Class A- Sapphire

73 9 0
                                    

Ginising na ako si Samantha para mag amusal kasi unang araw ng pasukan ngayon eh.

Natapos na rin kaming naligo at sinuot na namin ang sari sarili naming uniporme.

Suot ko ang white long sleeves at mini skirt.
I must say na cute ang uniform nila pero masyadong maiksi ang skirt eh, hindi kasi ako sanay mag suot ng mga maiiksi. Feeling ko binabastos ako ng mga lalakeng nadadaanan ko.

"It fits to you, you look prettier." puri nito sa suot kong uniporme.

"Talaga ba sam-sam? Ang iksi iksi ng mini skirt eh." naiinis kong sambit.

"Hay nako, malamang kaya nga maiksi kasi nga mini skirt. Gets? Pilosopo nitong sagot.

"Pero maganda naman diba, sabi mo bagay sa akin eh?" pabebe kong pahayag.

"Yes of course, ang cute cute mong tingnan sa uniform natin samantha!" nakangiti nitong sagot at sabay pisil sa pisngi ko.

Naglagay si Samantha ng lip gloss at blush sa mukha niya.
While ako naman, nag iisip pa kung anong ilalagay ko sa mukha ko at anong hairstyle ang gagawin ko aking buhok.

Napatingin sa akin si Sam-sam.
Sinisenyasan niya ako na mag ayos na ako ng sarili ko kasi ni isa wala pa akong ginagawa sa mukha ko at buhok ko.

Napangisi ako bigla at tiningnan ang kabinet ko.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kabinet ko para hanapin ang make up kit.
Ngayon ko lang naalala na marami pala akong make up na dala hahahaha.

Humarap ako kaagad sa salamin at naglagay na ng pulbo sa mukha ko.
Then naglagay ako lip shiner, at naglagay ako ng konting blush sa cheeks ko.
Lastly, naglagay din ako ng maskara.
Naisipan kong magpaganda dahil first day of school eh. Gusto ko ung first impression sa akin is presentable, neat, and of course maganda.

Humarap ako kay Samantha at ngumiti.

"Woahh, ang ganda mo at ang cute mo pa Ann-ann. Para kang barbie." puri nito.

Napangiti na lang ako sa kanya at kinuha na namin ang sari sariling naming mga gamit.

"Oh, baka makalimutan mo ang I.D mo ann-ann. Dapat lagi mong dala ang I.D mo dito, basta lalabas ka ng dorm." Paalala pa nito.

"Ayyy thank u Sam-sam." sabay suot ko sa I.D ko.

"Ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko oh, siguradong paguguluhan ka ng mga boys sa labas, Good luck nalang ann-ann ko." sabay kindat pa nito.

"Hoy! Ms. Samantha Chavez mas maganda ka po at cute ka. I mean same lang tayo hahaha para fair okay?" nakatawang pahayag ko.

"Syempre naman same lang tayo Ms. Annabelle Santiago." nakangiting saad nito.

Ngumiti nalang ako sa kanya at kinuha na ang school bag ko, hindi na man ito masyadong malaki dahil wala pa naman binigay sa akin ang mga books eh.

"Teka, teka ano yang dala mo?" tanong nito.

"Eh di bag ano pa ba?" pilosopo kong sagot.

"Naku, naku girl. Hindi mo kailangan ng ganyang ka daming gamit dito." mariin nitong pahayag.

"Anong hindi? Estudyante tayo noh at kailangan natin ng mga notebooks at pens!!" nagtataka kong sambit.

"Hay basta. Iwanan mo na yan dito sa dorm at kumuha ka lang ng isang notebook at isang pen o magdala ka na lang ng binder,mas mabuti pa." saad nito.

"Bilissss, malalate na tayo uy. Hinding hindi ka magsisisi sa mga sinasabi ko promise!" dagdag pa nito.

"Fine, fine, fine." nakangising sagot ko.

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon