Nothing

102 5 0
                                    

Nang nakalabas na ako ng room, agad naman ako hinawakan ni Maam Belle sa braso, naiilang talaga ako eh kasi ka ba bago ko pa lang dito eh may ka close na akong teacher kaagad?huwow? Hahaha dahil ba sa palangiti ako?

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito sa HSA, nakikita ko sa mukha nila ang pagtataka.

"Diba newbie yan?" saad ng isang babae na nadaanan ko.

"Yes, parang sipsip sa teacher right?" sagot pa nito.

"Imposible, eh wala ngang nakakalapit sa teacher na yan eh. Once na nagtanong ako kay Maam Belle yung about sa project natin, alam mo ba tinapon niya lang sa akin ang libro nito at tinalikuran niya pa ako. Kung ako sayo, never ever na ako lalapit sa teacher na yan. Mapapahiya ka lang bes." rinig ko sa isang babae.

Nginingitian ko na lamang ang dinadaanan namin, nagkunwari na lang ako na walang naririnig mula sa kanila. Hindi naman kasi ako affected eh hahahaha.

Baka sadyang gusto lang ako ni Maam Belle hahahaha.
Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagtataka. Kahit hindi na nila sabihin. Naoobserbahan ko, wala nga talagang pakialam si Maam kahit first honor pa yang nasa harap niya. She don't care, kung malakas ang loob mo kausapin siya. Sigurado akong mapapahiya ka lang.

Napatigil ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko at agad naman akong lumingon.

"Miss Annabeleeeeeee!!" sigaw ng Isang lalake

"Yes? Anong kailangan mo? At kinakailangan mo pa ba talagang sumigaw ha!?" Inis kong sambit.

"Witweeewwwww, chix oh. Yummy bro." sabi nito sa kasama niya.

"Babe, mamayang gabi ah? Sige na, magpapakasarap lang naman tayo. Malapit lang naman ang dorm ko, doon oh." sabay turo pa nito sa Dorm ng mga Boys.

Sabay labas dila pa nito at kindat. Shit! Si Matt pala to, yung classmate kong bastos sa teacher at maging sa lahat pala. Sabi na nga ni maam, wait for your next subject pero siya? Mag cucutting class ata to.

"Mr. Matteo Enriquez!" sigaw ni Maam belle.

At aktong sasampalin ko pa sana siya ng biglang hinila ako ni Maam Belle palayo at lumapit siya kay Matt. At siya na mismo sumampal dito, hindi lang isa kundi dalawang sampal sa dalawang magkabilang pisngi nito.

Nagulat lahat ng estudyante dito sa ginawa ni Maam Belle at maging ako ay nagulat din. Totoo nga talagang iba magalit si Maam Belle.

"Galawin mo na ang lahat ng babae dito, wag lang ang kasama ko ngayon. Magsisisi ka sa ginawa mo ngayon, tandaan mo yan. Good luck." nakangising sambit ni Maam Belle.

Halos lumuhod na si Matt para humingi ng tawad sa akin, pero sinipa lang siya ni Maam Belle. Kawawa naman. Paano kasi, ang bastos masyado.

Hinila na lang ako bigla ni Maam Belle palayo dito kasi pinag titinginan na kami ng lahat eh.

Agad naman kaming sumakay sa elevator.

Nakikita ko sa mukha niya ang inis.

"Uhmm Maam Belle? Salamat po sa ginawa niyo ah pero hindi mo na man kailangan saktan ng ganon yung tao eh, kawawa naman po kasi eh." mahinahon kong saad.

"Mmmhhh Miss Annabelle, hindi mo kilala si Matt. Hinding hindi siya titigil pag hindi niya nakukuha ang gusto niya. Sa tingin ko kasi parang kunsanada ka niya eh. At isa pa Miss Ann, manyak ang batang yon. Matagal na siya dito, kaya kilala ko na siya." nakangiting paliwanag nito.

"Ahh okay po, salamat nalang ulit Miss Belle ah. And saan ho ba tayo pupunta?." nagtataka kong tanong.

"Principal's Office." Sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon