8 - Smile
Tulala at nanlulumo, ‘yan ang nararamdaman ko ngayon matapos akong iwan ni Ace dito sa Cafeteria. Ikaw ba naman ang alukin ng libre tapos malalaman mong pera mo din pala yung pinang gastos. Buti na lang mura lang yung pinabili ko.
Kahit na masakit, kahit na mahirap, unti-unti kong binukbuksan ang wallet ko upang makita kung magkano ang nagastos ng mokong.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko ang loob ng wallet ko.
Wala…
Walang nabawas sap era ko. Pero nadagdagan.
Nadagdagan ng picture n’ya. Napangiti ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero biglang nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan ko nang makita ko ang picture n’ya.
Hindi ko alam kung kalian kinuha itong picture na ‘to, pero isa lang ang nasisisgurado ko. Masaya s’ya sa larawan na ito.
Loko talaga yung Ace na ‘yun! Pwede naman n’ya amining s’ya yung bayad, pero bakit pinasasama n’ya ang image n’ya sa akin?
Kung kaya naman pala n’yang mag mabait sa akin eh bakit hindi pa n’ya magawa ng harapan? Ang Weird talaga n’ya.
Heto na naman ako papasok sa school. At wala naman akong inaasahang bago bukod sa mga bagong ‘issue’ tungkol sa KKK. Na lahat naman yata ng activities ng KKK updated sila. Buti na lang hindi ako nasasali sa kalohan ng Club na ‘yon.
Pagkapasok ko sa school ground ay nakita ko na nga ang inaasahan kong mga pangyayari – everyday usual activities ng mga Club every morning. Malapit na ako sa spot ng ‘KKK’ Fans’ Club pero wala akong natanaw na ni isang miyembro.
Nakita ko na lang sa bulletin board nila na “KKK, fans’ conference, today, 4:00PM.” Huh? Si Ace? May pa conference sa mga fans? Social naman n’ya. Minsan talaga napapai-isip ako, baka naman bakla ‘tong si Ace? Ang arte-arte na tapos ngayong may conference pang nalalaman. Anu ‘yon? May aaminin o lilinawin lang s’ya sa publiko?
Then it hits me. He had an issue about his picture hugging a girl. It might not that be serious to normal people, but hey! Wake up Yessa! People in this school are definitely NOT normal.
I mentally slap myself as my conscience said so. What if he is going to reveal me as the girl in the locker room?
I finished my classes, feeling like my head is flying somewhere in the sky, waiting for an airplane to wake me up from my drowning daydream. I can’t tell what Ace is about to do. Maghapon s’yang hindi pumasok. Kaya naman hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapusap s’ya.
Hindi ko alam kun bakit pero parang may nag-uudyok sa akin na pumunta sa conference. At dahil nga curiosity killed the cat. Mabilis akong naglakad papalabas ng classroom para pumunta sa Conference room. Na malamang doon magaganap ang nasabing fans’ conference.
3:30 na, at halos 10 mins na akong paikut-ikot dito sa campus pero hindi ko pa rin makita ang conference room. Akmang kukunin ko ang cellphone ko sa bulsa para tanungin si Jessica kung saan ang lugar na ‘yon.
Hindi ko na nagawa ang dapat kong gawin nang may marinig akong tilian mula sa taas ng building na kinaroroonan ko, which just gave me an idea of the conference room’s whereabouts.

BINABASA MO ANG
Missing Sanity
Teen FictionShe's still normal when she left her country. She returned still the same but improved normal girl she is. As she returns, she found a place where there seem to be a very contagious epidemic disease called INSANITY. Will she become one of those affe...