Chapter 16
Wakas
Celes
Akala ko'y katapusan ko na. Napamulat ako ng mga mata nang biglang dumating ang mga pulis na ikinagulat naming lahat. Pinaputukan ng mga pulis ang mga tauhan ni Madam Crystal at natamaan silang lahat, ang biyenan kong hilaw ay wala pa ring tinag sa kinatatayuan niya. Hindi naging handa ang mga kalaban sa paglusob ng mga pulis. Nanatili lang akong nakatayo at parang namamanhid kahit umuulan pa rin ng bala sa buong paligid. Pakiramdam ko ay parang mayroon akong taga-harang ng mga bala at hindi ito tumatama sa akin. May iba pang tauhan si Madam Crystal at isinama nila si Sandra sa pagtakas. Narinig ko rin ang pagsigaw ni Daddy Delfin na itigil na ng mga pulis pagpapaputok nila ng baril. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, ngunit hindi pa rin matinag si Madam Crystal na nakatutok ang baril sa akin. Napakatapang talaga niya. Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa akin. Si Thunder, nandito na siya! Agad niya akong dinaluhan. Naluluha ako sa sobrang saya. Niyakap namin ang isa't isa nang mahigpit at hindi naman iyon nagtagal dahil hinarang niya ang katawan niya sa akin upang maging pananggala sa ina niyang nasisiraan ng bait.
"Ma, please stop! Akala ko, mabuti kang tao? Bakit mo ito nagawa? Kaya pala lagi kang wala kasi ikaw pala ang may pakana ng lahat ng 'to?!"
Makikita sa mukha ni Thunder ang pagtataka.Sa kabilang banda'y sumisigaw naman si Daddy Delfin.
"Please, hold your fire!" aniya na nakikiusap sa mga pulis."Umalis ka riyan! Huwag kang paharang-harang d'yan!" sigaw niya na matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Para siyang kakain ng tao sa pag-akto nito.
"Ma, please. Ibaba mo na 'yan! Hindi ako aalis dito kahit anong mangyari!" may diin sa salita ni Thunder.
"Hindi! Papatayin ko 'yang babaeng 'yan! Sabi nang umalis ka d'yan, e!" iritadong sabi pa ni Madam Crystal na napapadyak pa.
"Ma, ano ba? Itigil na natin 'to!" pagmamakaawa ni Thunder.
Ngunit hindi pa rin makausap ng matino si Maam Crystal. Hawak pa rin nito ang baril at kahit anong oras ay makakalabit niya na ito. Para na siyang nasisiraan ng bait at tumawa pa siya nang malakas.
"Thunder, hijo! Hindi kita anak, kaya wala na akong pakialam kung sinomang matamaan sa inyo!" humahalakhak na sabi pa niya. Laking gulat naman ng asawa ko sa sinabi ng kaniyang hilaw na ina. Hindi ko rin maagilap ang dila ko. Mas mabuti na rin iyon kay Madam Crystal nanggaling iyon.
Sinamantala naman ni Madam Crystal ang pagtahimik naming mag-asawa. Nakangisi pa siyang sumulyao sa amin at mabilis na kinalabit ang gatilyo ng baril, diretso ang tama sa balikat ni Thunder. Ipuputok pa sana ni Madam Crystal ang baril niya pero inunahan na siya ng isa sa mga pulis. Binaril si Madam sa kaliwang paa nito. Bumagsak siya nang nakaluhod at nabitiwan ang hawak na baril.
Napaiyak ako sa dugong umaagos sa balikat ni Thunder. Nilapitan kami ng mga pulis at ni Daddy Delfin, hindi na rin niya pinansin si Madam Crystal. isinugod na namin ang dalawa sa malapit na hospital.
Habang nasa sasakyan kami ay patuloy pa rin akong umuusal ng panalangin.
"Thunder, I'm sorry. Dapat ako na lang ang natamaan," puno ng pangamba ang tinig ko.
"Babe, daplis lang ito. Hindi naman sharp shooter si Mama," biro pa niya sa akin saka siya tumawa.
Napangiti na lang ako, sana maging maauos na ang lahat.
Ligtas na ngayon si Thunder sa awa ng Diyos. Si Madam Cyrstal maayos na din at idineretso na siya sa bilangguan. Nadakip na rin si Sandra, nagtangka pa nga siyang umalis ng bansa. Buti na nga lang nakalagay na siya sa wanted list. We rested for a while, ang daming nagyari sa nakalipas na buwan. Sa ngayon wala muna kaming gustong isipin. Basta ang mahalaga ligtas na kami sa kapahamakan.

BINABASA MO ANG
All For You (Completed)
General FictionCeles and Thunder story. (Former Title: I'll Do Everything Just For Love) Celes Milanyas fell in love with Thunder Montefalcon ang lalaking akala niya sa una e minahal talaga siya. Ngunit isa lang pala itong panloloko. Lahat ng kabaitan na ipinakita...