Bestfriend

52 10 0
                                    

Annabelle's Point of View

Hindi ko napansin na may ka dorm mate pa pala ako dito, yung nakita kong babae kanina na nakatayo.
Bigla kasi siyang nawala sa isip ko, dahil sa sobra ganda ng dorm na ito.
Honestly, mas magara at mas maganda pa nga ito sa mga mamahaling hotels na napasukan ko eh.

Napatigil ako ng saglit ng may nagsalita sa likod ko.
Pamilyar ang boses nito.

"Ann-ann? Ikaw ba yan?" mahinahon nitong tanong.

Shit! Kilala ko to, siya lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.

At agad agad naman akong humarap sa kanya.

"Sam-sam?." mariin kong itinanong.

Hindi na siya sumagot dahil niyakap niya na lang ako bigla.
I knew it! Siya nga, siya nga si Samantha Chavez ang childhood bestfriend ko.
Siya ang nawawalang bestfriend ko, dahil matagal na kaming hindi nagkikita simula nung lumipat kami ng bahay.
Nawalan na kasi kami ng communication after nun.

Halos maiyak iyak na siya sa kakayakap sa akin dahil alam kong namiss niya talaga ako.
Ako naman din eh namiss ko din siya ng sobra,
at nagyayakapan kami na para bang wala ng bukas.

At inalis ko naman ang pagkakayakap ko sa kanya dahil nababasa na ang damit ko sa luha niya. Hahahaha

"Sam-sam ikaw nga!!! Bestfriendd kooooo!" sigaw kong sambit sa kanya at napapaluha na din ako kasi ngayon ko lang talaga nahawakan ulit ang mataba niyang pisngi at ngayon ko lang nakita ang mukha niya, maganda nga talaga siya simula pa nung bata pa kami. At mas gumanda siya ngayon at ang kinis kinis pa. Halos hindi ko na nga siya makilala kanina eh.

"Ann-ann!!." tawag nito sa akin na umiiyak pa din.

"Sam-sam tama na yang iyak, taha na. Andito na ako oh. Ang long lost bestfriend mo." nakangiting sambit ko sa kanya dahil hindi namn ako ganung ka emotional ng parang sa kanya eh. Iyakin talaga tong si Samantha.

"Halika ann-ann ihahatid na kita sa kwarto mo para doon na natin ituloy ang pag uusap natin at pag chi chismis natin dali!" mahinahon nitong pahayag at tinulungan na ako sa pagadala ng mga gamit ko papunta sa kwarto.

"Ito ang magiging kama mo, dahil ako yung nasa kabila, plus tayo lang dalawa dito pwede tayong mag ingay as much as we want dahil soundproof naman tong dorm natin eh." sabay kindat nito.

Nilagay ko na sa kabinet ang mga bagahe ko, nilagay ko muna dito dahil tinatamad pa ako mag ligpit at hindi ko pa kabisado itong kwarto na to dahil bagong dating ko pa lamang sa dami ba namang paglagyan dito baka ma misplaced ko pa ang mga gamit ko.

Violet yung kama ko at pink naman yung kay Sam-sam. Cute at maganda ang kwarto namin plus ang dami pang stuff toys dito na nakabitay.

Water bed yung akin then yung kay sam-sam naman is folding bed. Hindi lang siya basta ordinary na folding at water bed dahil magara ito at pwede mo pang palit palitan ang theme ng bed mo basta pindutin mo lang ang red button sa gilid nito.

Then yung kisame naman is parang aquarium siya na may mga fish sa loob. Pwede mo ring palitan ang mga theme niya gaya ng moon and stars ganyan.

Hindi ka na rin mapapagod sa paggising mo ng umaga dahil hindi ka na magliligpit ng higaan mo, pindutin mo lang ang green button sa dulo ng kama mo at may mag aayos na machine para dito.

Sa laki ng room na ito, may CR din. May CR na nga sa labas, meron pa dito. Ang ganda ng dorm na ito promise maging ang CR ay pwede magpalit ng theme, ipindot mo lang ang green button malapit sa may switch at agad agad namang lilitaw ang bagong mga tiles at ibang kulay ng ilaw at marami pang iba.

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon