GERARD
“Holy shit!”
Muntik ng mahulog ang hawak-hawak kong kaldero nang marinig ang boses ng aking kapatid mula sa sala.
“Mikey! ‘Wag ka ngang masyadong maingay! Baka marinig ka nila mama!” pagsuway ko sa kanya. Nang lingunin ko siya ay nakita ko kung ano ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipindot ang kanyang cellphone at tila focus na focus siya roon. Saka ko lamang napagtantong nilalaro niya pala ang paborito niyang games kaya ganoon na lamang siya kung umasta.
Isinabit ko naman ang kalderong hawak ko kanina. Kakatapos ko lang kasing maghugas ng mga pinggan. Kahit na alas diyes na ng gabi ay mas pinili kong maghugas kaysa tambakan bukas.
Nagpunas ako ng kamay saka pumunta sa aking kwarto. Doon ko nakita ang mga gamit ko sa school na mukhang hinihintay akong matapos. Nakakalat sila sa maliit na mesa na mayroon ako sa loob.
Nang lapitan ko sila ay isa-isa ko silang inayos at saka sinagutan isa-isa. Nang matapos ko ang lahat ay saka ako humikab. Napatingin ako sa orasan at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang ala una na ng madaling araw. Agad akong lumabas ng kwarto at sinilip ang sala. Nang makita kong naiwan ng magaling kong kapatid ang TV na nakabukas ay agad ko iyong pinatay.
“Mikey. Gising d’yan! Huwag kang matulog sa sala. Baka abutan ka diyan nila papa baka mapagalitan ka pa.” sabi ko habang marahang tinatapik ang braso ng aking nakababatang kapatid. Ilang beses ko pa siyang tinatapik hanggang sa kusa na siyang tumayo at dumiretso sa kanyang sariling kwarto.
Ilang saglit pa ay naisipan ko na ring pumasok sa kwarto ko at sinimulan nang matulog.
• • •
“Good morning, class.”
Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na tinig ng aking adviser. Nang iangat ko ang aking ulo ay sakto namang nagsitayuan ang aking mga kaklase at bumati rin kay Ma’am.
“Good morning, Ms. Trinity.” Napilitan akong tumayo nang mapansing ako na lang ang natitirang nakaupo. Mabuti naman at hindi ako napansin ni Ma’am kaya nakaupo ako kasabay ng mga kaklase ko.
“Okay. Listen, class. Alam ko na nasa kalagitnaan na tayo ng second grading. But there’s a student outside that is waiting and will be your classmate since today. So, please. Huwag niyo siyang papakitaan ng mga kabulastugan ninyo kung hindi kayo ang malalagot. ‘Cause if you were wondering, powerful lang naman ang pamilyang pinanggalingan niya.” sarkastikong pahayag ni Ma’am Trinity. Kahit na baguhan pa lamang siya sa pagiging guro ay hindi iyon naging hadlang para pasunurin niya kami. Nakakakuha rin ng atensyon ang pagiging sarkastiko niya minsan.
Maya-maya ay samu’t saring bulungan na ang narinig ko sa aking paligid. Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa pinagsama-sama nilang mga boses. Hindi naman ako mahiluhing tao pero kapag kulang ako sa tulog ay doon lamang siya umaatake.
Napansin kong umalis sa harapan si Ma’am at binuksan ang pinto. Pagkabukas ay biglang tumahimik ang buong paligid, kasabay ng pa-unti-unting paghilom ng sakit sa aking ulo. Nang ibaling ko ulit sa pintuan ang aking paningin ay hindi na nag-iisa si Ma’am.
“So, class, here’s your new classmate. He’ll be introducing his self to you ‘cause you know, hindi pa kayo magkakakilala.” ani Ma’am Trinity at ibinaling ang tingin sa bagong estudyanteng nasa harapan ngayon ng aming klase. Hindi katulad ng mga lalaki rito sa aking pinapasukan na eskwelahan ay naiiba siya. Bukod sa kanyang hairstyle na may kahabaan ang buhok ay naiiba rin ang kanyang height.
“Good morning, everyone. I’m Frank Anthony Iero Jr. You can simply call me Frank. I’m 16 years old. I love to watch horror movies and listen to music. Especially the genres of alternative rock, punk rock, pop punk and post-hardcore. I’m into bands also. That’s all.” Bahagya siyang yumuko matapos ng kanyang mahabang litanya. Agad akong tumingin sa kanya nang may narinig akong talaga namang nakakuha ng aking atensyon.
Alternative rock? Punk rock? Pop rock? Post-hardcore? Tanong ko sa aking sarili. At sinabi niya rin bang mahilig siya sa banda?
Nawala ang aking pag-iisip nang biglang magsalita si Ma’am Trinity, “What a nice introduction, Mr. Iero. Now, take your seat.”
Hanggang sa umalis na siya sa harapan ay hindi ko pa rin inaalis ang aking paningin sa kanya. May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Mula nang dumating siya rito sa aming classroom ay ‘di ko siya nakitaang ngumiti. Ni kahit na pagkurba lamang ng mga labi ay wala.
Nang maglakad na siya sa kabilang bahagi ng aming classroom upang umupo, nasilip ko ang kanyang mga mata. At doon ko nakumpirma ang lahat.
Malungkot ba siya?
• • •
Author’s Note:
Hi! This is my first story. I am inspired to do this because of my number one OTP. And as you can see, it’s Frerard. Sobrang mahal ko sila at gusto ko ring i-try na gumawa ng story for them. (Though ‘di naman nila mababasa. XD)
Anyways, thanks for reading this chapter. And hopefully, sana mag-comment kayo. Why? Kasi gusto kong magkaroon ng friend na Filipino fellow fan ng MCR. You know, out of place kasi ako. Nilamon na ata ng K-pop ang buong barangay namin kaya ito ako ngayon, nag-iisa. Hay. Char!
Thanks ulit!
BINABASA MO ANG
You're Not In This Alone (Frerard) | TAGALOG
Fiksi Penggemar"The first time I saw him, I saw sadness." • • • • • • • • • • Hi!!! Ito po ang ka-una-unahang story na gagawin ko. Feeling writer po ako at hindi masyadong maalam sa English. Kaya kung may mga pagkakamali man po ako, pwede niyo naman pong sabihin s...