1st Day

97 19 0
                                    

Annabelle's Point of View

Pagkapasok ng pagkapasok ko ng HSA (High School Academy) langhap na langhap ko yung sariwang hangin ng mga punong nakapaligid dito.

Agad namang bumungad sa akin ang mga naka kulay itim na uniporme dito.

"Welcome to High School Academy Ms. Annebelle Santiago!"
Sabay sabay nilang nakangiting sinambit.

Syempre nagulat ako noh, bigla na lang silang sumulpot sa harapan ko at ang mas nakakagulat at nakakapagtataka pa is alam nila ang buong pangalan ko!

"Ahmm m-mawalang galang na lang po, S-sino ho ba kayo? at ba't niyo alam ang buong pangalan ko?"
Mahinahon at medyo nauutal na tanong ko.

"Ms. Annabelle Santiago"
Sambit ng isang lalake na medyo may edad at parang naka uniporme ito na pang teacher.

"Ho"? Sagot ko.

"Paano naman hindi malalaman ang pangalan mo is andun lang naman sa screen yun eh" Sabay turo nito sa itaas.

Na shocked na lang ako na pagkapasok ko pala ay na identify pala nang kung anong machine jan sa gate ang Pangalan ko. Nakalimutan ko nga pala msyadong high tech na itong school na to sabi ng mommy at daddy ko

"Sorry naman po, bago lang kasi ako dito na hindi ko pa alam kung ano ho bang meron dito at kung ano po ung pasikot sikot nang school na to".
Mahinahon kong sagot.

"It's fine iha,ahmm by the way im Prof. Ralph Kong.The Deputy Principal of this school." Ika niya.

"Magandang araw nga ho pala Prof.Kong"
Bati ko sa kanya.

"Again, Welcome to High School Academy Ms.Santiago" Nakangiting sambit niya.

"Naku salamat ho, sa tingin ko magugustuhan ko po talaga rito bukod na high tech ay parang mababait pa ang mga bumubuo ng paaralan na ito."
Masayang sambit ko.

"Mas mamamangha at masisiyahan ka pa niyan kapag sumunod ka sa akin, Come on follow me and here's your ID Ms.Santiago". Pahayag nito.

"Woahhh!May Id na po ako kaagad?"Tanong ko.

"Hindi ba obvious Ms.Santiago?Gaya nga ng sabi mo masyado ng high tech itong paaralan na to kaya nung pagkapasok mo pa lang na identify agad ng machine ang identity mo at nagawa nitong agad iyang I.D mo. Paliwanag pa nito

"Obvious naman po kasi hawak ko eh"
Sabay ko pang halakhak.

"Gosh, grabe ka machine ah!Saludo ako sayo, ang dali mong nagawa ang I.D ko ah at saka ang ganda ko dito sa picture ko ah!!Thankieee." Dagdag ko pa

Nginisian niya lamang ako.

"Peace po prof. hihihi...nga pala saan niyo ba ho ako dadalhin?"medyo hiya kong tanong dahil sa inasta ko sa kanya kanina, ganun na man kasi talaga ako eh. Mahilig akomg magbiro.

"Ahh yes, I totour kita sa school at dadalhin ka kay Ms.De Luna." Paliwanag niya.

"Sige po, gusto ko yan!Maraming salamat ho."Nakangiting wika ko.

Napangisi ito at may binulong sa katabi niya.

"Ahmm Miss Santiago, ako na po ang mag bibitbit ng bagahe niyo." Nahihiyang pahayag ng isa sa mga naka kulay itim na uniporme kanina.

Tumango naman sa akin si Prof.Kong.
At binigay ko na nga din ang bagahe ko kasi pagod na rin ako bitbitin iyon.

Agad naman akong sumunod sa paglalakad ni Prof.Kong.
Habang naglalakad kami, napapansin ko ang mga malalaking building na nadadaanan ko.
Nagtataka ako na bakit ganon kataas at ganon kalaki ang mga ito, eh pili lang naman ata ang nakakapasok sa paaralan na ito.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at parang naiilang na din ako.
Normal naman siguro kasi New student ako eh.
Hindi ko mapigilan, mapanganga sa mga nakikita ko.Dahil sa sobrang gara nito.Ang gaganda ng mga mga buildings dahil puro salamin ang gawa dito.
Nakikita mo ang bawat classroom sa loob ng building dahil transparent nga ito.
Wala rin ako nakikitang hagdanan dito puro escalator at elevator lang ang gamit ng mga tao dito.
Wala na akong masabi, iba ito sa mga paaralan na pinag aralan ko dati at napasukan ko.
Ibang iba ang paaralan na ito kung ikukumpara mo sa iba.
Parang hindi ko maipaliwanag.

Someone's Point of View

"Magaling, magaling, magaling! May nakapasok na naman ba na bago? Tanong nito.

"Yes maam,and actually matalino ito at masyadong mataas ang IQ niya."

"Ilan ang IQ nito?"tanong niya ulit

"Umabot ho ito ng 145"sagot niya naman.

"Perfect!"Sabay halakhak nito.

Annabelle's Point of View

Habang naglalakad kami ni Prof. Kong.
Isa isa niyang tinuturo at pinapaliwanag ang mga nadadaanan namin.

"We have many laboraties here Ms.Santiago, itong dinadaanan natin ngayon ay isa sa mga Science Laboratory natin. May apat tayong Science Laboratory. We have Physics, Chemistry, Earth Science, at Astronomy. And itong nasa kaliwa natin ay Computer Lab, ito namang nasa kanan natin ang Music Room. Kung liliko pa tayo roon sa kaliwa ay makikita mo ang Speech Laboratory at kung makikita mo jan."Sabay turo nito na parang basement or something na pababa.

"Ne-Ne..Nevermind Ms.Santiago." Ika nito.

At ngumisi na lang ako.

"Sa bandang 3rd floor makikita mo roon and Grand Library at sa 4th floor naman ang Gym." Paliwanag nito.

Napapanganga na lang ako sa nakikita ko dito, grabe ibang iba tlga ito kung ikukumpara mo sa iba.

"Ms Santiago?"
"Ms Annabelle Santiago?"

"P-p-ppooo????" Sagot ko.
Hindi ko naman pala napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Prof.Kong dahil sa kakadaydream ko.

"Marami ka pang makikita na mas ikakamangha mo sa eskwelahan na ito, wala pa iyang mga yan lahat sa kalahati." Paliwanag nito

"By the way, halika na. Dadalhin na kita kay Ms.De Luna." Nakangising pahayag nito.

Agad naman akong sumunod kay Prof.Kong pero napaisip ako kung sino ba yang Ms.De Luna na yan.

"Sino po ba si M-Mss?"

"Malalaman mo din...." Agad namang Sambit nito.

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon