reaksiyon niya. Nakakatawa talaga siya. One of a kind talaga itong wife ko. Napapangiti na lang ako. Hindi naman talaga gano'n ang plano kong maikasal ng maaga at wala man lang preparasyon. Marahil nagtataka ito sa bilis ng mga pangyayari. Actually, naunang dumating si Mama sa office. Mabuti na lang at hindi sila nagkita. Kundi malaking gulo na naman ang magaganap. Kinukulit akong magpakasal ni Mama kay Sandra. Ayaw ko talaga. Kaya heto tadhana na ang umaayon, si Celes na mismo ang lumapit sa akin at laking tuwa ko. Nang sinabi ng sekretarya ko na siya ang naghahanap sa akin bigla kong naisip agad-agad ang planong maikasal na, para 'di na ako makulit ni Mama at para na rin hindi na makalayo pa si Celes sa akin. Tinawagan ko agad si Alex at si Ninong. Sa isang iglap lang nangyari ang lahat, thanks God.Huminto na kami sa tinuro ni Celes na bahay. Bago bumaba humirit pa ako ng isang halik at niyakap ko siya.
Nasa bungad pa lang kami ng pinto. Dinig na dinig ko na ang tawanan ng mga bata. Heto na ba iyong sinasabi nilang lukso ng dugo?
Papasok na kami nang sumalubong sa amin ang tatlong bata. Nakaupo naman sa living room ang parents ni Celes na may halong pagtataka. Palabas naman sa kusina ang pamilyar na babae, si Ising yata iyon. Nakanganga pa nga ito na parang nakakita ng multo.
"Nanay!" sabay-sabay na pasigaw na bati ng tatlong bata.
"Babe, sila ba ang mga anak natin?" tanong ko. Nagulat si Celes at nanlaki ang mga mata niya.
"P-Paano mong nalaman?" wala sa sariling tanong niya.
"Kamukha ko sila, I assumed they are mine," proud kong sabi. Hindi ko maiwasang hindi maluha.
"Mga anak mo nga sila, sila iyong ipapakita ko sana."
Hinaya akong umupo ng mga magulang ni Celes. Magkatabi kami ni Celes habang ang mga anak namin tumabi sa Lolo at Lola nila. Mataman akong tinitingnan ng mga ito.
"Siya ba ang Tatay namin?" The young girl said it in confusion. Celes smiled at her.
"Caleb, Charles, Chzarina, siya ang Tatay Thunder ninyo." Malumanay na pakilala ni Celes sa akin sa mga bata.
Bigla naman nagliwanag ang mukha ng tatlong bata. Lumapit sila sa akin at niyakap ako. Pinupog rin nila ako ng halik sa mukha na waring sabik na sabik sa isang ama. Nakakatuwa sila hindi ako makapaniwala na ganito ang pagtanggap nila sa akin. Saka, tatlo agad. Napangiti ako.
"Kids, give your Daddy a break. Okay?" sabi ni Celes sa mga anak namin. Tumango lang ang mga ito.
"Daddy, can we play later?" Caleb asked excitedly. Magkamukhang-makamukha sila ni Charles. Namemoryado ko agad ang mukha ng dalawa. Si Caleb kasi ay may maliit na nunal sa kaliwang panga. Doon ako nagbase.
"Okay kids," I said to them at ginulo-gulo ko pa ang mga buhok nila.
Kinuha na ng mga yaya ang kanilang mga alaga. Bigla namang nagsalita ang ama ni Celes.
"Thunder, baka puwedeng pakasalan mo muna ang anak ko, kung kailangan mong magsibak ng kahoy gawin mo!" sabi ng Father ni Celes na parang nagagalit.
"Itay, kasal na po kami," sagot naman ni Celes.
"Anooo?!" magkapanabay na sigaw ng mga biyenan ko.
Bigla naman lumabas si Ising sa kusina at naupo na rin sa tabi ng magulang ni Celes.

BINABASA MO ANG
All For You (Completed)
Tiểu Thuyết ChungCeles and Thunder story. (Former Title: I'll Do Everything Just For Love) Celes Milanyas fell in love with Thunder Montefalcon ang lalaking akala niya sa una e minahal talaga siya. Ngunit isa lang pala itong panloloko. Lahat ng kabaitan na ipinakita...