6 - Mournful Morning

63 3 0
                                        

I didn't check the whole chapter so if forgive me in advance if there are any typos.

And please do correct the mistakes. 

happy reading everyone!

6 – Mournful Morning

Pagpasok  ko ng campus, gaya ng dati bubungad sa ‘yo ang mga estudyanteng pinagmumukhang mental ang paaralan na ‘to. Hndi na ako nagugulat sag a pangyayari na ‘to dahil ilang araw na din ang nakalilipas.

Akala ko lang pala ‘yon. Nang matanaw ko ang pwesto ng KKK Fans’ Club.

Lahat sila naka-itim. May nakasandal sa pader habang inuuntog ang ulo, may imuiiyak tapos biglang tatawa, may sinasabunutan ang sarili, may halatang nagpipigil ng luha, may magkayakap na parang nagdadamayan, at ang pinakamalala.

“Uuuuwwwaaaaaah!!! *sob sob sob* si-no ba s’ya?! *pahid ng sipon* ” Gumulong sa lupa. Huminto ng nakadapa. Nagtantrums na parang baliw!

“OOwwwm! Mwaa—ayy Gaasssh!” Hindi na s’ya makapagsalita ng maayos sa sobrang haguhol. (-.-‘) Anong kalokohan na naman ba ‘to ng KKK?

“I can’t take the pain anymore! I am dying!”

“I feel like stabbed straight through my heart whenever I see this picture.” Sabi nung isang fan na mahinhin.

 Tumungtong naman sa mini stage yung isang parang leader ng club na may hawak ng mega phone. “Calm down everybody! Especially those Kycelicious!” Kycelicious?!

“How can we calm down when our Kyce is settling down with a girl we don’t even know if he deserves?” tutol ng isang mangiyak-ngiyak na girl.

“I know, but we have to respect his decisions and private life.” Wow hah! Sa lahat ng stolen pictures ng tatlong K ang nakapaskil sa bulletin board nila araw-araw ngayon pa nila sasabihing  respect decisions and private life?

“If he’s happy then we should be happy for him too.” Paliwanag ni leader girl sabay ngiti ng napakapakla.

“But what if he isn’t?! What if—“

“Whatever happens we will still be here for him; for all of them.”

Yung totoo? Anong meron!? Kinakabahan na ako sa nangyayari. Hindi ko na kaya, kaya lalapit na ako sa bulletin nila. Nandon naman palagi yung mga balita sa KKK.

( ‘’’ OДO)

Sa picture,

 si Ace,

 nasa locker room,

may kayakap na babae pero hindi nakikita yung babae kasi nahaharangan ni Ace.

Sa gilid nila may gagamba.

“Ah-ah Miss?” Tumingin yung katabi ko sa ‘kin. “Sinong  naglagay ng picture na ‘yan dito?”

“Hindi ko din alam, basta pag dating naming nakadikit na ‘yan dyan.” Hindi ko na kinakaya ang stress na nararamdaman ko. Before I knew it nakaluhod na pala ako. Nanginginig ang buong katawan ko sa kahihiyan.

Hindi ko na kailangan titigan ng mabuti kung sino yung kayakap n’ya sa letrato. Dahil AKO yung kasama nya sa letrato!

Umupo naman yung pinagtanungan ko kanina sa tabi ko. “Alam mo nagulat din kami nang makita naming ‘yan.”  Ay oo nga,  sa sobrang gulat ginawa nyo nang burol itong school!

Missing SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon