Chapter 3 <3 New Bestfriends

74 4 0
                                    

Stephanie's POV

Grabe ang sakit lang ng ulo ko ngayon. Napag-isipan ko na I'll accept it yung offer na bigay ng bakulaw na yun, kisa naman mawala ang company namin.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school mamaya ko na lang siguro siya pupuntahan per teka papalapit siya sakin kaya naman pala ang ingay eh puro sigawan na lang ng mga clown na toh.

"Ano Ugly Girl nakapagdecide ka na ba?" etong bakulaw na toh, napakaangas at yung boses niya nagmamayabang pa! Pasalamat ka kaylangan kita.

"Oo nakapagdecide na ko" tama kaya tong disisyon ko?

"So anong choice mo? Hindi ako dapat pinaghihintay dahil gwapo ako" Ano connect? Yabang talaga nito!

"Maghintay ka ikaw may kaylangan diba?" haha maasar nga tong ungas na to yabang eh

"At sinong nagsabi sayo na pwede akong paghintayin?" May pagbabanta sa boses niya at yung mga clowns sa paligid nagbubulungan na ulit 

"Ako bakit may problema ba?" tinaasan ko siya ng kilay haha

"Oo meron eto oh!" sabay dikit ng papel sa noo ko ano ba kasing ibig sabihin ng papel na to?!

'Magkikita ulit tayo at pagbabayaran mo to'

Malamang magkikita pa tayo sasabihin ko pa kaya yung sagot sa offer mo ta saka nasa iisang school po tayo! Bobo talaga nun

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mabilis na tapos ang klase namin para sa araw na to

Grabe sobrang nakakapagod. Actually wala naman talagang ginawa ngayon kasi yung mga prof. namin pumasok lang para makipagdaldalan sa mga studyante niya. Teka pano naging nakakapagod yun? haha engot ko talaga haha

Kasalukuyan akong naglalakad kasama si Caitlyne. Grabe ang daldal niya ganto pala siya kadaldal kasi naman naging close na rin kami eh. Remember siya yung una kong nakilala dito.

"Steph, nagmamadali ka bang umuwi ngayon?" biglang tanong ni Caitlyne

"Hindi naman. Bakit mo na tanong?" nagtataka kong tanong sa kanya 

"Kasi gusto nasa kitang ipakilala sa mga bestfriends ko and gusto ka rin naman nila makilala eh" Ala kinakabahan ako baka di nila ko magustuhan eh lahat naman tayo ganun kapag ipapakilala ka sa friends ng kaibigan mo diba?

"S-sure ka t-talaga? k-kinakabahan kasi ako eh" Aish di ko na mapigilang hindi magstammer sa sobrang kaba ko

" Ano ka ba? Wag ka ngang kabahan di naman sila na ngangain ng tao eh haha. Wala kang dapat ikakaba" Pag papawala niya ng kaba sakin at nakuha pang magbiro to talaga oh.

"At nakuha mo pa talagang magbiro eh noh?" pagsusungit ko sa kanya

"Tch. Ginawa ko lang naman yun para matawa ka at mawala yung kaba mo eh *pout*' haha imbis na magsungit pa ko eh natawa na lang ako eh ang cute niya kaya haha

"Joke lang eh. Hahaha ang cute mo." sabay pisil ko sa pisngi niya

Ouch ah?! Masyado kang nacucutan sakin" di parin siya tumitigil sa pagpout niya habang hinihimas yung dalawang pisngi niya kinurot ko. haha ang cute niya talaga

"Sige magpout ka pa! Pipisilin ko ulit yang pisngi mo!" pananakot ko haha. Good thing tumigil na siya sa kakapout niya haha ang cute niya kasi eh.

"Tara na nga! Kanina pa sila naghihintay satin sa baba." sabay hila niya sakin pababa.

"Wait lang teh! Baka malaglag ako sa hagdanan" eh pano ba naman kasi bumababa kami ng hagdanan habang tumatakbo kami at hatak hatak niya pa ko.

"Bilisan mo kasi! Dalagang pilipina lang teh?" Grabe dalagang pilipina na kagad pag mabagal? Tch

Pagkababa namin di parin niya ko tinitigilan kakahatak niya sakin tapos biglang tumakbo kaya napatakbo na rin ako. Natanaw ko yung limang babaeng inaabangan kami sila na kaya yun?

"Hi mga best! I want you to meet my new bestfriend Stephanie Beatriss Lee, Steph I want you to meet my bestfriends, Katie Fernandez, Daisy Alcantara, Katrisse Villarosa and Christina Salvatore.Nakangiti niyang pagpapakilala sakin at pagpapakilala niya sa mga bestfriend niya. Shet nahihiya ako.

"Hi! Nice to meet you all" nahihiya kong sabi sa kanila with smile pa yan guys haha

" Oh so you are Stephanie. Nice to meet you din!" haay akala ko tatarayan niya ko yung unang line kasi ng sinabi niya parang tatarayan niya ako eh. Ano nga bang name nito? oh natandaan ko na Katrisse ang name niya haha muntik ko ng makalimutan

"Nice to meet you Stephanie" sabi nung Daisy, Christina and katie sakin and nagsmile din sila haha ang gaganda nila ako lang ata pangit dito eh

"Steph na lang po ang itawag niyo sakin para mas maikli and nickname ko naman po yun eh" nakayuko kong sabi sa kanila

"Oh Steph don't be shy. Magiging part ka na naman ng group namin eh and magiging magbebestfriends na tayong anim simula ngayon. nakangiti pa rin siya haha ganda niya talaga. pero ako bestfriend na nila? bilis naman pero okay na yon para may bestfriends na ko dito sa school na to.

"Talaga?! Grabe thank you talaga dahil sinama niyo ko sa group niyo!" grabe sobrang saya ko talaga ngayon.

"Oo naman" sabi nilang lahat

"Magcelebrate kaya tayo ngayon what do you think? To celebrate para bagong member ng group natin." suggest ni Caitlyne

"Oo nga noh? Sure game ako dyan!" sabi nilang lahat

"Guys may na iwan ako sa locker pwede ko bang kunin ko muna yung na iwan ko bago tayo umalis?" tanong ko sa kanila

"Sure! gusto mo bang samahan ka namin?" sabi ni Daisy

"Wag na lang. Promise sandali lang ako" sabi ko sa kanila nakakahiya kaya kung magpapasama pa ko kung kaya ko naman diba?

" Sige sabi mo eh. Mauna na kami hintayin ka na lang namin sa Mall. Text mo lang si Cautlyne" sabi ni Christina. May number naman kasi ako ni Caitlyne eh

"Sige!" then tumakbo na ko papunta sa locker ko. Bakit ko ba kasi na iwan yung libro kong binabasa dun kaasar naman oh!

Ay oo nga pala sasabihin ko pa kay Drake yung sagot ko tungkol dun sa offer niya sakin kahapon pero hindi ko pa siya ulit nakita, kaninang umaga lang yung huling pagkikita namin eh san na kaya yun? Aish! bakit ko ba siya hahanapin ngayon para lang sa sagot na yun kung pwede naman bukas? Di ko naman siguro siya namimiss noh? Ayt! bala na nga siya sa buhay niya!

Papunta na ko sa parking lot at nakuha ko na rin yung libro ko ng mapadaan ako sa room ng Lions...

Ano ba kasing meron sa loob ng room na yan? Nakakacurious lang talaga.

Paalis na ko ng mapansin kong nakaawang ng konti yung pinto kaya sinilip ko, sandali lang naman eh.

*silip*  parang wala namang tao dito eh kaya sumandal lang ako ng konti

*BOOGSH*

WHAT THE F*CK!!! 

----------------------------------------------------------------------------

A/N: Guys ano sa tingin niyong nangyari kay Steph? Sisilip pa kasi eh yan tuloy haha

Ang tagal ko ba mag-UD? Sorry nagkaproblema kasi eh sana maintindihan niyo ko. Salamat:)

Hi kay Your_Ideal_Girl!!! MIss na kita best!

The Long Lost Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon