CHAPTER 8

742 13 0
                                    

Chapter 8

Celes

Chzarina, Caleb and Charles. Iyan ang pangalan ng triplets.

"Nanay, I want to play po." Dala ni Chzarina ang barbie doll niya at ngumiti sa akin.

"Anak, may ginagawa pa ako," nakangitting sabi ko na busy sa pagtitipa sa laptop ko.

Bigla namang pumasok sa kuwarto ang Yaya ni Caleb dahil bukas naman ang pinto.

"Ma'am, pasensiya na po sa istorbo, si Caleb po kasi nagta-tantrums na naman po."

Here we go again. Bumaba na kami at kinarga ko si Chzarina. Kumapit naman ito sa akin.

"Caleb, what's wrong?" I asked seriously.

Nakatunghay lang si Caleb sa pagkain niya dito sa dining area. Pinapakain siya ng Yaya niya pero ayaw daw kumain.

"Nanay, I want to have tatay," nakanguso pa niyang sabi.

Hindi kaagad ako nakakibo, talaga bang darating sa ganitong punto na maghahanap sila ng ama? Bigla akong nakaramdam nang lungkot.

"Yaya, iwan mo muna kami." Tumango naman ito at kinuha si Chzarina.

Sa tatlong anak ko ito ang pinakamatigas ang ulo.

"How many times I told you, huwag mong hanapin ang wala rito. Hindi pa ba kami sapat para sa 'yo at sa mga kapatid mo? Si Lola at Lolo saka si Ninang Ising. Ayaw mo na ba sa kanila? Ayaw mo na ba iyong pag-aalaga ko, namin?" Pilit kong ipinapaintindi sa mga anak ko, lalo na rito kay Caleb na kami lang sapat na. Na huwag nang maghanap pa ng ama. Alam kong bata pa sila, pero gusto kong maramdaman nila na sobra-sobra ang pagmamahal na kayang ibigay namin sa kanilang tatlo, kahit wala silang amang nakasubaybay sa kanila.

"No, Nanay. I am just envy with my playmates and to other kids around. Because they have a complete family. They are having a tatay, like you having Lolo." Para siyang matanda kung magsalita.

"It doesn't mean that you don't have a father by your side it will makes you feel incomplete. Kapag malaki na kayong tatlong magkakapatid, maiintindihan ninyo rin kung bakit ganito sitwasyon natin. Now, eat your food." Ngumiti siya sa akin at yumakap, gumanti naman din ako sabay gulo sa buhok niya.

"I love you, Nanay," hinalikan niya pa ako sa pisngi.

"I love  you too, Anak."

---

Kasalukuyan akong umiinom ng kape rito sa may veranda. Maganda ang view kahit binalot na ng dilim ang buong paligid. Alam kong panandalian lang ang naiibibigay kong kaligayahan sa mga anak ko. Kahit punan pa namin ng labis-labis na pagmamahal, ibinibigay ang mga materyal na bagay. Kulang pa rin talaga, naghahanap pa rin sila ng pagmamahal, pagmamahal ng isang ama. Bagay na ipinagkait ko sa kanila. Nabuhay kami ng wala siya, kaya ayaw ko na rin pumasok pa siya sa buhay naming mag-iina.

"Anak," bungad sa akin ni Inay.

"Inay, bakit hindi pa kayo matulog?" tanong ko.

"Nag-aalala kasi ako sa mga apo ko, lumalaki na silang patuloy na hinahanap ang kanilang ama."

"Inay, kung ipipilit niyo na naman po ang gusto niyong mangyari, hindi po ako papayag."

Ginagap ni Inay ang mga palad ko.

"Anak, alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, sana mapatawad mo na siya. Anim na taon na ang nakalipas. Sana naman buksan mo ulit iyang puso mo. Anak kita, kaya alam ko kung ano iyang nararamdaman mo. Matanda na kami ng Itay mo, gusto ko bago kami mawala sa mundo ay magkaroon ka na ng katuwang sa buhay mo." Niyakap ako ni Inay. Hindi ko alam ang isasagot ko, natatakot na kasi akong masaktan, kaya ayaw ko nang sumugal pa.

All For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon