May bago ka na pala

25 0 4
                                        


Isa, Dalawa, Tatlo

Tatlong beses kitang tinanong kung mahal mo pa ba ko. Tatlong beses kong kinwesyon ang pagmamahal mo saakin.
At tatlong beses ko ding inisip kung mahal mo pa nga ba ako.

Alam kong hindi ko dapat kinukwesyon ang pagmamahal mo pero hindi ko mapigilan...ang hirap iwasan lalo na kung yun talaga ang nararamdaman ko.

Kaya naman tinanong kita kung mahal mo pa ba ako, nagulat ako ng walang alinlangan kang sumagot ng 'oo'.

Napakabilis ng pagsagot mo na para bang siguradong-sigurado ka sa nararamdaman mo. Pero ako 'tong hindi parin makapaniwala sa narinig.

Oo ang sinabi mo na dapat ikinasaya ko. Pero bakit ni katiting na galak wala akong naramdaman?

Ito ba'y senyales na pagod na ko? Na pagod na ako sa kakatanong sa aking sarili kung mahal niya pa nga ba ako?

Ang sakit lang kasi dahil wala akong makuhang sagot sa mga tanong ko. Na kahit tinanong kita, hindi parin naging sapat ang sagot mo para pawiin lahat ng tanong na bumabagabag sa aking isip.

Mahal niya daw ako pero bakit hindi ko maramdaman?

Baka nga talaga tama ako. Baka nga talaga may iba na diyan sa puso mo at isa nalamang akong balakid sainyo.

Noong una ayokong isipin at paniwalaan ang sarili ko na may bago ka na nga at kunwarian nalamang ang relasyon nating dalawa dahil masakit para saakin.

Pero eto nanaman ako, hindi ko nanaman maiwasan na isipin ang lahat ng to.

Mahal...bakit kasi hindi mo iparamdam saakin na mahal mo ko? Hanggang salita ka nalang ba? Wala ka bang gagawin?

Kasi ako mahal...kahit alam kong may iba na talagang nilalaman ang puso mo...

Pilit ko paring sinasabi sa sarili ko na, baka may pag-asa pa ko. Baka may pag-asa pa ang relasyong ito kahit na alam ko...

Kahit na alam ko na pangalawa nalamang ako sa puso mo.

Pumikit ako at huminga ng malalim atsaka ko inalala lahat ng pinagsamahan nating dalawa. Sa kung paano tayo nagsimula hanggang sa nagkalabuan na...

Tangina, ang sakit....

Bakit nga ba kasi tayo humantong sa ganito? Bakit biglang nagkalabuan na? Bakit hindi na kapani-paniwala ang mga salitang "mahal kita"?

Mahal, bakit?

Mukhang tama na siguro 'to...tama na nga ang pagpapakatanga...tama na dahil masakit na.

Ayoko ng magtanong pero huli na to...huli na talaga to. Pangako.

Ngayon, isang malaking tanong parin saakin kung mahal mo pa ba ko o kung minahal mo nga ba talaga ako.

Kaso sumagi nanaman sa isip ko ang mga katagang...

May bago ka na nga pala...

MensaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon