Good Luck

83 14 5
                                    

Annabelle's Point of View

Kakababa lang namin ni Prof.Kong sa elavator kasi hindi ko naman akalain na ganito kataas ang building na ito at nasa pang 10th floor pa ang Principal Office dahil andun daw si Maam De Luna.

At sa di kalayuan, nakikita ko na nga yung Principal's Office.
Malamang makikita ko talaga yun, kasi ang makikita mo dito is ung office lang.
Wala ka ibang makikita bukod sa Principal's Office kundi salamin at reflection mo lang kasi nga ang mga building dito is made of glass gaya ng sabi ko kanina.

Ng nasa harap na kami ng Glass door ng Principal's Office. Agad naman nag ayos ng kuwelyo si Prof.Kong at ganun din ako inayos ko ang sarili ko at tiningnan ang reflection ko sa salamin.

"Ms.Santiago, Be ready and Good Luck." sambit nito.

Nagtatakang napangisi ako,pero bakit?bakit ganun na lang ang sasabihin niya?ano bang meron sa principal office para sabihin sa akin ang mga katagang yon?.

And I try to push the glass door pero hindi ito nabubukas.

"It won't open." pahayag nito.
At nilagay niya ang kanyang hinlalaki sa biometric na nasa gitna ng Glass door.

At unti unti nga itong bumukas.

Pagkabukas pa lang ng pintuan, nakaramdam ako ng paglamig ng batok at pagtaas ng aking mga balahibo na ipinagtataka ko. Parang may pumipigil sa akin na pumasok doon kasi iba talaga ung feeling ko pagkabukas pa lang ng pintuan.

"Ms.Santiago?are you with me?"mukhang kinakabahan ka ah. Nagtatakang tanong nito.

"Yes sir". Sagot ko

"Once again, Be ready and Good luck. Come on, let's go." Nakangiting sambit nito.

Nauna siyang pumasok sa akin. Kinakabahan pa rin ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may mali eh.
Hindi ko na lang pinansin yung nararamdaman ko, kasi parang napaparanoid lang ako.

Napalunok na lang ako nung pagkatapak ko sa Principal's Office.
Pagkapasok ko, nakakaramdam ako ng mabigat na presensya na bumabalot sa office na to.
Mas tumindi pa ito na may naamoy ako.
Amoy kandila.

Natauhan na lang ako nang bigla akong tinawag ni Prof.Kong.

"Ms.Santiago!" Malakas niyang sambit.

Agad naman akong tumungo kung saan siya nakatayo.

"Maiwan ko na kayo, Madam De Luna andito na ho si Ms.Santiago." Saad nito at nakangising tumango ito sa akin.

Mabilis siyang nakaalis ng office ni hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya sa paghahatid sa akin dito at sa pag tour sa akin kanina.

Mabilis nang nawala sa isip ko si Prof.Kong dahil bumabagabag sa akin ang mabigat na presensiya ng office na ito.
Nakakapagtaka din hindi ko pa nakikita si Maam De Luna.Nasan ba siya?Diba dapat andito siya?
Nakaupo ako sa harap ng table habang hawak ang phone ko at lumilingon lingon din baka sakaling makikita ko si Maam De Luna kasi naiiniip na ako eh bukod sa presensiya at amoy kandila pa...

Ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ms.Annabelle Santiago right?"tanong ng isang mala anghel na boses.

Agad naman ako napahinto at nahulog ko pa ang phone ko dahil sa gulat.Naku sayang bagong bili pa naman to.

Pupulutin ko sana ito ng biglang nawala sa sahig na ipinagtataka ko.

"Stand up." Nakangiting sambit niya.
"Here." at sabay bigay ng phone ko.

Nagtataka ako na bakit anjan sa kanya ang phone ko na kakahulog lang nung nagsalita siya at nakakapagtakang nakuha niya agad.
Bukod doon is napakaganda niya, grabe para siyang barbie.Ang slim at sexy niya pa.Para siyang anghel na nahulog galing sa langit sa sobra niyang ganda.

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon