Observations

64 11 4
                                    

Annabelles Point of View

Paglabas ko ng Principal's Office agad naman akong nakahinga ng maluwag.

Pero napansin kong nawawala ang bagahe ko.

"Ms.Santiago, ihahatid ko na po kayo sa dorm niyo kasama itong bagahe niyo." Mahinahon niyang sambit.

Nagulat ako na nakasunod pa pala siya sa amin kanina ni Prof.Kong, bigla kasi siyang nawala sa isip ko.


Someone's Point of View

"Alam mo feeling ko makakatulong siya sa atin." Saad nito at sabay ngisi.

"Paano mo naman masisiguro iyon?" Tanong ng kasama niya.

"No more questions Miranda!Get her file now." Sigaw niyang utos.

Napangisi na lamang si Miranda at hinanap ang file.

"Perfect! Thank you." Nakangisi nitong sambit na para bang may binabalak.

"Ano ho bang gagawin niyo sa file ng batang iyan?"Mahinahon nitong tanong.

"Annabelle Rochefort Santiago, mmmhhhh." Sabay halakhak nito.

"Miranda, nais kong bantayan mo ang batang ito then ibalita mo sa akin ang mga ginagawa niya at kung ano mang naoobserbahan mo sa kanya. No more questions Miranda, just do it." Sigaw nitong pahayag.

Annabelle's Point of View

Nang nakababa na kami sa elevator ni Kuya, hahahah ni hindi ko alam ang pangalan niya eh. Ayoko ring itanong dahil baka isipin niya na interesado ako sa kanya.

"Ahmm Mr.Black alam niyo ba kung saan yung dorm ko?" Mariin kong itinanong.

"Yes Ms.Santiago, sumunod ka lang sa akin." seryosong pahayag nito.

Habang naglalakad kami papunta sa kabilang building, doon pa kasi naka locate ang dorm ko eh ang layo layo pa.

Habang naglalakad kami ni Mr.Black inoobserbahan ko ang mga nakikita ko sa paligid.

Parang hindi kasi ordinary plant ung mga halaman nila dito. Syempre bago ako dito, so pinagtitingin pa ako ng mga tao diba?

And then mahangin kasi, so dapat kung saan unihip yung hangin doon sasabay ung katawan ng mga halaman pero parang hindi kasi eh. Habang dinadaanan ko sila, yung mga katawan naman nila sumasabay din sa pagdaan ko, alam mo yung feeling na may tumitingin sayo na hindi mo alam? Ang creepy ng feeling ko habang dinadaanan ang mga garden dito. Tapos  kung lilingon naman ako o kung titingnan ko yung mga halaman, maayos naman, naka talikod naman sila sa akin.Pero feeling ko pag naka talikod ako may mga matang nakatingin talaga sa akin...Ang creepy diba? Hindi ko ma explain eh, sa tingin ko hindi naman ako paranoid. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko.

May mga nakikita ako sa peripheral vision ko na parang may mga manikang nakangiti sa akin, mga halaman na naglalakad, mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Natatakot na ako pero hindi ko ito pinapakita. Alam kong may third eye ako pero iba ito sa mga nakita ko. Ang lakas ng negative energy dito especially sa Principal's Office.
I know, this is not just an Ordinary School, isipin mo yun may Curse night?woaahh ano yun trip nila? para takutin ang mga estudyante dito?then kung bagsak ka, mamatay ka or else ikaw ang papatay or itatake mo yung Curse test na yun?ha?nahihilo talaga ako sa mga patakaran ng school na ito.

Ng nasa escalator na kami ni Mr.Black bigla siyang nagsalita, hindi kasi kami umiimik kanina pa. Ako kasi nag iisip ng kung ano anong bagay at nang mga nararamdamam ko.

"Uhmm Ms.Santiago?" Mahinahon nitong tanong.

"Yes? Bakit po?" tanong ko.

"Ah-aah-ahmmm wala ho,wala po nevermind basta mag mag iingat na lang kayo at Good Luck po sa napasukan niyong eskwelahan, sana hindi kayo magsisisi." Medyo nahihiya nitong sagot.

