7 - Spy Mode

72 3 0
                                        

Dedicated to QueenOfChains, and I want to tell her that do not hesitatee to ditch your Physics class if watching us in our PE class is the purpose, and bring Ysabel. xD 

HAPPY READING INSANE PEOPLE! :*

7 – Spy Mode

Mga 30 minutes na ang nakakalipas nang magwalk out si Ace kanina sa cafeteria. Sa madaling salita, super late na s’ya sa subject namin ngayon. Si Jessica at Mike nasa kani-kanilang klase na. Papasok pa kaya s’ya? San kaya yun nag punta? Ipagsusulat ko ba s’ya ng  notes?

TEKA, bakit ko ba iniisip yung lalaking yon? Hmp! Bahala s’ya sa buhay n’ya! Bilang isang estudyante resposiblidad n’ya na maghagilap ng sarili n’yang  notes!

Don’t get me wrong! It’s not that I like him, it’s just that I’m concern? No, no, no, 'concern' is an overstatement. How do I say this, ahh.. guilty, yes, I’m guilty of forgetting the promise. That is all, no more, no less.

Soooo, the love birds are planning to investigate the hugging incident in the locker room, which involves me and Ace.

Kailangan ko silang maunahan! Hindi pa ako handa kung mangyari man na malaman nlang ako ang mystery girl in the locker.

I must do something!

Naglalakad ako around school garden dahil alam kong mahilig si Jess sa mga halaman, at ang garden ay maraming halaman. Dito din madalas magtagpuan ng ang mag-Bab.

Walang anu-ano’y may narinig akong boses ng lalaki. “Ready na ba ang lahat ng kailangan natin?” Narinig kong bulong behind the bushes.

At hindi pa nagtatapos d’yan ang bulong. “Oo, natawagan ko na, yung security ng school. Payag na silang ipakita sa atin ang CCTV footage nung mga oras na bago matuklasan ang letrato sa bulletin board.” Boses babae naman ito.

Letrato? Bulletin Board? CCTV footage?

Nagtago ako malapit na halaman at nanatiling tahimik para marinig ang bulungan.

Nagtanong pa yung boses ng babae. “Oh ano tapos na ba ‘yang pagte-trace mo kung sino yung nagpost no’n sa google?” Huh? Google?  Sa google nag-mula yung picure?!

“Hindi teka malapit na..” Sabi ng boses lalaki. “Kanina ka pa teka ng teka ah? Ang tagal naman n’yan!” Medyo napalakas na yung boses ng babae.

O.o Boses ni Jessica?

So tama nga ako, nandito ang love birds at nagpaplano na sila kung paano nila matetrace ang pinagmulan ng letrato para maituro sa kanila kung sila ang mystery girl. (-.-‘)

Am I just claiming myself as a mystery girl?

Nagisig ako sa muni-muni ko nang magmagsalita na naman.

“Sino kasi ang may sabi sa ‘yo na sumingit ka dito sa laptop ko at maya’t maya i-check kung may nagpadala na sa ‘yo ng buhay sa candy crush hah?” Yung boses ng lalaki na obviously kay Mike.

“Sino din kasi ang may sabi sa ‘yo na ubusin mo yung buhay ng candy crush ko?” Reklamo pabalik ni Jess. Seriously? Dahil lang sa candy crush? Mag-aaway talaga sila?

Narinig kong nag-sign si Mike.  “Ano ba Bab! Hindi na ‘yan mahalaga! Ibibili na lang kita ng buhay mamaya!” sa pagkakataong ito si Jess naman ang nag-sign. “Promise mo ‘yan hah?” Sabi ni Jess. Sa tono ng boses n’ya ang parang naka-pout s’ya.

 “Bab, bab! Tingnan mo! Process completed na! Tingnan mo na dali!” Masiglang sabi ni Jess. Pagtapos magsalita ni Jess ay wala akong ibang narinig kung di ang tunog ng mabilis na nagta-type.  Ang tahimik, parang napaseryoso nila.

Missing SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon