Kung suntukan lang ang pag-uusapan, aba'y magaling ako diyan. Babae man ako sa paningin ng lahat, malakas to no. Palaban pa at walang inuurungan.Akala ng lahat, tibo ako dahil sa sobrang angas ko. Sa porma at kilos ko. Halos lahat na ata sila yun na ang tingin saakin.
May mali ba sa pagiging boyish? Sa pagiging palaban? Sa pagiging matapang at malakas?
Wala naman diba?
Kaya wala rin sigurong mali kahit na ipakita ko ang kahinaan ko. Ano nga bang kahinaan ng isang tulad ko?
Siya..
Alam niyo ba yung feeling na, isang sulyap niya lang sayo, nanlalambot ka na kaagad? Iiwas ka bigla ng tingin sakanya at ngingiti ng palihim?
Ang corny para saakin kapag sa iba ko nakikita yon pero pagdating sakanya...iba eh. Iba na yung feeling.
Paghanga...
Una palang kitang nakita, hangang-hanga na ko sayo. Hindi ka lang kasi gwapo, kundi mabait ka rin at palangiti.
Sa twing ngingiti ka, para akong tanga na mapapanganga nalang habang nakatitig sayo. Iba kasi yung ngiti mo eh, iba. Ang sarap mo lang kasing tignan habang ngumingiti ka ng ganyan.
Nakakaakit eh. Nakakapanlambot ng buong sistema.
Akala ko...
Akala ko nanaman hanggang doon lang aabot ang nararamdaman ko para sayo pero hindi pala. May mas higit pa palang nakaabang doon.
Hindi ko maitanggi eh, kasi alam ko naman na totoo 'tong nararamdaman ko para sayo.
Kaya ayun, dumating nalamang bigla sa punto na, malapit na pala tayo sa isa't isa. Nag-uusap, nagkwekwentuhan at nagtatawanan pa. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yon dahil ang bilis bilis ng mga pangyayari.
Huli ko nalang din nalaman na nahuhulog na pala ako sayo. Nakakatawa.
Ito? Ito talagang babaeng kilos lalaki na 'to? Itong babaeng sobrang palaban, inlove na pala? Talaga? Sino kayang maniniwala?
Dahil kahit ako rin, hindi ako makapaniwala na inlove na pala ako. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ang lahat.
Siguro tama nga talaga sila.
Kusa mo nalang mararamdaman yon. Wala ng pero-pero at wala ng bakit-bakit. Kapag nahulog ka, yun na yon eh.
Wala ng tanong-tanong.
Kaya naman,
Isang araw, nagtapat ka saakin. Ang sabi mo mahal mo ko. Nagulat ako non kaya nataranta ako at bigla nalamang kitang nasuntok at tumakbo paalis.
Ang bilis bilis kasi ng pintig ng puso ko at natatakot ako na baka mahimatay ako. Natatakot ako na baka bigla nalamang akong matumba sa tindi ng panginginig ng mga tuhod ko.
Pero maya-maya, ng mapagtanto ko kung anong ginawa ko, bumalik ako. Binalikan kita at nagulat nanaman ako. Dahil andon ka parin, nandon ka parin at nakaabang saakin.
Parang alam mo na kaagad na babalik ako.
Kaya naman walang alinlangan kitang niyakap noon. Niyakap kita ng napakahigpit at sinabi ko rin ang mga katagang "Mahal Kita" sayo.
Ang saya natin diba?
Kaya lang...
Bigla kang nawala.
Saan ka nga ba nagpunta? Bakit umalis ka ng walang pasabi? Bakit bigla ka nalamang hindi sumipot? Anong nangyari sayo? Sa atin?
Halos gabi-gabi akong hindi makatulog dahil sa kakaisip ng lahat ng yan. Dahil sa kakatanong ko. Bigla-bigla ka nalang kasing nawala eh. Para kang bula.
Hindi na kita sinuntok ulit diba? Bat parang nagtago ka ata?
May nagawa ba ko?
Gusto kitang sugurin sa bahay niyo at pagmumura-murahin pero hindi ko magawa. Dahil ang sabi ng kaibigan mo, umalis na kayo.
Ano yon? Kinalimutan mo na may girlfriend kang naghihintay sayo? Kinalimutan mo 'ko? Gago ka pala eh.
Ang kapal kapal ng mukha mo para gawin saakin to.
Pero kahit anong pilit kong magalit sayo hindi ko nagawa. Hindi ko parin magawa kasi mahal kita. Kasi naghihintay parin ako.
Nasaan ka na ba kasi? Anong nangyare sayo? Hindi ko maisip na magagawa mo kong iwan. Ni hindi nga natin magawang mag-away sa tagal nating magkasama tapos ngayon...
Ngayon, wala na?
Lahat ng masasayang sandali natin, nawala na lahat. Napalitan na lahat yun ng pait at masasakit na mga ala-ala.
Kaya heto ako ngayon, magulo parin ang isip dahil sa mga tanong na pilit na naglalakbay sa isip ko.
Anong nangyare saakin?
Sa palabang ako?
Sa matapang na 'to?
Lahat yan tinatanong ko pero ni isang sagot wala akong natanggap. Kahit isa lang na sagot, wala.
Parang ikaw, wala na...
Ang dami kong pinaglalaban no?
Pero ni minsan hindi mo man ako nagawang ipaglaban.

BINABASA MO ANG
Mensahe
PoesíaIba't ibang mensahe para kay ex; Mga kwentong pag-ibig. Trik-C 2017 ©