"Okay if you say so at bakit mo ba yan sinasabi sa akin ha? pereho lang kayo ni Prof.Kong eh , uhmm by the way pwedeng magtanong? Tanong ko.

Medyo naghihinayang at medyo kinakabahan siya sa sasagutin niya.

"S-si-sige po." nauutal niyong sambit.

"Anong meron sa eskwelahan na ito? Nung sinabi sa akin ni Maam Ana ang mga rules ng school na ito, nagulat ako at natakot. Bakit may curse night?at ano ba yang curse test na yan. Please be honest, dahil hindi ko talaga naiintindihan eh." Naguguluhan kong tanong.

"Ms.Santiago, malalaman at ng malalaman niyo din ang mga sagot sa tanong niyo, kung magtatagal kayo rito. Habang tumatagal, mas maiintindihan mo ang mga rules na yan." Paliwanag nito.

"At Kung magtatagal ka pa." Dagdag nito.

Napatahimik na lang ako sa kanyang mga sinabi. Parang hindi na siya ang lalakeng kasabay ko kanina, makikita mo sa mukha niya na natutuwa pa siya sa mga sinasabi niya sa akin.Bakit ba ganon?hindi ko talaga naiintindihan. At maslalong hinding hindi ko kayang pumatay na tao.

Habang naglalakad kami sa hallway, natatakot na ako dahil tumatawa siya ng mag isa at ng walang dahilan.

"Mr. Black, ano hong nakakatawa?" natatakot kong tanong.

"Talaga bang hindi mo kayang pumatay Ms. Santiago?" sabay halakhak nito.

Nagulat ako sa kanyang mga sinasabi.
Whattt???nababasa niya ba kung anong iniisip ko? Ayoko na, gusto ko ng umalis! Kinikilabutan na talaga ako sa eskwelahan na to.

"No, no, no, no, no Ms.Santiago, hindi ka pwedeng umali kailangan ka nila."

Nagugulat na talaga ako sa mga sinasabi niya.
Nababasa niya ba ang isip ko?

Magsasalita pa sana ako ng binigay niya na sa akin ang key ng dorm ko. Tumalikod ako para buksan ito.

"Pumasok ka na, may isa kang ka dorm mate diyan. Once again Ms. Santiago, Good Luck and Take care." Nakangising sambit nito.

Humarap ako sa kanya at tumambad nalang sa akin ang bagahe ko.
Wala na akong taong nakita, mag isa ko na lamang nakatayo dito.

Nanginginig na ako sa sobrang takot.
Kinuha ko na ang mga bagahe ko at agad agad akong kumatok sa pintuan.

Nagtataka ako na wala pa rin nagbubukas ng pinto, natatakot na talaga ako.

Pawis na pawis na ako at sige pa rin ako sa pagkatok sa pintuan kahit walang bumubukas nito.

May nakita akong biometric sa gilid ng pintuan.
Agad ko na mang nilagay ang hinlalaki ko doon.

At halos mapatalon ako sa tuwa, ng nakita kong nabuksan na ang pintuan.

Kinuha ko ang bagahe ko at pumasok na ako sa loob at sinirado ko na agad ang pintuan.

Nakahinga na ako ng maluwag dahil andito na ako sa dorm ko.
Feeling ko safe na ako sa mga nakikita ko at naririnig ko sa labas.

Napatigil na lang na may nagsalita sa likod ko, oo nga pala may isa pala akong ka dorm mate dito.
Agad naman akong humarap sa kanya.

Nagulat ako as in, sobra akong nagulat.
Hindi ako nagulat sa taong nasa harap ko ngayon kundi nagulat ako sa dorm na ito.

Inikot ko ang mata ko sa paligid.
Sobrang gara at sobrang ganda ng dorm na ito.
Wala ng mas gaganda pa sa room na ito.
Talo pa nito ang mga mamahaling hotel dahil sa gara.
Tumakbo ako ng tumakbo para libutin ang buong dorm na ito.
Nakakita ako ng music room na halos lahat ng instruments ay andun na.
May study room din
At maslalo akong natuwa ng nakita ko ang mini pool sa terrace nito.

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon