Chapter 14 <3 Oh No!

47 4 0
                                    

Stephanie's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng magkaayos kaming lahat, nagkabati na rin kami ni Caitlyne. Hindi niya na daw kasi kaya, ang akala niya daw susuyuin ko siya hindi pala kaya, nagpaubaya na siya.

Sa isang linggo marami rin ang nangyari. Umalis na si Mom pabalik ng Korea para tulungan si Dad sa company, nalaman ko rin na tinupad ni Drake ang deal namin. Bumabangon na ang company namin.

Sa tingin ko may gusto na din sina Charlie at Christy sa isa't-isa pero indenial pa. Palagi silang nagpapansinan ng ikinikilos ng isa't-isa. Hindi lang siguro nila maamin na may gusto sila sa isa't-isa. How I wish na marealize na nila na nila.

Naging mas sweet na din kami ni Drake, dahil na rin siguro hindi na kami na aw-awkward. Nakasanayan ko na ring palaging kasama si Drake. Palagi kaming nagho-holding hands pero hindi pa rin ako sanay. Buti nga hindi pa niya naisipang ikiss ako eh.

Si Kevin naman balak ko ng patawarin. Hindi man inamin ni Dad na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay alam kong nagsisinungaling siya. Kilala ko ang Dad ko, kaya alam ko kung nagsisinungaling siya at pinaimbistigahan ko rin naman eh at lumabas ngang totoo ang sinasabi ni Kevin. Kahit alam kong nagsisinungaling si Dad at alam ko ring siya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Kevin, hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Ama ko pa rin naman siya eh, pagbalik-baliktarin man ang mundo tatay ko pa rin siya. Tapos na yon at nakamove on na rin naman ako pero si Kevin mahal niya pa rin ako.

Nandito kami ngayon sa classroom, nagtuturo ngayon ang prof. namin pero wala akong naiintindihan. Lutang ako pero hindi ko alam kung bakit. Tsaka sino makakapagfocus kung kaholding hands mo ang Heartthrob ng Stanford University na si Drake Clifford Ramirez?

Rrrriiiiinnnngggg!!!

Yehey! Uwian na! Nag-aayos na ko ng gamit ko at ready ng umuwi. Miss na miss ko na ang malambot kong kama.

"Babe..." si Drake yan siya lang naman tumatawag sakin ng ganyan eh -_-

Nakalimutan kong sabihin sa inyo, tinatawag ako ni Drake sa iba't-ibang endearment para daw sweet sa harap ng ibang tao. Ayoko nga eh kaso wala kong magagawa, papayag daw ba ko o hindi niya na tutulungan ang company namin. Syempre pumayag na ko, sayang naman yung tiniis ko nung una pa lang no? Kaa makikiride in na lang ako.

"Yes Babe?" with smile na pacute yan haha.

"Hatid na kita. Hindi pa naman bumabalik driver mo diba?"

Yeah he's right wala kong driver ngayon, nakiusap kasi siya sakin kung pwede siya magbakasyon kaya pinayagan ko, kawawa naman si manong eh matagal niya ng hindi nakikita ang pamilya niya.

Marunong naman ako magdrive eh, tinuruan pa nga ko ni Dad dati. Pero 17 years old lang ako kahit may car ako ayaw ni Dad na gamitin dahil illegal magdrive ng hindi ka pa 18. Mas matanda sakin ng ilang months si Drake kaya nakakapagdrive na siya at dahil may license na siya. Wala lang talaga kong driver nung first day sa school kasi kakauwi lang namin ni Mom at wala pa silang nahahanap na driver kaya nagdrive ako. No choice eh.

"Yeah" cool kong sagot. Ngumiti na lang din siya sakin

Paalis na kami ni Drake sa classroom ng makita ko si Kevin na nakatingin samin, at bumaba pa ang tingin niya sa kamay namin ni Drake na magkahawak. Tutal kaming tatlo na lang ang tao dito kakausapin ko na si Kevin

Agad akong lumingon kay Drake. Tiningnan ko muna siya saglit tsaka ko kinausap.

"Babe..."

"Hmm?" sabay tingin sakin ng nakakunot ang noo.

"Mauna ka na sa kotse mo. Susunod na lang ako." I smiled at him

"Bakit naman ako mauuna?" takang tanong niya.

The Long Lost Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon