After that talk with Hannah medyo naiilang ako, nasa Starbucks ako ngayon mag isa tinititigan ko lng yun cellphone ko. gusto kong tawagan si Andrew at mag sorry pero ughhh! nahihiya na ako sakanya >…< mahal ko naman siya eh pero na aapektuhan parin ako kay Ralph
Okay here I go...
*Dial.Dial.Dial.Dial*
*Kriiiiiing Kriiiiing*
Dug.Dug.Dug.Dug.
Aish! Kinakabahan ako.
*Kriiiing Kriii- toooot tooot*
Ugh. binabaan ako baka nagtampo nga :'( di bale pupuntahan ko na lng sa kanilang bahay.
Andrew's POV
"Kaya sorry na kung nagalit ka man I was doing that for your own good im sorry okay? I Love You ilang beses ko na yang sinabi pero alam kong wala lng sayo ayaw kong nakikita yung mahal kong nasasaktan at nahihirapan okay?"
Di ko na natiis yung sakit nag walk out na lng ako. Tao run naman ako eh nasasaktan.
Alam ko medyo hindi ina asahan ni Claris na agad akong nanligaw sa kanya sa pangatlo naming pag kikita pero may something lng kasi kay Claris na nagustuhan ko at alam kong hahanap hanapin ko forever.
Haaaaay.. pupunta na nga lng ako sa farm. doon lng kasi ako nakakapag relax eh ay nakakahinga ng maluwag.
pagkadating ko doon ay agad akong unakyat sa roof top kung saan ko dinala si Claris dati.
Enhaaaaaaale.... Exha-
*Di ko ma intindihan ang nilalaman ng pus-*
Tiningnan ko phone ko.
Claris my love calling...
di ko alam kung bakit pero in- end call ko. Pinatay ko yung cellphone ko.
sorry pero gusto ko lng talagang mapag isa ngayon. minsan na kng nga ako magmahal parati namang bina basted at nasasaktan.
Claris' POV
kakagaling ko lng sa bahay nila Andrew pero wala daw siya doon.
Naikot ko na ang buong Davao City pero wala parin. Gabi na pero wala parin.
ehh kasi naman eh nabigla lng ako sa sinabi niya na kami daw. sorry na Andrew asan ka na ba.
Napa upo na lng ako sa gilid ng kalsada. Haaaay. Andrew saan ka ba pwedeng pumunta-a wait teka alam ko na!
Andrew's POV
I keep asking myself. Insecure na kung Insecure.
"Ano ba nakita niya sa chinitong Ralph nayun?! Di hamak na mas gwapo naman ako! Matalino naman ako ah. Maraming babaeng nagkakagusto sa akin pero ba't ganon mas gusto ko si Claris? Una pa lng kamung nag kita doon sa roof top ng mall magaan na pakiramdam ko sa kanya. Ughhh! LETCHENG BUHA-"
"Andrew"
unti unti akong lumingon.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Remember, you brought me here, sinabi mo lahat ng hinanakit mo at halos storya na ng buhay mo nung nadito tayo at sinabi mo pag may problema ka dito ka lng pumupunta. Dito ka lng nakakahinga ng maluwag."
Oo nga pala. kinilig naman ako dun. na alala niya pa pala yung mga sinabi ko dati hihihi nag abala pa siyang pumunta dito. concern ba siya? hmmm.. ang bakla ko na :'> pero biro lng haha.
"Ah" sagot ko para medyo cool at para mukang nag tamo ako. "Andrew?" tawag niya. "Hmm?" sagot ko ng di tumitingin sa kanya.
"Galit ka pa ba? Ng tampo ka ba? Ba't ka nag walk out? Sorry na please? Nabigla lng naman kasi ako eh sorry na talaga Andrew, sana mapatawad mo ako"
"Di naman ako galit eh, nag tampo oo, kasi minsan lng naman kasi ako seryoso sa babae tapos yung sineryoso ko pa ng husto yung pa yung tine-take lng ako as a joke"
"ehhj di naman kita tina-take as a joke eh. Andrew sorry na" niyugyug niya ako habang ako naka upo at pinapanood ang view. "Andrew tingnan mo naman ako oh! sorry na kasi baby"
napalingon ako sakanya. ano daw baby? yieee hahaha naks.
"Ano sabi mo?" tinitigan ko siya medyo namumula siya. Shet nag rarambulan na ang mga uod sa tiyan ko ano ba ay ang bakla.
"Wala sabi ko sorry na. please? baby" pagkasabi niya ng baby binulong niya lng pero rinig ko parin. Ako naman ata ang namumula ngayon.
"Umupo ka nga muna Claris" sabay pat ko sa space sa tabi ko. Umupo naman agad siya
"Na alala mo ganito din yung hugis ng buwan nung dinala kita dito pero hindi nga lng Blue Moon ngayon pero ganun na din yun"
"Eh?" yan lng sinabi ni Claris.
Nilingon ko siya.
Grabe ang gamda niya yung mahaba niyang buhok, makinis niyang kutis, maputi niyang balat matangos niyang ilong, mapupula niyang labi, at mala pusa niyang mga mata. Ang ganda niya.
"Alam mo ang cuuuute cute mo talaga" sabay pisil ko sa mga cheeks niya. nag smile lng siya at tiningnan din ako.
"At ikaw naman ang gwapo ma sana pero ang kulet mo lng minsan" sabi niya sa akin habang ginugulo niya buhok ko.
pagkatapos nun ay TOTAL SILENCE...
"Andrew?" sabi ni Claris
"Hmmm?"
"Ipagpatuloy mo parin ba y-yung panliligaw sa akin? After kitang sigawan kanina?" nilingon ko siya.
"Oo naman, ngayon pa ba ako mag gigive up? of course not! mahal na kita noh! it would take a million bouncer's bago ako mag give up. Bakit mo naman na tanong?"
Nag smile lng siya.
"Anong araw ngayon?" tanong niya
"uhmm, Tuesday, May 14 2013 hahaha teka bakit ba?"
"remember, June 14 2013." sabi niya
"Bakit ba?" nalilito kasi ako eh.
"Monthsary natin yan..... baby" sus yun lng naman pala eh.... teka ANO DAW?!
"Ano sabi mo? Monthsary natin? so Sinasagot mo na ako?! T-tayo na?!"
"Oo, bakit ayaw mo sge wag na nga lng" sabay talikod niya.
"U-uy! teka! ang saya ko lng kasi eh! wala ng bawian! Girlfriend na kita ah?"
"Oo nga sabi ang kulit mo tlga hahaha" hinug ko siya ng mahigpit
"Ang tagal kong hinintay to, akala ko ngayon ang pinaka ayaw kong araw pero it turns out to be the best!" nararamdaman kong nag smile siya
"I Love You" bulong ko sakanya sa gitna ng pag yayakapan namin.
"I Love You too Andrew"
--
(AN:// Sorry natagalan ng update. Na busy sa school patapos na kasi eh. Hahaha at na busy ako ng pa uli ulit na pag basa ng DNP at yung mga OST nila tapos yung trailer and everything hahaha okay. summer is almost there. konting tiis na lng)
BINABASA MO ANG
Bakit ngayon pa?
Novela JuvenilA story of a young girl named Claris Franzine Mandaya who has loved a guy for almost 4 years yet the guy doesn't seem to notice her but then one day Claris suddenly woke up and fall out of love for Ralph then along came a new transferee student, And...